Chapter 2 All Out Gayness

3 0 0
                                    

Nagulat ako sa ginawa ni Wonwoo. Sayang gwapo panaman yung lalaki mukhang mabango pa. Dinagtagal dumating na guro namin.

“Magandang umaga sainyong lahat ngayon ang unang araw ng klase kaya sana maging mabait kayo hanggang sa huli ako nga pala si Mrs. Eter Pledisa tawagin nyo na lang akong Mrs Pledisa, at ngayon nais kong magpakilala kayong lahat by line ang pagpapakilala at mauna ka.” Sabay turo ni Maam dun sa kaklase kong babae na mukhang impakto nakakatuwa lang dahil may kaklase kaming mga babae kaso mga mapapangit mas maganda parin ako. Natapos na magpakilala yung pitong babae tapos ay tumingin ako kay Maam.

“Sige ikaw na mag simula sa lalaki.” Tumayo na ako at nagpakilala.

“Ako nga pala si Yoon Jeonghan 18 itinuturing ko ang sarili kong angel.”

“Ako naman si Boo Seungkwan 18 na din po ako magaling po akong kumanta at sumayaw sobrang talented po ako.” Epal talaga tong bakla nato bulong ko.

“Hong Jisoo gentelmen ako sa lahat kaya magiingat kayo.... tawagin nyo nalang akong Joshua.” Gwapo sana kaso mukhang baby di kami bagay.

“Ako naman si Wen Junhui, galing akong china pero mas pinili po namin dito sa pinas dahil maganda dito.” Halata naman na may lahi siya pwede na gwapo din.

“Kwon Soonyhung prinsipe ako sa bahay namin at gusto kong iturin nyo rin akong ganon dito.”

“Lee Jihoon ‘’Woozi’’ nalang maliit pero masarap 18 na din ako di lang halata”

“Xu Minghao from china kagaya ni Junhui bestfriend ko yan”

“Lee Seokmin maingay pero gwapo talented din ako diba friend” sabay kalabit kay seungkwan at ang malanding bakla naman ay umirap lang.

“Lee Chan mabait po ako at mukhang ako lang po ang pinaka bata dito”

“Chew Vernon Hansol gwapo, magaling sa lahat ng bagay type ko yung mga taong maraming talent kaya magiging akin ka din.” Bigla naman tumili si Seokmin halatang kinilig.

“Kim Mingyu sweet at loyal sa mga taong mala Angel ang itsura bago matapos...”

“Ako nga pala si Jeon Wonwoo” parang tanga talaga si Wonwoo ngayon. Nagulat kami ng biglang tumayo si Mingyu.

“Pare ang bastos mo ah kanina ka pa kita mong nagsasalita pa ako sisingit singit ka.” Parang wala lang kay Wonwoo ang ginawa ni Mingyu dahil hindi siya natinag.

“Okay class tumigil na kayo parang walang guro sa harapan nyo ah” sabi ni Ma’am na walang expression ang pagmumukha mukha tuloy drakula.

“Choi Seungcheol magpiprisinta na po akong maging president tutal ako naman po ang pinakamatanda dito Maam ako na po ang bahala sa kanila kaya simula ngayon pag aari ko na kayong lahat.” Ang gwapo non kaso mukhang masungit.

Natapos na din kaming magpakila at natapos din ang oras namin sa subject na ito. 13 lang pala kami pero inabot kami ng one hour sa pagpapakilala lang.(Exaggerated po ako hihihihihi) Nakakapanibago dahil wala kaming kaklaseng babae hindi tulad dati. Itong school namin open sa lahat pero hindi ko alam kung bakit walang babae sa room pero sa labas meron.

“Jeonghan magrerecess ka ba?” Tanong sakin ni Wonwoo.

“Natatamad akong mag lakad bili nyo nalang ako.” Umalis na ang dalawa at biglang may lumapit sakin si Mingyu

“Jeonghan alam mo nung una akala ko babae ka grabe ang ganda mo tama ang sinabe mo kanina mala angel ka nga.”

“Salamat.” Medyo papure muna ako para maakit. “Ay kabayong malaki ang itog.” Nagulat ako nang bigla nalang kumalabog ang mga upuan sa likod at nakita kong nagaayos ng upuan yung gwapong lalaki si Cheol ba yun.

“Hoy pre ano bayan ha.” Sigaw ni Mingyu dun kay Cheol.

“Wala nagdadabog lang ako dito  baka kasi may bakla dito sa room e magsialis na nakakadiri lang.”

Ay ang bastos naman pala nung gago nato akala mo kung sinong gwapo malaki naman ang gilagid.

“Ang gago pare.” Sabay tawa ng malakas ni Mingyu. Sa sobrang inis ko lumabas balang ako ng room.

“Hey Jeonghan sorry na joke lang naman yun ay.” Oh my gosh hinabol ako ni kuyang malaki gilagid! Iba talaga ang karisma ko.

“Minsan kasi isipin mo naman yung mararamdaman nung iba bago ka mag bitiw ng salita.” Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa pag lalakad.

“Sabi ng wait lang yayakapin kita pag hindi mo ako sinunod.”

“Ano bang kailangan mo Cheol!” Sinigawan ko na siya dahil naiinis na ako.

“Ikaw Jeonghan ang kailangan ko bakit ganyan ka ha? Kung umasta ka parang hindi mo na ako kilala e ang tagal nating naging magkaklase.”

“Sorry pero hindi talaga kita natatandaan kapag hindi importante kinakalimutan na yan.” Magsasalita pa sana siya kaso biglang dumating sila Soekmin kasama si Joshua at Woozi

“Hoy bakla sama ka samin buuin natin yung nasira nating samahan nung Elementary tayo.”

“Elementary? E alam ko sa state ako nag aral non pero yung iba sa inyo naaalala ko nung kinder.”
Ang kwento kasi sakin ng nanay ko nung grade 8 daw ako nadisgrasya daw ako kaya yung ibang memories ko di na naibalik. Ang sabi naman ng Doctor kapag nakasama ko ng matagal yung mga tao sa nakaraan ko maaalala ko din daw yun. 

Tumango naman sila na halatang naniniwala sila sakin. Matapos kong bumili ng tinapay sa canteen nakita ko si Wonwoo na may kasamang babae, minsan di ko talaga sila maintindihan di ko alam kung ano ba talaga sila, si Wonwoo matagal na kaming magkaibigan nyan alam ko din  na habulin yan ng mga babae kaso pag ayaw niya sa babae di niya kinakausap.

“WONWOO!” sigaw ko at napalingon naman siya sakin.

“Nasan yung pinabili kong tinapay?”

“Wala kinain ko na nakita kasi kita kanina mukhang busy ka sa pakikipagusap kay Mingyu kaya kinain ko nalang.” Malamig na sabi ni Wonwoo. Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang siyang umalis sabay hinila ang kasama niyang babae.

Bumalik nalang ako sa room at don ko nakita si Seungkwan na nakikipag usap kay Vernon. Kilala ko silang lahat nagkukunwari lang akong hindi.

Ilang years ko din silang hindi nakasama dahil nga sinama ako ni Nanay sa states nandon kasi yung business ni Tatay.

“Hello pwede ba kitang tawaging Jeong masyado kasing mahaba yung pangalan mo. Ako nga pala si Ericka sorry nga pala sa inasal kanina ni Eva.” Sabi ng isang magandang binibini na umupo sa tabi ko.

“Ayos lang yon Ericka sanay na ako kasi masahol pa dyan yung ginagawa nung dati kong kaklase.”

“Ang gwapo mo alam mo ba yon kaso may naaamoy ako sayo paamoy nga.” Sabay lapit niya sa leeg ko na lubos na kinatayo ng balahibo ko.

Nagulat nalang ako ng biglang maghiyawan yung mga kaklase ko.

“AYIEEEEEE BAGAY KAYO”
“GET A ROOM NA”

“TINITIGASAN NA YAN” sigaw ni Dino. Natawa na lang ako sa mga hiyaw ng kaklase ko. Siraulo naman kasi tong si Ericka mangaamoy lang kailangan sa leeg pa. Biglang tumahimik ang mga kaklase ko ng pumunta si Cheol sa harapan at mukhang galit.

“Ako ang masusunod sa kalaseng ito. Sasusunod kung may maglalandian lumabas kayo respeto lang sa nakakakita at ikaw..” Hindi ko alam kung ang tinuro niya kung ako ba o si Ericka kasi nakaturo sa gitna namin.

“Wag mong pinapakailaman yung akin tangina naman.” Sabay labas niya. My goodness diko na alam yung nangyayari. Sumunod naman si Mingyu at Vernon.

“Kasi ang lalandi lang kasi.” Kana naman ni Eva sabay labas din niya. Dalawa nalang kami ni Ericka ang natira. Nagtawanan nalang kami. Di nagtatagal pumasok na sa room si Seokmin, Joshua, at Woozi.

“Ay bakla anong nangyari bat nasalubong namin  yung mga kaklase natin at mukhang galit si President.” Sabi ni Seokmin sakin.

“Ewan” sagot ko nalang nakakaulol pala kapag nagkasama sama ulit kayo sa tagal ng panahon. Ilang minuto ang nakalipas at nagdatingan yung mga kaklase ko pero wala don si Cheol. Hinarang ko si Vernon.

“Pare nasaan si Cheol bat di nyo kasamang bumalik?”

“Nandon sa rooftop nagagalit.” Pagkasabi niya non ay nilagpasan naman niya ako. Akmang tatayo ako ng pigilan ako ni Minghao.
“Jeonghan wag mo ng balaking pumunta don baka lalong lumaki ang gulo.” Natahimik nalang ako grabe unang araw palang ganito na ang nangyayari.

Natapos ang maghapon ng hindi na nakabalik si Cheol. Nagaalala lang ako baka kung napano nayon diko naman kasi sinasadya na kausapin yung pag aari niya si Ericka naman kasi parang tanga nakakabusit.

7:00PM tingin ko sa relo ko nandito kasi ako sa labas ng room namin inaantay ko si Cheol na bumalik naiwan kasi niya yung gamit niya. Muli kong tiningnan yung relo ko at napagpasiyahan kong umuwi na.

Lalakarin ko nalang tutal malapit lang naman yung bahay ko sa school. “Ano ba naman tong daan na to wala manlang kailaw ilaw grabe kung babae lang siguro ako nagahasa na ako.” Bulong ko sasarili ko. At laking gulat ko ng biglang may humila sa akin.

“AY PUTANGINA BITAWAN MO AKO.” Sigaw ko.

Hate And Love(SEVENTEEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon