Prolugue

48 3 0
                                    

      Hindi ko alam kung anong meron sakin at kahit anong gawin ko hindi parin nya ako tinitigilan. Minsan naiirita na ako sa kahahabol nya. Takbo na lang ako ng takbo at habol sya ng habol na para bang hindi sya napapagod. Minsan gusto ko na lang mag paka tomboy para tigilan nya ako pero wala pa ring epekto.

Sinabi ko sa kanya noon na mag mamadre ako dahil minsan naiisip ko din na wala talaga akong panahon sa lovelife na sinasabi nila mas gugustuhin ko pang mag lingkod nalang kay Lord buong buhay ko. Hindi ko alam ko kung bakit ako ganito, sobrang iwas ko talaga sa lalaki, lalo dun sa interasado sakin.

Hindi naman ako man hater. Sa totoo nga nyan may tatlo akong kapatid na lalaki at ako lang ang nag iisang babae sa pamilya namin. Marami rin akong kaibigang lalaki pero maayos naman ako sa kanila. Sa totoo pa nga nyan sobrang komportable talaga ako pag kasama sila. Sadyang hindi ko lang alam kung bakit iritang irita ako pag may lalaking nag kakagusto sakin.

Ewan ko ba, hindi naman ako maganda kagaya ng ibang babae dyan, kumbaga sa gamit isa lang akong simpleng bagay na minsan lang mapansin. Hindi din naman ako mabait, dahil sa buong buhay ko madami na rin akong nagawang kalokohan.

Sexy? well hindi rin dahil para sa isang babae masasabi nyong manang ako dahil bihira lang akong mag ayos. Hindi ako mahilig sa make-up at sa kung ano ano pang ka ek-ekan sa katawan. Hindi ako yung klase ng babae na magugustuhan ng isang tipikal na lalaki. Kung normal na lalaki ka isang  Maganda, Sexy, Matalino, Mabait, Sweet, Maalaga, Talented, Maganda, Sexy, Maganda at SEXY!! ang hahanapin mo sa isang babae

Kaya nag tataka pa rin ako kung bakit may isang taong kahit ilang beses kong ipagtulakan pilit at pilit paring lumalapit sakin.

Kahit ilang milya pa ang takbuhin ko nandyan lang sya sa likod ko para sundan ako.

Kahit mag tago pa ako sa kahit saan, hahanapin at hahanapin pa rin nya ako.

Kahit maging tomboy ako handa syang maging bakla para lang maging bagay kami.

Kahit pangit ako hinding hindi yun naging dahilan para iwan nya ako.

Kahit hindi ako matalino nandyan pa rin sya para turuan ako.

At kahit inis na inis ako sa kanya nandyan parin sya at hindi ako iniiwan.

To-Get-HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon