Notebook (One Shot)

0 0 0
                                    

1st story. Sana magustuhan niyo. Hohoho. Feel free to vote, comment and suggest anything. :D

-TryingHardAuthor

*****

"Okay. Class dismissed." Sabi ni Ma'am Castro sa amin.

Woohooo! Uwian naaaa. Wahahaha. XD

Nag-unahan ang mga kaklase ko palabas ng room samantalang ako at ang bestfriend kong si Micah ay naiwan dahil inaayos ko pa mga gamit ko.

"Jaymeeeee! Dalian mo na please! Uwing uwi na ako! Huhuhu!" Reklamo ni Micah

"Oo! Oo! Sandali na lang 'to. Tsk. Asaan ba yung papel na yun?" Kanina ko pa talaga hinahanap 'yung papel na 'yun. Ang burara ko naman kasi!

"Ano ba kasi hinahanap mo ha, Jay?! Tsk!" Ito nanaman siya sa pagtawag sa akin ng Jay. Nang-aasar nanaman 'tong babaeng 'to. -.-

"Yung papel kung sa'n ko sinulat yung long quiz natin!"

"Andyan lang 'yan! Baka nasa notebook mo lang!" -Micah

Nawawala 'yung papel! Hala! Dun pa naman nakasulat yung ni-long quiz namin kanina. Tsk! Di yun pwedeng mawala! Di pa nare-record score ko dun eh. TT.TT







At sa wakas! Nahanap ko na din. Thank you Lord! Yesssss!

Kinuha ko yung assignment notebook ko para dun i-ipit yung papel. Lahat kasi ng mga quizzes namin na nakalagay sa papel, dun ko iniipit sa assignment notebook ko.

Pagkabuklat ko naman ng notebook, may nakita akong nakasulat doon.

"Of all the people I've met, YOU are the only one who made my heart beat so fast.

- :) "

Huh? Sino naman 'to? Tsk. Pinagt-tripan nanaman siguro nila ako.

Bahala na nga! Di naman importante 'yun.

"Buti naman at natapos ka din! Tara na! Malapit na maggabi!" -Micah

"Opo Ma'am! Tss."

--

Pagkarating sa bahay, ginawa ko na mga homeworks ko at nagreview din ng past lessons in case na may surprise quiz kami bukas.

Pagkatapos naman nun ay natulog na din ako. . .

*****

*krriiing! krriiing!* (tunog ng bell)

Hala! Male-late na ako sa klase namin! :3

Binilisan ko na lang paglakad ko at pagkarating sa room, nakahinga ako ng maluwag dahil wala pa si Ma'am Torio. Strict pa naman 'yun pag dating sa pagiging punctual.

Nakipagkwentuhan muna ako kay Micah at sa iba pa naming kaklase ng may inannounce class president namin.

"Guyyyys! Good news! Wala si Ma'am Torio kaya vacant natin ngayon!"

Kyaaaaaaaaaaah! Party party! Wooohooo! Yesss! *happy dance*

Salamat naman at makakapahinga utak ko sa kaka-review kagabi.

Nag-kwentuhan na lang ulit kami hanggang sa dumating next subject teacher namin.

Discuss. . .

Discuss. . .

Discuss. . .

Recitation

Announce

Dismiss

At uwian nanaman. Hahahaha. Ang bilis ng oras!

Same routine. Inayos ko nanaman gamit ko and again, may nakasulat nanaman sa notebook ko.

"You always make me smile. You complete me.

- :)"

Sino ba 'to! Tsk! Mapupuno nanaman notebook ko ng mga walang kwentang quotes! Hmp! Bayaan na nga!

"Tara na Micah. Sa bahay ko na lang aayusin mga gamit ko sa loob ng bag ko."

"Sige. Sige."

Patuloy na may nagsusulat sa assignment notebook ko ng mga quotes. Laging ganun. Tuwing naiiwan kami ni Micah sa room at titignan ko yung notebook ko, iba't-ibang quotes nababasa ko. Hanggang sa isang araw, uwian ulit. Tinignan ko ang notebook ko at walang nakasulat.

Hay. Buti naman. Akala ko mapupuno nanaman 'to ng sulat eh. Tch.

Habang inaayos ko gamit ko, napansin ko na may ibang pumasok sa room. Wala si Micah ngayon. May emergency daw sa bahay nila kaya pinauna ko na siya. Pagka-angat ko ng ulo ko, nakita ko si Luis. Ang lalaking matagal ko ng minamahal ng patago. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at may binigay sa akin na maliit na notebook.

"A-aanhin ko 'to?" Tanong ko sakanya. Ngumiti naman siya sa akin saka nagsalita.

"Buksan mo. Basahin mo mga nakasulat dyan ng malakas."

Sinunod ko naman siya.

"If I am the sky of whom you cannot reach, I'll be the one to come down to you."

"I may not be the perfect person, but I'll make sure that no one can love you as much as I do."

"I love. . "

"Putol naman 'yung pangatlo? Ano katuloy niya?"

"Ano muna yung english ng ikaw?"

"Edi you. Oh. Ano na yung katuloy nung I love? Dali na ng makauwi na ako."

"Ayun na 'yun. :) "

Ano daw? Eh di naman niya sinabi yung katuloy nun eh. Pina-english niya lang sa akin yung "ikaw". Tsk. Pinaglololoko naman ako ng lalaking 'to! Aanhin ko 'yung "you" ? Nako! Sasakit ulo ko kakaisip lang nun eh! Hmm. Aanhin ko nga ba? Eh di naman importante 'yun! Tss. Sinasayang niya lang oras ---

O_________O

I love. . .

"I love. . you?" Pabulong kong sinabi yung "you". Tinignan ko naman siya na ngayo'y nakatayo sa harap ko at nakangiti

"Hindi man ikaw ang unang babaeng minahal ko, pinasaya mo naman ako ng sobra. At sa ilang taon na nakilala kita, lumalim ang nararamdaman ko para sayo."

Lumuhod siya sa harap ko sabay abot ng puting rosas at teddy bear.

"Jaymee Rivera. Will you be my girlfriend?"

"Uhm.." -ako

Gosh! Si Luis De Guzman?! Nakaluhod sa harap ko ngayon at tinatanong kung pwede daw maging kami? Heaven na 'to!

"Ah. Y-yes. I will be your g-girlfriend, Mister Luis De Guzman." -ako ulit

"Yes! Salamat Jaymee!" Niyakap niya ako ng sobrang higpit sabay bulong sa tenga ko ng mga katagang tumagos talaga sa puso ko.













"I love you."

*****

A/N: Nagustuhan niyo po ba? Hahaha. Sorry kung medyo common na ang theme nito. Pero, sinubukan ko talaga na pagandahin ito. XD

Well, thanks for reading! ^^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Notebook [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon