family

61 5 0
                                    


Now, its time to introduce my family. 5 lang kami sa pamilya, ako, dete ko, ate ko, si mommy pati si daddy. Si dete ko, medyo magkasunod kaming dalawa kasi parehas kami ng taste sa music pati sa movies. Lagi ko siyang naiinflusyahan ng kanta kasi ako lagi nasusunod sa kung anong ipapatugtog sa bahay kapag andun ako. Sa movie din, kapag andun ako sa bahay ako lagi nasusunod. Kasi din naman kasi, binubuksan nila lagi yung tv sa bahay pero hindi naman nagsisipagnuod. Lagi din naman nkacellphone. Kaya ako nalang lagi yung gumagamit ng tv. Para hindi masayang yung kuryente. Ung dete ko rin pala, hindi ko alam kung tomboy o babae, pero it doesn't matter. Just wanted you to know that I have doubt. Also, I think siya yung successful sa aming magkakapatid kasi siya ay cpa. Tho meron akong dalawang license which is teacher and psychometrician. Pero kasi magkano ba naman ang swelduhan ng cpa! At ako minimum parin sweldo ko. Minsan talaga kung sino pa yung mga walang kwentang tao, sila pa yung umaasenso sa buhay. Pero life is unfair, we just have to deal with it. Lastly na, masumpingin siya. Kapag badtrip badtrip. Minsan medyo nagegets niya yung kung anong nasa isip ko, pero minsan bobo din eh. Hahahahaha. Bobo sa pananaw sa buhay ah, hindi intelligence. Get used to my words. Sa akin kasi it doesn't matter kung saang school ka nagtapos, anong awards nakuha mo, as long as Mabuti kang tao, mahal kita.

Punta naman tayo sa ate ko. Ito talaga, malapit na siya sumunod kay daddy kasi sobrang walang kwenta talagang tao. Alam mo yung active siya sa simbahan, tapos nagging president pa sila ng samahan nila dun pero siya yung may pinakamasamng ugali. Tho kapag may family occasion siya yung lagging bida, kasi masiyahin pati magaling magsalita kaya siya yung pinaghohost, pero siya parin talaga yung pinakamasa at walang kwentang tao. Pinakanakakabadtrip talaga yung naglalaw siya ngayon. Ifever man na makapasa siya, sobrang liit parin ng pagtingin ko sa kanya kasi, ayun nga makakatulong siya sa ibang tao pero sa pamilya di siya makatulong. Laging iniisip kung ano ung sasabihin ng ibang tao sa kanila imbis na isipin kung anong magpapasaya sa kanya. Paglilinis na nga lang ng bahay eh hindi makpaglinis. Ito talaga pinakanaasar ako sa kanya eh. Makakapatay talaga ako ng tao. Kasi hindi talaga biro yung paglilinis ng bahay namin. Minsan inaabot ako ng 4 hours hanggang 6 hours matapos lang. tapos kapag dumating na sila or umalis ako. Pag balik makalat na agad. Napakawalng kwentang tao talaga. Tapos kung sino pa yung mga makalat, kung sino pa yung nakatira sa maduduming bahay, sila pa yung nakakapunta sa ibat ibang lugar at may ganang mag inarte sa mga restaurant.

Si mommy naman. Bilib na bilib ako sa kanya kasi di ko alam kung pano niya kami napagtapos lahat sa liit ng sinesweldo niya sa trabaho. Magalig din kasi dumiskarte si mami at maraming connection. Pero nababadtrip ako sa kanya sa pagbubudget sa bahay. Nababadtrip din ako kasi ako lagi yung hinihingan niya ng pera, ako nga tong sobrang liit lang ng sinesweldo tapos ako pa yung may pinakamalaking nabibigay sa bahay. Isipin mo ang sweldo ng kapatid ko nasa 36k pwera pa yung mga allowance, tapos yung ate ko call center na nasa 30k yung sweldo. Tapos ako tonga 535 per day yung sweldo ako pa yung may opinakamalaking nacocontribute sa bahay. Ayun. Sobrang naappreciate ko si mami kasi lahat talaga ginagawa niya. Kahit napakawalng ya ko na sa kanya. Di parin siya sumusuko sa akin.l Hanggang ngayon gumigising parin siya ng maaga para mapagluto kami ng baon pati may makain. Kasalanan din naman kasi nila kung bakit hindi ko sila kinakausap eh. As in wala talagang usap, pwera nalang kung kailangan kong humingi ng pera kapag kapos na ko. Pero other than that, kapag napakawalang kwenta ng tanong, hindi ko sila sasagutin kahit yes or no lang ang sagot> hirap din sa kanilang lahat, yung mga concern nila sa bahay, lalo na yung mga kalat, yung kuryente eh sila yung number 1 na gumagawa ng mga kasalanan nay un. Tho alam ko na na ganun sila dahil wala nga silang walang kwentang tao, pero hindi ko mapigian maines minsan. Yung kapag naglilinis ako, napapaiyak nalang ako kesa magtantrums ako na wala din naman mangyayare. Masyado parin silang self centered.

At yung daddy ko naman. Lahat ng bagong new friends ko, ang alam nila sa daddy ko ay patay na. PInapakilala ko kasi patay na. at ifever man na may kailangan akong excuse. Na namatay na kasi si daddy walang magbabantay sa kanya. Hahahahah. Siya talaga yung pinakawalang kwentang tao sa lahat. Theres a lot of reasons why pero I can only give a few. Yung hindi siya tumutulong kay mami sa gastusin sa bahay, yung puro konsumisyon lang yung hatid niya dahil sa babae niya. Pero higit sa lahat yung lagging pagbugbog sa akin at bandang hule siya pa ang biktima. At dahil nga simula first year college di ko sila kinakausap. Pinapalabas niya na baliw na ako, kasi hindi ako nagsaslita sa bahay, Kahit anong sigaw nila sa akin di ko parin sila kinakausap. Like psych major ako tapos may llicense pa ako tapos ako pa yung lagging mukhang tanga at walang utak. Di ko talaga makalimutany ung pumasok ako sa school na sobrang laki ng pasa ko dahil sa pagbubugbog ni daddy.

SO ayan yung pamilya ko. Para sa ibang kamaganak ko naman, hindi ko na sila iisaisahin pa. Sasabihion ko nalang yung setup ng pamilya namin. Sa pamilya kasi naman, dapat magaling ka, dapat honor ka, dapat Malaki sweldo mo, dapat maganda yung company na pinagrratrabahuhan mo para kausapin at pansinin ka. Kapag tapon ka sa buhay, wala papabayaaan ka nalang din. Imbis na tulungan yung mga nangangailangan dinodown pa nila. Sobrang walang kwentang tao talaga ng pamilya ko. Ganyan silang lahat. Tapos mga active pa talaga sa simbahan, ang daming nagseserve sa simbahan pero napakawlang kwenta talaga. One time nga sa sobrang badtrip ko sa lola ko dahil sa pagkaself centered niya nabato ko siya ng tinidor tapos tinamaan siya sa mukha. Buti walang dugo kasi bata pa naman ako. Pero ayun bata palang ako alam ko na kung pano mamuhay ng maayos at kung pano makisalamuha sa ibang tao. Buti nga ngayon marunong na ako medyo magkontrol ng emosyon. Dati kasi hindi eh. Yung sumisigaw ako sa labas ng tulong, patayin niyo na daddy ko, paalisin niyo sa bahay. As in dinig na dinig ng mga kapitbahay, umiiyak ako, tapos nagtatantrums ako sa labas kahit maraming nakatingin pero wala na akong pakielam. Siguro mga limang beses ko na yung nagawa. Kaya minsan, hindi ko sila masisisi kung bakit iba yung tingin nila sa akin sa labas na para bang baliw ako or wala utang na loob sa magulang.


Actually, alam kong mahal nila ko at mahal ko din sila. Pero sadyang magkaiba kami ng pananaw. Siguro may dahilan din yung pagiging psych majot ko sa ganto, pero hindi parin eh. Ayoko kasing makisalamuha sa mga self centered at walang kwentang tao kaya ayoko silang kausap.At sa utang na lpob naman. Kung alam niyo lang kung gano ung tinitiis ko para lang makapagbigay ako sa mami ko. Yung pamasahe nalang lagi natitira sa akin para makapasok pa. Pero syempre may extra din ako pangsine, para din sa kaligayhan ko pero ayun. Mahirap tanggalan ngbasta basta ng masamang ugali ang isang tao.

ALTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon