(Hikari's PoV)
******
1st year highschool pa lang ako nun nung una ko syang nakilala. Kabarkada sya ni kuya kaya madalas syang tumatambay sa bahay at nakiki pag laro sa mga kapatid ko. Ahead sya sa akin isang taon kaya naman parang kuya na rin ang tingin ko sa kanya. Hindi ko sya pinapansin nun kasi nga ayoko sa kanya, palagi kasi nya akong kinukulit na maki pag laro sa kanya ng basketball. Dahil nga puro lalaki ang kasama ko sa bahay natuto na rin ako ng mga ginagawa nila. Sports, Habits at iba pa. Pero kahit ganun babae parin naman ako at hindi ko naiisipang maging tomboy.
Minsan kinukulit naman nya akong maki pag karera sa kanya ng bike. Sa sobrang kulit nya, sobrang nainis talaga ako to the point na binato ko sya ng sapatos dahil yun ang una kong nadampot at inihagis sa kanya.
Napagalitan pa tuloy ako nina kuya at pinipilit na mag sorry sa kanya. Nagkabukol kasi sya sa ulo dahil tumama sa kanya yung takong ng sapatos ni Papa. Sobrang naguilty ako kaya naman kahit labag sa loob ko ay nag sorry ako sa kanya at para maka bawi pumayag na akong maki pagkarera sa kanya. Dali dali kong kinuha ang bisikleta ko at agad na pinatakbo yun.
" Hikari intayin mo naman ako, hindi ka na naawa sakin may bukol na nga ako sa ulo" Sigaw nya sa akin.
"Tss! Karera nga tayo di ba? Alangang intayin pa kita." Sabi ko lang tsaka pinatakbo ng mabilis ang bisikleta ko.
Mas binilisan pa nya ang takbo kaya naman nasa unahan ko na sya ngayon. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinukulit ng lalaking ito. Palagi na lang syang nasa bahay at walang ibang ginawa kundi bulabugin at guluhin ako.
Pag katapos nun ay agad kaming tumigil sa Park para mag pahinga.
"Gutom kana ba? Tara kain tayo libre ko" Sabi lang nya at hinigit nya ako dun kay manong na mag fifishball.
" Ano ba bitawan mo nga ako!" Sabi ko sabay higit sa kamay ko na hinawakan nya.
" Suplada mo naman porket alam mong crush kita ganyan kana sakin" Sabi lang nya habang nakatungo. Alam kong nag dadrama na naman sya kaya naman iniwan ko nalang sya dun.
Sumunod na lang sya sakin. Pag katapos naming kumain ay umuwi na rin kami sa bahay. Nag paalam lang sya kina kuya saka umalis.
*******
Papasok sana ako nun nung biglang may tumigil na motor sa harapan ko. Pag lingon ko nakita ko nanaman sya. Tss! Lumakad lang ako pero sunod parin sya ng sunod.
"Ano na naman De Guzman!?"
"Good Morning din Hikari" Sabi lang nya saka hinagis sakin ang helmet nya. Sinalo ko na lang kesa pumatak sa paa ko.
"Sakay na" Sabi lang nya sakin sabay tap kung upuan sa likod nya.
"Ayoko!" Sabi ko sabay balik ng helmet nya. Tumingin lang sya sa relos nya.
"Ay sige mag 7am na pala. Late na at baka mapag linis pa ako ng C.r ni Mrs.Titular" Akmang aalis na sya ng bigla akong sumakay sa motor nya. Tumawa lang sya ng nakakaloko at pinatakbo kaagad ang motor nya
"Sasakay ka din pala nag pakipot ka pa Hahaha"
"No choice lang" Sabi ko lang at binalik ko na ang helmet nya. Kadarating na lang namin sa school at pinarada lang nya ang motor nya. Sabay kaming pumasok ng gate at eto na naman sya pinag titinginan na naman ng kung sino-sinong tao mostly babae. Tss! Binilisan ko lang ang lakad ko dahil maiisue na naman ako sa lalaking to. Famous pa naman to dito sa school na to.
"Hikari wait naman"
Mas bibilisan ko pa ang lakad ko, pero nahabol parin nya ako. Ito na naman kami araw-araw na lang. Hay!