“SEUNGKWAN GUMISING KA NA DYAN.” Narinig kong sigaw ni Wonwoo. Unang araw kasi ngayon ng pasukan naisip nilang mag over night sa bahay ko para daw sabay sabay kaming papasok.
Abala ako sa paghahanda ng aming almusal at paghahanda ng babaunin naming pananghalian. Di nagtagal bumaba na din si Wonwoo at kasunod nito ang nakasimangot na si seungkwan.
“Alam mo Jeonghan kung panay ganito na palagi akong gigisingin ng maaga baka dina maulit to.” Pagalit na sambit ni Seungkwan.
“Ang bakla mo talaga Seungkwan bat hindi mo ako gayahin ang tunay na lalaki maaga gumigising.” Natatawang sabi ni Wonwoo.
“E gago ka pala e edi parang sinabihan mo ng bakla ang tatay ko kasi alam mo ang tatay ko simula ng matulog di pa nagumigising o edi ibig sabin bakla na siya?” Pagbibiro ni Sengkwan.
“Hep Hep” singit ko. “Hoorey” Kana naman ng dalawa sinamaan ko sila ng tingin at nagtawanan naman ang dalawa. “Magtigil na kayo, kumain na kayo dali ng makapasok tayo.” Habang kumakain pinagmamasdan ko si Seungkwan na panay ang hikab. Palihim nalang akong tumawa. Laking gulat namin ng biglang tumayo si Seungkwan.
“HAYOP KA WONWOO 4:00 PALANG NG MADALING ARAW E 10:00 PA ANG PASOK NATIN ANO 6 NA ORAS PA TAYONG TATANGA NYETA KANAMAN O.” Sigaw ni Seungkwan.
“STOPPPPPP!KUMAIN KAYO NG MAAYOS AT ITIGIL NYO YANG BANGAYAN NYO KAGAAGA AY NAGBABANGAYAN KAYO.” Baliwala lang ang pagsigaw ko dahil hanggang sa matapos silang kumain si Seungkwan wala paring tigil sa kakadaldal at ang gagong si Wonwoo naman ay nang iinis pa.
“Maligo na kayong dalawa at mag shoshopping tayo para makabili manlang ng pabango.” Pagkasabing pagkasabi ko non wala pang minuto tumakbo na agad si Wonwoo sa CR.
“Kung sinabi mo kaagad na magshoshopping pala edi sana hindi na ako natulog.” Kana ni Seungkwan. Hilig kasi talaga ng dalawa nayan ang mag shopping palibhasa mga bakla. Ilang oras lang ang nakalipas nakapagayos na kami at aalis nalang.
“HOY KAYONG DALAWA DALIAAN NYO AT BAKA MALATE TAYO SA SCHOOL.” Sigaw ni Wonwoo. Madalas ganyan si Wonwoo masyadong Bossy
“TANGINA NAMAN WONWOO MAG-6 PALANG ANG GAGO MO.” Galit na sigaw nanaman ni Seungkwan. Nakarating na kami sa mall at nilakad lang namin ito. Ang kagandahan lang sa mall na ito ay hindi nagsasarado 24/7 kaya panigurado mayaman ang may ari ito saisip isip ko. Nakakalibang dito sa mall sobrang daming magagandang damit at madami ding mga gwapo kaso mukhang mga supot naman.
“Joenghan o binili ko para hindi kana nahihirapan dyan sa buhok mo ako yung nahihirapan sayo ay!.” Inabot sa kin ni Wonwoo yung ipit na binili niya para sakin. Alam nyo minsan gusto kong kiligin sa kanya kaso alam kong parehas lang kami ng kulay kaya dibale nalang.
“Nakakainggit talaga ang mahaba ang buhok parang gusto ko din magpahaba” singit ni Seungkwan.
“Tsk! Hindi bagay sayo kasi mas lalong lalaki yang mukha mo, masbagay sakin ang mahaba ang buhok malakas makaganda.”
“HA.HA.HA. sa wakas ang dakilang bangkay umamin na ng tunay niyang kulay.” Mapanginsultong sabi ni Seungkwan. Hanggang mamaya magkakapikunan nanaman yang mga yan. Bakit bangkay? Kasi kung makikita nyo siya kasing lamig ng bangkay yang si Wonwoo sobrang cold ang sungit pa.
“ULOL! KA SEUNGKWAN BAKLA.” Sabay alis ni Wonwoo at iniwan kami ni Seungkwan sa mall.
“Tangina naman kasi napagalit mo nanaman si Wonwoo.” Si Seungkwan mahilig manginis pero palagi namang pikon hindi ko nala talaga maintindihan yang mga kaibigan ko.
“Bakit ba kasi ayaw pa niyang umamin. Wait Cr lang ako.”
Tumango lang ako bilang sagot. Naglakad lakad muna ako habang hinihintay ko si Seungkwan. Habang nagaantay nakabili na ako ng damit ilang minuto na pero wala parin si Seungkwan. Di nagtagal nakatanggap ako ng dalawang text isa kay Wonwoo at ang isa sa malanding bakla.From: WW
Nauna na ako sa school antayin ko nalang kayo dito.From: SK
Kita nalang tayo sa school baka matagalan ako sa Cr.Hindi ko nalang sila nireplyan at napabuntong hininga nalang ako tumingin ako sa wrist watch ko at 8 palang ng umaga bali 2 oras pa akong tatanga dito. Wala na akong nagawa kundi ang maglakad lakad nalang at hintayin ang oras. Dahil sa inis hindi ko napansin ang lalaking mabilis na tumatakbo at huli na nang mapansin kong malapit na siya sakin.
“ARAY!” Sigaw ko. Sa lakas ng bunggo sakin na paupo ako sa sahig ilang segundo ang nakalipas nagaantay akong may magtayo sakin pero walang lumapit. Punyetang lalaki yon walang modo sa sobrang inis ko napagpasyahan kong lumakad na papunta sa school.
Nang makarating ako sa school nilibot ko muna ito at ng makita kong 9:40 na hinanap ko na ang room namin at nakita ko naman ito kaagad.
Pagpasok ko nakita ko kaagad ang dalawa kong ulol na kaibigan. Uupo na sana ako sa bakanting upuan pero may nakaupo pala don
“Hoy dyan ako dun ka sa dulo.” Pagtataray sakin nung mukhang halimaw na babae. Inirapan ko nalang siya at pumunta na ako sa likod malayo ako sa dalawang bakla nasa harapan kasi sila.
“Hi babe! Dito kana lang sa tabi ko may bakante pa dito wala na man yung totoong nakaupo dyan absent. By the way Kim Mingyu nga pala.” Nakalahad ang kamay nya sakin tatanggapin ko na sana nang biglang may biglang tumabig ng kamay ko.
“Jeonghan dun kana lang sa harap ako nalang dito mahirap na baka mabastos kapa. ”
Napatingin ako sa nag sabi nun. Hindi ako makapaniwala na nandito yung ungas na ito.
BINABASA MO ANG
Hate And Love(SEVENTEEN FANFICTION)
RomanceWhy would a person hate someone but also love him? Two person against the world. Would they listen to everyone? Loving is difficult and painful. Is it worth to sacrifice everything for someone you love? He loves him BUT Are they meant to be or...