Sino ako?

378 7 0
                                    

Hindi ko pa kayang magpakilala kung san ako nakatira at kung ano ung tunay na pangalan ko. Gagamit ako ng mga alyas para matago yung totoong identity ko. Tho wala naman akong dapat itago pero nahihiya lang ako iout ang sarili ko. At ako lang at ang mga kaibigan ko ang nakakaalam sa mga ganap sa buhay. Walang alam ang pamilya ko kung san san ako pumupunta dahil hindi ko sila kinakausap dahil ayoko silang kausap. Please dont judge me. Basahin niyo muna yung buong kwento nago kayo magjudge. And hindi ko rin to ginawa para ipahiya lahat ng tao sa paligid ko dahil mahal ko silang lahat. Gusto ko lang ipakita and ipavisualize sa inyo kung gano ka fucked up ang society natin. And baka may magsabi na psychologically impaired ako, nagpaconsult ako sa psychiatrist once, and sabi niya baka daw may borderline personality disorder ako. May ipapaexam siya sa akin pero ayoko na bumalik dahil walang akong pera at aabsent pa sa trabaho. Sayang ang sahod. Pero ayun. Sana maintindihan niyo ako at sana maintindihan niyo itong kwento ko.

Ngayong 2019, mag 23 ako sa august. Nakatira ako sa metro manila. Kasama ko sa bahay yung mami ko at 2 kapatid ko. Yung mommy ko gov employee, ung dalaqang kapatid ko nakapagtapos na rin ng pag aaral at may magandang trabaho na. Ung daddy ko pala simula bata palang kami babaero na talaga kaya hindi tahimik ung childhood ko kasi laging nag aaway si mami at dadi. Ako lang ang nakarealize na hindi na siya magbabago pero sila mami and kapatid ko gusto parin siyang tanggapin kahit ganun siya. Pero ako hindi ko na talaga siya kayang tanggapin. Kapag nagtatanong yung mga new friends ko kung asan daddy ko. Lagi kong sinasabi na patay na siya. Dahil di ko makakalimutan lahat ng ginawa niya sa akin. Malalaman niyo yan sa mga next chapter. Tigi tigisang topic yan. So bali nagtapos pala ako ng Bachelor of Science in Psychology, hindi halata hahaha. And may 24 units ako ng Education. Napasa ko yung Psychometrician and Teachers board exam, hindi sa pag mamayabang so may RPm and LPT next sa apelido ko. Gusto ko lang ipakita sa inyo ung background ko at para malaman niyo din na may napagaralan akong tao. Hindi ako nagyayabang hahaha.

Marami akong friends nung highschool and college pero ang dami din naming pinagdaanan pero friends ko parin sila hanggang ngaun. After graduation pala ang dami kong nameet na bagong kaibigan, dahil naging active na ako sa mga concerts and events dahil isa akong fanboy. Ginagastoz ko lang lagi pamasahe, minsan lang ako gumagastos sa ticket dahil may mga nagbibigay sa akin ng ticket at lagi ako nananalo sa contest. Hindi lang dahil sa mga concert ako nagkaibigan, dahil yung latest work ko ngayun, pang 9 ko na siya company. Sa 3 years ko ng graduate. 9 na company na ung napasukan ko. Imagine that. Kung ilang interview ung hinarap ko. Next ko na to ikwekwento. Hindi ako makontento sa mga kasama ko sa buhay. Ako yung taong laging nagbibigay ng benifit of the doubt and kapag naasar na talaga ako. Ako nalang lagi yung lumalayo kaya siguro depressed na depressed ako kasi kinekeep ko lang lagi sa sarili ko.

And ayun. May group of friendz akong nagzuzupport sa akin emotionally pero sana hindi zila mpagod sa akin. Financially andyan naman si mami. Kaya naman pero kapag nawala ziya pano na ako. Wala pa akong magandang work kasi palipat lipat ako ng company.

If may mga tanong pa kayo. Lagay niyo sa comments and sasagutin ko sa next chapter. Parang vlog narin pala to or group chat hahHa. Dont forget to subscribe to my story if you want. Hahahaha. Ill make this a hobbit that every night magsusulat ako.

Dont go anywhere dahil marami kayong malalaman tungkol sa akin na hindi common sa ordinaryong tao at sa ordinaryong bata. Tho meron ding mga nakakaexperience pero ako ikwekwento ko sa inyo.

See you. Tomorrow.

ALTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon