In The Midst Of Wolves!

13 3 0
                                        

Matthew 10:16
Behold, I send you forth as sheep in the midst of wolves: be ye therefore wise as serpents, and harmless as doves.

"This is it" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa napakataas na building. Jaiwo Inc. One of the biggest company with chain of businesses. Ang company na pagta-trabahuan ko.
Bit bit ang aking office bag, napansin kong nagpapasukan na ang mangilan ngilan na empleyado. Decente ang lahat, suot ang kanilang business suit. 'This is what we call the corporate world' bulong kong muli sa aking isipan.

Bago ako pumasok pinakalma ko muna ang bilis ng tibok ng puso ko sa pamamagitan ng panalangin. Christ is our peace, the prince of peace.

Habang nakatayo pinagdikit ko ang aking mga palad at unti unting yumuko at pumikit.

"Lord, thank you for this day, and i pray na sana iguide mo ako sa first day ko sa work. Amen" i personally said it to the Lord.

Kasabay ng Pagdilat ng aking mga mata ay ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. Alam kong magiging maayos at masaya ang araw na ito because of Christ.

Pagpasok ko sa building, Human resource department ang una kong pinuntahan. Si Ma'am Jena, siya yung nag asikaso sa akin nung nag apply ako dito and siya rin ang magpapakilala sa akin sa office.

"Good morning Maam Jena." bati ko sa kanya ng makarating ako sa table niya.

"Oh, Good morning din Carsten. Ang aga natin ah, 8 pa ang orientation mo eh, anyway thats a great start. I love that. I hope you continue that kind of attitude." saad ni maam Jena habang nagcocoffee pa.

"thank you po maam. Yes maam, makakaasa po kau." nahihiyang sagot ko sa kanya.

"oh sige, wait mo nalang ako sa orientation room ok? Ill just finish this." tukoy niya sa coffee niya.

Nagtungo na ako sa orientation Room. Masyado pa ngang maaga dahil iilan palang ang nakikita ko sa office, bigla tuloy akong nahiya kay maam Jena.

Ilang sandali lang dumating na din si maam Jena at diniscuss niya kung ano ba yung company, the rules and regulation and also a bit of my work, head ko daw kasi yung mageexplain sa akin ng position ko. After the explanation dumako na kami sa contract signing. Six months under probation ako and it depends sa performance yung pagiging permanent ko. Mabait si maam Jena, kita ko yun sa kung paano siya nagsasalita. Banayad at pili ang bawat salita.

Pagkatapos ng discussions inihatid na ako ni maam Jena sa office ng Marketing Department. Pagpasok ko palang ramdam ko na ang aura ng Marketista. One word. Maingay. Ito yung ingay na matututo ka. Yung ingay ng pagbabatuhan ng ideas.

Sa sobrang focus nila sa topic hindi nila napansin ang pagdating namn ni maam Jena. At para makuha ang attention nila. Maam Jena just simply clap her hands at sabay sabay silang napatingin sa dereksyon namin. Medyo nakakatakot na slight nakakatuwa yung reaksyon nila. Iba ang kunot ng kilay nila, ang pag arko ng kanilang labi at matanong na mga mata.

"Listen Marketers I would like to introduce to you your new partner. This is Carsten, she'll be asign at area 5. I wont discuss further kasi alam kong alam niyo na kung ano ang dapat gawin. Kaya iiwan ko na siya sa inyo." maauthoridad na sabi ni Maam Jena.
Pag alis ni Maam Jena, nanatili akong nakatayo sa may pinto kung saan niya ako iniwan.

"ahm, Hello, Good Morning sa inyong lahat! Ako nga pala si Carsten" pagpapakilala kong muli. Ngunit walang nag salita ni isa sa kanila, nanatili silang nakatitig sa akin. This is awkward.

Thy WillWhere stories live. Discover now