Chapter 12 - Revenge

661 16 2
                                    

"Ok class. Para sa project niyo by pairs ito. I will choose your partner..." Last period nanamin para sa umaga. Excited na akong maglunch kasi may dala akong pack lunch nagluto kasi si Bes kanina nang almusal at pinadalhan niya din ako nang pack lunch para tipid na din daw. Di parin makaget over si Ken hanggang ngayon. Panay parin ang titig niya sa akin kulang na lang ay kainin niya ako nang buhay. Sa taas nang pride di niya matanggap na nahimatay siya dahil lang sa suntok ko. Mga tao nga naman kasing taas nang mt. everest ang pride. Ibinalik na ni Sky ang bike ko kaninang umaga panay ang hingi niya nang sorry at di niya daw sinasadya yun. Dahil magpapagoodshot ako sa school sabi ko nalang ok lang.

Nakaubob ang mukha ko sa lamesa habang nakikinig sa aming butihing guro. Nang may kumalabit sa akin. Di ko ito pinansin. ISTORBO!. Nang kinalabit na naman niya ako nang maraming beses dahilan para mairita ako kaya napaangat ang mukha ko "ANO BA?!" ooops! Napalakas ko nang sabi buti nalang busy si maam sa reklamo nang classmates namin.

"Akala mo ba nakakalimutan ko ang pagsira mo sa side mirror ko?" PATAY! NALINTIKAN NA. Siya pala yun ... kaya pala familiar yung mukha niya at boses. akala ko di niya ako nakilala.

"ahhh-Ehhh.hihihi. hindi ko naman kasalanan yun..."Nakayukong sabi ko.

"EH..  KANINONG KASALANAN YUN?!" sigaw niya na may diin ang bawat salita na kanyang binibitawan pero medyo mahina lang yung pagkakasabi niya may guro kasi. Naku naman galit na galit talaga siya baka ito na talaga ang katapusan ko.....

Hindi! Dapat humanap ako nang magandang rason.

"Kasalanan nung....bato. Tama. Dahil kung di siya tumama dun sa side mirror mo eh di sana di yun nasira. Aba malay ko ba kung dun siya tatama. " sabi ko na parang kinakabahan. Takte ba't ba ako kinakabahan?

"Ok Class Settle down." sabi ni Maam na nakatayo na sa harapan.

"ARRGHHH!" sabi ni Ken at bumalik na sa kanyang upuan.

Napangiti nalang ako. Hay. buti nalang at nagsalita agad si maam. Di na ako mahihirapang makipagaway sa lalaking yun.

"Ok that's all for today. Goodbye Class!" Hindi na ako naghintay na makalabas si Maam. Agad na akong lumabas ng mabilis. Ayokong makipagusap sa baklang froggy na yun na nagngangalang Ken. Ang weak kasi at daig pa ang babae kung makipagsagutan nang salita.

Tumakbo na ako palabas nang school baka hinabol na ako nun. Dun nalang ako sa practice area namin ni ate ianna kakain nang lunch.

Ken's POV

Nang magpaalam si Maam ay agad kong hinanap si Jane. Kainis talaga yung babaeng yun ang dami na niyang kasalanan sa akin. Di ko na nga mabilang. Hay. Kailan ko kaya makikita ang babaeng nagligtas sa akin.

Hay... Mamaya ko na nga siya hanapin. Mananagot muna ang Jane Dare na yan sa akin. Nagsmirk nalang ako. Pwede mo akong takbuhan Jane pero hindi mo maiiwasan ang aking punishment sayo.

"Hoy!! Dude!!! Kanina ka pa nakatitig diyan sa pinto baka matunaw yan. Alam kong gutom kana huwag mo namang idamay ang pinto."sabi niya at umakbay sa akin.

"Hahahahahahahaha" tawa nang buong barkada. Di ko manlang namalayan na nakapalibot na pala sila sa akin.

"Aray naman Ken." binatukan ko kasi si Kylle.

" Gago ka  talaga Kylle"  kinuha ko na ang mga gamit ko sa aking upuan.

"Siyanga pala Ken ano nang plano mo kay Jane Dare?" napatigil ako sa pagligpit at hinarap sila.

"Mamaya na nga natin yan pagusapan sa canteen kumain muna tayo gutom na kasi ako." sabi ko at naglakad na patungong canteen. Susunod naman yan sila sa akin. Follow the leader nga diba?

Finding the mystery girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon