Chapter 3

38 2 0
                                    

Chapter 3

HIS FIANCE

*Blue

-Break time-

Agad akong lumabas sa room at tinungo ang canteen. I’m hungry. Makakain nga ng kain.

“Miss! Apat na kanin at dalawang fried chicken! Samahan mo ng tatlong shanghai at lagyan mo ng ketchup sa gilid! Bilis!” sigaw ko.

I’ll do whatever it takes para lang makakain. Napahawak ulit ako sa tiyan ko. Argh! Nagugutom na ko. Kulang pa ‘yung burger at coffee jelly kanina ni Kiru. By the way, where’s that mokong? Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko siyang may kausap na isang babae. In fairness, maganda ‘yung babae. Girlfriend niya ‘ata. Bagay naman sila eh.

“Ma’am Mondrake, ito na po order niyo”

Biglang napatingin si Kiru sa direksyon ko kaya agad akong umiwas ng tingin. Teka, ano bang meron?

“Ma’am” Napatingin ako sa tumawag.

“Ay oo, ito bayad” Inabutan ko siya ng bayad at dinala na ‘yung tray.

“Ma’am, sukli niyo!”

“Keep the change! Takte! Nagugutom na ko!” sagot ko.

“Thank you po!”

Di na ko sumagot at naupo na agad ako sa isang bakanteng table. Sinimulan ko ng lamunin este kainin lahat ng inorder ko. Ba’t ang sarap lagi ng pagkain dito paggutom ako? Dati laging matabang. Di ko na napigilan ang sarili ko at kinamay ko na ang manok. Daming nanonood sa’kin. Who cares? Ngayon lang ba sila nakakita ng taong nagkakamay?

“Hey” Biglang sumulpot si Kiru sa harapan ko.

“I’m busy” sagot ko.

“Okay…marami kang watcher ngayon ah. Dahan-dahan lang sa pagkain. Teka, hinahanap mo ba ko kanina?”

Napakunot ang noo ko sa kanya. Assumero ang loko. Kumuha ako ng tissue at nagpunas ng daliri. Kumain ako ng maayos dahil naiinis na ako.

“Huy…okay lang kahit magkamay ka pa. Cool nga eh” Tiningnan ko siya ng diretso.

“Mr. Dela Vega…I was busy eating. Can you please leave?? For…a second?” tanong ko.

“Ow sure” Then tumayo na siya sa upuan niya at naglakad palayo. Hayss, okay na. Para akong mabibilaukan tuwing nakikita ‘yun.

“Ba’t ba kayo nakatingin?!” tanong ko sa mga nanonood sa’kin.

Sabay-sabay silang umiwas. Di na ulit sila tumingin then tinuloy ko na ang pagkain ko. After a minute, halos na ubos ko na ang pagkain ko ng biglang bumalik si Kiru pero sa katabing table ko siya naupo. Sisilip-silip pa siya sa’kin.

“I’m done” sabi ko. Napangiti siya bigla sabay lipat at upo sa harapan ko.

“Water?” tanong niya. Kinuha ko ‘yun at ininom. After that, tinignan ko siya ng seryoso.

“Ba’t ka ba laging umaaligid ngayong araw? Di mo nalang samahan ‘yung girlfriend mo baka magselos pa-“

“I don’t have a girlfriend pero may fiance ako pero di niya pa alam”

“Fiance mo pero hindi niya alam na fiance mo siya?” tanong ko.

“It was an arrange marriage yet I love it. Di pa kasi sinasabi ng brother niya na ipapakasal siya sa’kin” Nakayuko lang siya habang sinasagot ang mga tanong ko.

“Ahh. Ba’t di mo sabihin? Nakita ko kayo kanina. Mukha naman siyang mabait”

“Sino?” Bigla siyang napaangat ng tingin.

“’Yung babaeng kausap mo kanina sa may pinto ng canteen” sagot ko.

“Ha? Kakilala ko lang ‘yun. Nagbatian lang kami…’yun lang ‘yun” nakangiti niyang sambit.

“Ahh okay. Itatanong ko sana kung sino ‘yung-“

“Mas mabuting wag mo na itanong kung sino ‘yung fiance ko hahaha. Magugulat ka lang” pamumutol niya sa’kin.

“’Kala mo naman itatanong ko! Tss” I stood up then walk. Hmmm. On the second thought, sino kaya ‘yun? Aish! Clear your mind Blue!

-After the class-

“Chen! Kumpleto na ba?!” sigaw ko sa kanya.

“Oo naman. Ako pa ba?! Teka, ba’t ka ba nagpatawag ng meeting?” tanong nito. Pinadaanan ko lang siya ng tingin at binilisan ko pa ang lakad. Di maalis sa utak ko na may fiance na pala si Kiru. Feeling ko ang bigat sa pakiramdam. Ang childhood best friend and enemy mo ay ikakasal na. Iimbitahin kaya ako nun?

“Huy! Lutang!” sigaw sa’kin ni Chen.

“Hayss…sabihin mo sa bar nalang magkita-kita. Wag na sa rooftop. Libre ko. Nakakapagod ang araw na ‘to. I just want to spend a time with my gang hahaha” sabi ko.

“Nababaliw ka na ba? Last month, after mong uminom, biglang lumabas si Black at pinagsusuntok lahat ng Mids. Buti nalang nakaiwas ako”

“Weeh?”

“Oo nga!”

“Hinahanap niya rin pala si Darryl noon hahaha. Don’t worry, I’m not wearing Black so hindi siya lalabas”

“Okay”

-Sa Bar-

“Yow Slay!!!” tawag nila sa’kin. Lima silang lahat. Si Kreed, Hester, Krisha, Dexter at Mico. Si Krisha at Kreed ay magkapatid. Sila ang Mids, tawag ko sa mga members ng Midnight Slayers.

“Yow Mids!” bati ko.

“Ba’t di niyo ko batiin?!” daing ni Chen sa tabi ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at bumaling ulit sa kanila.

“Ano gusto niyo? Libre ko” seryoso kong tanong.

“Talaga boss?” tanong ni Krisha.

“Oo”

“Yown!” sigaw ni Kreed.

Then nagdiwang na sila. Sa dami ng inorder nilang alak, parang masasagad na yata ang credit card ko. Hayaan na, sa’min din naman ‘tong bar. Iniinom ko lang kung ano abutin nila sa’kin. Iba’t-ibang uri ng alak ang mga ‘yon at wala na kong pakealam hahaha.

“Kinakabahan ako sayo Blue *hik hahahahaha”

I think, umiikot na ang mundo. Sinulyapan ko silang lahat, they are all drunk. I’m just tipsy at nagugutom.

“Waiter! Mah coffee jelly ka ba dyan?” sabi ko sa waiter.

“Ma’am wala po eh” sagot nito.

“Aish!”

“Langya Blue! *hik Bar ito *hik” sabi sa’kin ni Dexter.

“Tss. Anong pake ko? Nahihilo na talaga ako hahahaha. Hoy! Magkapatid! Umuwi na kayo! Doon kayo sa bahay niyo matulog! Chen!”

“Yes babe? *hik”

“Anong babe ka dyan?! Iuwi mo na sila!”

“Paano ikaw?*hik Lasing ka na hoy! Shinishigawan mo na ko ahuhuhuhuhu”

“Damn!”

“Ito na…ito na. Kakainis ka Blue! Isang bote palang nainom ko! Inaabangan kitang malasing eh”

“Stupid! Di mo ko maloloko!” sabi ko. Alam kong, di pa lasing ‘yang si Chen dahil di pa siya sumasayaw. Ako? I’m just tipsy.

“Ito na…babalikan kita ha!” Tumango ako then yumuko sa counter. I need to sleep para matanggal man lang kahit konti ‘tong hilo na nararamdaman ko. Suddenly, I felt that my heart beating so fast. Shems! Wag ngayon Pink!

-End of Chapter 3-

CHASING MEMORIES (Completed I Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon