"UGGHH!..Shit, ang sakit ng ulo ko". Napabangon ako agad at sumandal sa headboard ng kama nang mapagtanto kong alas nuwebe na ng umaga. Lintek, nakatulog pala ako after ko makainom at siguradong sermon ang maaabutan ko kina Mom pagbaba ko but I think Dad already left, minsan kasi maaga syang umaalis at 7 o'clock. Habang pababa ay nakahawak ang isang kamay ko sa ulo dahil kumikirot ito sa sakit, naabutan ko naman si Ate na nasa sala na nanonood saka tumitingin din sa magazines at nang mapapad ako sa kusina ay nakita ko si Mom na sinenyasan akong umupo sa tabi nya.
"Oh uminom ka ng kape!, ano bang ginawa mo nung gabe at bakit 11 kayo dumating ng mga kaibigan mo at isa pa ba't ka naglasing Tiffa!?". Pambungad sakin ni Mom nang makalapit ako rito
"Mom, kaunti lang kaya nainom ko". Palusot ko pero agad naman akong pinandilatan ni Mom kaya tumahimik ako
"Manang, ipagluto nyo ng breakfast si Tiffa". Utos ni Mom kay Manang Camella, napangiwi ako nang kurutin ni Mom yung braso ko
"Mom! Ang laki ko na kaya para kurutin mo!". Reklamo ko
"Aba't sumasagot ka na ah!?, tumigil tigil ka Tiffa, you should have control your self when you're drinking alcohol!". Mom
"Ehh Mom, sorry nah". Paglalambing ko rito at napangiti ako ng kunti nang umiling-iling sakin si Mom
"Sis, you're drunk asleep when your friends brought you home, pero wala ka bang nabinggwit na gwapo?". Napakunot noo ako kay Ate sa sinabe at agad napailing rito
"Isa ka pa Nica, akala ko ba gusto mong magtino tong kapatid mo?". Mom
"Mom, Tiffa changes a lot and take a look at her now, she doesn't cause you big troubles unlike before. Saka masama bang tanungin kung may nabinggwit syang lalaki?". Saad ni Ate at inakbayan ako
"Ate, I'm totally not interested. I'll pass". Tamad kong sagot rito
"Ikaw Tiffa, wag ka muna magboboyfriend kailangan mo munang magfocus sa studies mo". Mom
"Mom, ano ba kayo? Hindi nga ako interesado sa ganyan!".
"Alam mo sis, alam kong may pagkaboyish ka pero I know that you're beautiful enough to capture a man's heart kung mag-aayos ka lang". Ngising saad ni Ate Nica at tinaasan pa ko ng kilay
"Ate!".
"Darling, I agreed. You should start wearing girly outfits so that you'll be comfortable with it, masasanay ka rin Tiffa". Suhestyon ni Mom, binabawi ko na yung sinasabi kong kakampi ko lagi si Ate Nica. Hayyst! pagkatapos kong magbreakfast at nakapag-ayos ay umalis na ko para pumunta sa school, lagi nalang akong nalalate. Naiwan sina Mom at Ate Nica sa bahay saka I think may pupuntahan sila which is mamasyal lang naman sila sa mall o baka bisitahin nila si Dad sa company.
"Hey! Tar, over here!". Napalingon ako kay Xyrel na nakaupo sa gilid ng table at kasama nya ang ibang banda, nasa cafeteria ako at mag-isa lang at nang mapansin kong walang bakanteng maupuan ay dumiretso ako kina Xyrel kahit naaawkward ako sa mga tingin o bulong ng mga nakakakita ay isinawalang bahala ko nalang.
"Hey". Mahinang sambit ko at umupo sa tabi ni Xyrel at kaharap ko si Jaguar na busy sa pagbabasa sa hawak nyang libro, katabi nya rin sina Leonardo at ang leader nilang si Khaleb na tahimik na kumakain at sa left side ni Xyrel ay si Zargos
"You can call me Gregory or Greg, drop the formalities". Sambit ni Leonardo, I mean ni Greg sakin nang tumingin sya sa gawi ko at nginitian ako
"Davin will do". Baling din sakin ni Zargos o Davin kaya sumagot ako ng tango at ngiti sa kanilang dalawa
"Then you can call me Tar, my friends calls me that". Saad ko, I don't know but I feel like it's very uncomfortable that people around us are throwing glares at my side, my instinct never goes wrong. Mukhang napansin naman yun ni Xyrel at ni Jaguar na napatigil sa pagbabasa at bumaling sakin, si Davin at Greg ay abala sa pagkukuwentuhan about sa racing sports at nakaka-op ang dalawa dahil pansin kong walang makakonek sa pinag-uusapan nila
![](https://img.wattpad.com/cover/167799784-288-k844583.jpg)
BINABASA MO ANG
"Her Undying Desire"
RomansaLove has many complications but once you fall, will you sacrifice everything? If you will be given a chance, what will you choose? Do you want to stay? Even if it will turn your dreams into nightmare and hurts you most? or just leave to forget? I ju...