Chapter 1

14 0 0
                                    

It's Monday.

Busy ang halos lahat sa kaswal na pakikipag-usap sa mga katabi habang nag-aantay sa professor.

A typical freshmen class in Montecarlo University. Kilala ang MU dahil isa ito sa mga pinaka-prestihiyosong unibersidad sa bansa. Hindi nga lang lahat ay kayang mag aral dito.

Dalawang klase ng estudyante lang ang nakakapasok dito:

Una ay ang mga kayang magbayad ng gintong tuition nito. Hindi sapat ang may kaya ka lang- kailangan mong maging mayaman. Ubod ng yaman.

Madalas na mga tagapagmana ang mga nakakapasok sa unibersidad na ito o di kaya'y mga anak ng mahahalagang tao.

Pangalawa, kung wala ka noong una, kailangan mong magkaroon ng utak...

utak na papasa sa pamantayan nila. Lahat ng magnanais makapasok bilang iskolar ay dadaan muna sa butas ng karayom. Hindi basta-basta tumatanggap ng iskolar ang MU kaya kung sakali mang nakapasa ka, masasabi mong isa ka sa pinakamatatalino sa bansa.

Patuloy pa rin sa kanya-kanyang ginagawa ang lahat nang biglang may pumasok sa pintuan.

There was a moment of silence.
Most of them have heard about her and it's not a surprise that she's there.

Well, everyone expected her to be in MU-hindi nga lang nila alam kung sa aling college.

MU College of Arts and Sciences.

The girl sat down on the front row next to an unoccupied chair. Nasa dulong katabi ng bintana.

Nagsimula nang magbulungan ang iba.

"What is she doing here?" A girl mumbled to herself. She wears some big-rimmed glasses and has a short black hair - a not-so-typical-nerd since she dresses so well.

Siya naman ang nasa kabilang dulo ng first row- katabi ng pinto.

"You know her?" Tanong ng katabi nitong babaeng may shoulder-length wavy brown hair.

Akala niya'y walang nakarinig sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya bago tapunan ng tingin ang katabi.

Sa unang tingin pa lamang ay alam niya ng mayaman ito.

"Kaunti lang ang hindi nakakakilala sa kanya rito. Are you new here?" Tanong niya sa babae.

"Ah nope. I grew up here. Btw I'm Amanda Lopez. You are?"

Tama nga siya. Tagapagmana ang isang to.

"Judging from your looks, you're indeed from the Lopez Clan. That could be the reason why you don't know her. I'm Lynn." she said nonchalantly.

"Well, do I really need to know her?"Amanda asked jokingly.

Napaharap si Lynn kay Amanda. Medyo nailang naman ang dalaga dahil sa diretso at seryoso nitong tingin sa kanya.

She was waiting for her to say something pero ibinalik lang neto ang tingin sa harap sabay salpak ng earphones sa magkabilang tainga.

Weird. She thought to herself.

Nang makabawi ay bumalik na lamang siya sa pagsi-cellphone.

Tumunog ang bell hudyat ng pagsisimula ng klase. Pumasok sa pinto ang isang propesor na lalake. Nasa mid 30's ang edad- matipuno at gwapo, pero bakas rito ang pagiging seryoso.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon