Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kasalukuyang minamasdan ko ang life support na nakakabit kay Noah. Ni walang kurap na nga rin ako habang nakatitig sa bawat pagtaas at pagbaba ng dibdib niya para masiguro lang na humihinga pa rin siya.
I was being paranoid, too scared that I might lose him in just a blink of an eye.
Unti-unti ay tumaas ang kamay ko sa kaniyang mukha at marahang hinaplos ang mga galos niya roon pababa sa mga pasa sa braso niya.
“Gumising ka na, please, Noah,” I begged.
Mabilis kong pinalis ang luha sa aking mga pisngi nang marinig ang pinto na biglang nagbukas. Nica, his sister, showed up with flowers and fruits in her hands.
Nang mailapag ang mga ‘yon sa mesa ay tumayo siya sa likuran ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko, saka sabay na pinagmasdan namin ang kapatid niya.
“Ate Iris, ang sabi ni Daddy sa akin ay pauwiin na raw muna kita nang makapagpahinga ka. Ilang araw ka nang walang maayos na kain at tulog,” pag-aalala niya.
She gave my shoulders a gentle squeeze, but it did not comfort me. I appreciated their concern but no words right now could comfort me, they could not make me go home.
Tatlong araw na akong naririto. At sa tatlong araw na iyon ay wala pa rin sa kaniyang pagbabago.
“May balita na ba sa nangyari? ‘Yong kaso? Ano na ang nangyari roon, Nica?” I asked instead.
“Wala pang nangyayari, Ate. But our parents are doing their best. Gagawin nila ang lahat para maibigay kay Kuya ‘yong hustisyang nararapat sa kaniya,” she replied to me.
Napapikit ako nang mariin. Kahapon, may dumating na mga pulis at kinumpirmang isang kaso nga raw ito ng hazing. Sa totoo lang ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Malinaw na napag-usapan naming dalawa noon na kailanman ay hindi siya sasali sa mga ganoon.
“Sige na, Ate, umuwi ka na. Kung gising lang si Kuya ay hindi niya magugustuhan na pinapabayaan mo ang sarili mo,” pamimilit ni Nica.
Sa huli ay napapayag din niya akong umuwi. But I would be back as soon as possible. Kapag wala ako rito sa ospital at hindi siya nakikita ay mababaliw lamang ako sa kakaisip sa kaniya.
Kissing his forehead goodbye, I left the hospital. Pero imbes na sa bahay ay dumaan muna ako muli sa park, sinisisi ang sarili sa nangyari. Kung sana hindi ako nag-inarte ay baka hindi ito nangyari sa kaniya.
Nanghihinang napaupo ako sa isang swing at napatingala sa langit na papadilim na.
I smiled painfully, closing my eyes at some memories.