Chapter 14

12 3 0
                                    

Chapter 14

RUMORS TURNS INTO WEDDING

*Blue

On the other days, sumasabay lang ako sa daloy. Asan na kaya si Kiru? Nagugutom na ko. Pinabili ko kasi siya ng makakain eh. Nandito ako ngayon sa garden ng campus. Malapit na ang Sportfest kaya busy ang ibang tao. Ako lagi ang facilitator sa volleyball at isa ako sa committee. Si Kiru sumali sa basketball team ng College of Science and Technology. Si Darryl, sa boy's division ng volleyball. Okay na rin 'yun at baka magsuntukan ang dalawa sa court.

"Nagkabalikan daw sina Darryl at Blue"

"What? Sabi na nga ba. Haliparot talaga 'yang babaeng 'yan"

"Si Kiru daw nakipaghiwalay kasi bumalik 'yung ex niyang si Emily"

"Buti lang 'yun sa kanya noh"

Naiirita na ako sa mga babaeng nasa likuran ko. Di ba nila alam nandito ako? Naka-tambay lang sila sa ilalim ng puno. Tumayo ako at hinarap sila.

"Kung pagchichismisan niyo ko, siguraduhin niyong hindi ko maririnig! Puro kayo daw! Proof?! Di ba wala!" sabi ko.

"S-si Emily nagsabi sa'min!" malakas na sagot ng isang babae.

"So? Naniniwala kayo doon? Magsilayas nga kayo sa harapan ko!" sigaw ko. Nagsitakbuhan silang dalawa palabas ng gate sa garden.

"Who's that fvcking Emily?" bulong ko.

"She is Kiru's ex" Napatingin ako sa sumagot. It was Darryl.

"Ex? NGSB si Kiru, Darryl" sabi ko.

"May nagkalat na picture nilang naghahalikan sa bar. Nasa isang page 'yon, hanapin mo nalang ang secret files ng university na 'to" sabi niya sabay lakad paalis. Napayuko ako bigla. Di ko alam pero ang bigat sa dibdib ng malaman iyon. Nilabas ko ang cellphone ko at agad hinanap ang page ng university. Nakita ko ito at bigla akong napaupo sa may damuhan.

Siya nga...si Kiru at 'yung babae, kissing. Kalma Blue kalma. Mahal niya daw ako pero may kahalikan siya. Unting-unting tumulo na naman ang mga luha ko.

"Sorry Blue. Natagalan, ang daming tao. Blue?"

Lumingon ako sa kanya at nanlaki ang mata niya nang makitang umiiyak ako.

"What's the matter?"

"What's the matter mo 'yang mukha mo! Leave me alone!" sigaw ko sa kanya.

"B-bakit? Masyado ba kong matagal? Sorry, ito na oh"

"Wag mo nga kong gawing tanga!" sigaw ko sa kanya. "Akala ko ba...tss never mind" sabi ko sabay punas ng luha.

"May nangyari ba?" tanong niya.

"Here" Ipinakita ko sa kanya ang mga pics niya. Nanlaki ang mata niya ng makita ang mga ito.

"Kayo na pala" sabi ko.

"Ito iniiyakan mo? Last 2 years pa ang mga ito. Si Emily 'yang babae. She's just a fling not my ex kung 'yan ang nasa isip mo" saad niya sa'kin. "At hindi kami niyan dahil may mahal akong iba at ikaw 'yon" dugtong niya. Napatingin ako sa kanya sa gulat. Masyado na ba akong OA? Bakit naniniwala ako sa chismis?!

"B-baliw. H-hindi naman ikaw iniiyakan ko eh. Nadapa lang ako" palusot ko.

"Ah Mafia boss, gangster, umiyak dahil nadapa. Di mo ko maloloko Blue hahahaha" Umiwas ako ng tingin. Bigla niyang inabot sa'kin ang isang supot ng pagkain.

Naupo ulit ako sa may damuhan at kinain ko na ang laman ng supot. As usual, coffee jelly at burger. Napansin kong hindi siya kumakain at nakaupo lang siya.

CHASING MEMORIES (Completed I Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon