VANCE pulled Phoenix's nape so his lips will meet hers. Hindi nakahuma si Phoenix sa bilis ng pangyayari. One minute they were arguing, the next thing she knew, they were arguing into a different level.
Sinakop nito ang mga labi niya. Nanlaki ang kanyang mga mata. May ginigising na kung ano ang halik na iyon sa kanyang katauhan. Pinag-iinit niyon ang kanyang katawan at parang kinakapos siya sa paghinga.
She didn't know how to act properly when kissed. Ang alam niya, dapat sinasampal niya ang mga aroganteng tulad ni Vance. Pero hindi niya magawang ilayo ang sarili dito. Parang nahihipnotismo siya at tanging kayang gawin ng labi niya ay magpaubaya dito.
Natigilan si Phoenix nang maulinigan nila ang tunog ng paparating na sasakyan. Mabilis na naghiwalay ang kanilang mga labi. Saka niya na-realize kung ano ang itsura niya. Gulo-gulo ang kanyang buhok at nakapulupot ang kamay niya sa leeg nito. Hindi maikaila ang ngiti sa mga labi ni Vance.
Mabilis siyang umalis sa kandungan nito. "Bakit mo ginawa iyon?"
"Curiosity. Ngayon pa lang ako nakahalik ng archaeologist. At na-prove ko ang hinala ko. Pustahan tayo hindi ka pa nahahalikan ni Thutmose III," anitong may halong panunuya.
Nakuyom niya ang palad. Gusto niyang sampalin ito subalit pinigilan niya ang sarili dahil narinig na niya ang papalapit na yabag mula sa labas.
"Kapal ng mukha mo!" Pinahid niya ng likod ng palad ang mga labi upang burahin ang halik nito. "Pangit ka pa rin!"
Tumalikod siya at nagmadaling umakyat ng hagdan. Hindi na niya matatagalan pa ang presensiya nito. At lalong ayaw niyang makita sila ng ibang tao sa ganoong itsura. Hindi siya makapaniwala na hinalikan siya ng mortal niyang kaaway sa mismong pamamahay niya. At ang masaklap, sinagot niya iyon. Kaya alam niyang pinagtatawanan na siya nito.
"Sabi mo lang iyan, Cleopatra. Hindi mo lang matanggap na marunong akong humalik dahil hindi iyon kaya ng boyfriend mo... kahit siya pa ang may-ari ng lahat ng pyramid sa mundo," nanunuyang pahabol ni Vance habang paakyat siya ng hagdan.
Pagdating sa kanyang silid ay humihingal niyang ibinagsak ang sarili sa kama. Nahawakan niya ang kanyang mga labi. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa niya ang halik na pinagsaluhan nila ni Vance. Gayundin ang dampi ng mainit na balat nito sa kanya.
Pumikit nang mariin si Phoenix at ibiniling ang sarili sa kama. Bakit pa ba niya inaalala ang nangyari kanina? Malaking kahihiyan iyon sa parte niya dahil alam niyang pinagtatawanan siya nito ngayon.
Pwes, hindi na siya mahahalikan pa ni Vance 'Antipatiko' Antiporda kahit kailan. Over her dead, beautiful body.
TAHIMIK sa pagkain ng hapunan sina Vance at Phoenix. Tanging tinig lang ni Mauricio na nakaupo sa punong hapag ang nangingibabaw. Bagamat nasa edad na limampu't pito si Mauricio ay mukhang bata pa rin itong tingnan.
Ito pa rin ang tumatayong pangulo ng Villaviray Construction na sa loob ng dalawampung limang taon ay maayos nitong napamahalaan.
"Phoenix, totoo ba na tinakot mo si Fred Manuel kaya ayaw nang bumalik pa dito?" tanong nito na nakapagpatigil sa pagsubo niya.
Awtomatiko niyang sinibat ng masamang tingin si Vance. Mukhang nakapagsumbong na agad nito. "Tito, mukha ba akong Regal Shocker para takutin siya? Sino na namang magaling ang nag-report sa inyo?" may himig ng pagbibintang niyang tanong.
"Si Fred mismo!" sagot ni Mauricio na umani ng ngiti mula kay Vance. Parang sinasabi nitong pahiya siya dahil mali siya ng hinala.
Inirapan niya ito. At saka puno ng impatience na tiningnan si Mauricio. "Sinabi ko naman sa inyo tito na may boyfriend na ako."
Naningkit ang mga mata nito. "Boyfriend? Hindi ako naniniwalang may boyfriend ka na. Hala, pababalikin ko dito si Fred. Bawiin mo ang sinabi mo sa kanya na may boyfriend ka na."
"Ninong, kahit na kaladkarin ninyo pabalik si Fred, hindi na iyon babalik pa dito," ngingisi-ngising sabi ni Vance.
"Bakit?" tanong ni Mauricio.
Nilakihan ni Phoenix ng mata si Vance. Huwag lang itong magkamaling sabihin ang totoo at sasalaksakin niya ng steak knife ang lalamunan nito.
"Dahil talagang may boyfriend na si Phoenix. Hindi ba niya nabanggit sa inyo si Thutmose III? Sikat ang boyfriend niya, Ninong," dagdag pa nito.
Binitiwan ni Phoenix ang kubyertos dahil malapit na siyang mawalan ng gana. Talagang hinahamon siya ni Vance.
Saglit na nag-isip si Mauricio. "Teka, parang kabarkada ko si Thutmose II, ah!" anito. Pagkatapos ay sinibat siya nito ng matalim na tingin. "Hindi ba, mag-ama iyong dalawang Thutmose?"
Alangan ang ngiti ni Phoenix nang tumango. Shiyet! May alam yata sa history ng Egypt ang tiyuhin niya. Darn! Buko na siya.
"Tama! Siya ang nabanggit sa akin ni Fred na boyfriend mo." Biglang naging mabagsik ang mga mata ng tiyuhin niya. "Na may-ari ng pyramid at mahigit tatlong libong taon nang patay!" Hinampas nito ang mesa. "Ako ba ay pinaglololoko mo, Phoenix? Hindi ka ba kinikilabutan sa pinagsasasabi mo?"
Ngumiwi siya kasabay ng pagpitlag. Mukhang napuno na ito sa kanya. "Tito, wala po kayong magagawa kung ayaw ko sa mga lalaking inirereto ninyo."
"Then mag-asawa ka ng kahit sinong gusto mo. Basta ayoko nang ituloy mo ang pagiging archaeologist mo. Gusto kong makita kang lumagay sa tahimik."
Iiling-iling niyang itinuloy ang pagkain. "Wala kang maasahan sa akin, Tito. I'm so sorry." Hindi niya ipagpapalit ang trabaho sa isang lalaki. Lalo na ang mga kalibre ng mga lalaking gusto nito para sa kanya.
"Then, you could at least stay here. Tumulong ka sa negosyo natin. Ikaw na lang ang nag-iisa kong pamangkin. Gusto mo bang lumayo pa sa akin?"
"Nagsisimula pa lang po ako sa career ko. Saka ano ang gagawin ko sa opisina ninyo? I am not an engineer. Wala akong alam sa negosyo na iyan."
Ang alam niya ay maghukay ng mga artifacts, pag-aralan ang mga iyon at i-present sa mundo kung ano ang buhay noong unang panahon. Napakalayo sa pagiging engineer. Kung kaya sana niyang maging engineer ay noon pa sana niya ginawa para mapagbigyan si Mauricio.
"Sa opisina ka lang naman, hija. Hindi katulad diyan sa trabaho mo na lagi ka na lang nangangamoy luma o kaya ay nakasubsob sa libro. Ano ang mapapala mo? At least dito, makakakilala ka ng eligible bachelors na pwede mong maging prospect sa pag-aasawa."
"Bakit hindi na lang iyang paborito ninyong inaanak ang pag-asawahin ninyo? Tutal, marami namang babaeng nahuhumaling sa kanya, hindi ba?"
BINABASA MO ANG
Hearts Never Lie #Wattys2019 | On hold
RomanceWalang mahalaga kay Phoenix kundi ang pagiging archaeologist niya at ang pagtatrabaho sa disyerto ng Egypt. Until her worst enemy, Vance, did everything to make her stay in the Philippines and make her fall for him. Only to find out that his love is...