"Love At First Sight"

672 6 0
                                    

 

        Ngiting walang buhay, patay na pakiramdam, at mistulang wala sa sarili kung kumilos. Ito ang mga bagay na aking nararamdaman kahit na ako’y maraming kasama’t kausap sa isang parke.

Ngunit isang boses ang pumukaw sa aking mahabang paglalakbay sa kawalan.

Malamig ito at buum-buo na mas nakapagpahanga pa sa akin.

Muling sumilay ang ngiting may buhay sa aking mga labi. Muling nabuhay ang aking patay na kamalayan. At muli, ako’y nagbalik sa aking sarili nang makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng yaong boses.

Naging masigla ang aking matatamlay na mga kilos na ipinagtaka naman ng aking mga kasama.

Diyos ko! Halos nasa sa kanya na ang lahat ng hinahanap ko. Napakagwapo, napakakisig, at bagay na bagay sa kanya ang kanyang istilo ng buhok. O.O

Matindi ang paghanga ko sa kanya. Ito na nga ba ‘yung tinatawag nilang “love at first sight”? Higit pa doon, mas lalo pang tumindi ang aking kabaliwan nang malaman kong kaklase ko pala siya. At ‘di lang iyon, naging kagrupo ko pa siya nang tawagin kami ng aming teacher para sa isang role playing: “Romeo and Juliet”. Siya si Romeo. Si Juliet naman ay si… AKO??? ‘di nga??? Hahaha Yehey!!! Oh yeah!!! ^o^

Can’t believe this! He’s so sweet, gentle, mabango, at syempre, mas gwapo sa malapitan lalong lalo na nung ang scene ay nasa isang garden sina Romeo and Juliet. Pero kahit ganun ang pakikitungo niya sa akin sa aming role playing, ibang-iba parin siya sa totoo lang. Masyado siyang tahimik, at minsan lang nagsasalita. Hindi rin siya masyadong namamansin sa aming mga kaklase niya. Lagi siyang nag-iisa.

Isang araw sa may silid-aklatan, habang nagbabasa ako’y nakaramdam akong may nakamasid sa akin. At no’n, nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Bigla namang lumakas tibok ng aking puso. Saglit pa’y ako’y nilapitan nga niya, at sabi niya’y gusto niya raw akong makausap. At syempre, kilig to the max ako. ^o^

Kinabahan ako nang husto sa kung anong gusto niyang sabihin sa akin. Di’ yata’y magtatapat na siya sa akin? Na gusto rin niya ako? Na gusto niya akong ligawan? At syempre, sasagutin ko naman siya. ^_^

"Kapag Lubusang Umasa"Where stories live. Discover now