Chapter Two

119 4 0
                                    

Chapter Two [2]

*Rooftop*

Dito ako agad pumunta pagkatapos ng maldita session ko. Bwisit kasi na teacher na yun, ang kapal-kapal talaga ng mukhang kalabanin ako.

Humiga na ako dito sa damuhan at tumingin sa kalangitan. Napangiti na lang ako. Napakaganda talaga ng mga ulap, lalung-lalo na pag-umaga at payapa ang kapaligiran. Nilibot ko ang tingin ko dito sa rooftop at nakita ang iba’t ibang kulay ng mga rosas na nakatanim sa gilid. And I am proud to say na ako ang nagtanim ng mga yan.

Sigurado akong magugulat ang mga studyante dito sa oras na makita nila ako dito sa rooftop at nakangiti habang nakahiga sa damuhan. Walang nakakaalam na teritoryo ko ito, pero walang ibang umaakyat dito kundi ko lang dahil simula ng nangyari yun, inangkin ko na ang lugar na to.

*Flashback*

{Dad’s Office}

“Dad, why do I have to study here? You know how much I like the Models Academy naman di ba?”

Nandito ako ngayon sa office ni dad dahil nalaman ko na naka-enroll pala ako dito.

“No Gab, you will study here whether you like it or not because I said so. Gab naman, don’t act like some spoiled brat kid anymore dahil matanda ka na. We agree on everything you ask pero sana naman dito sa pag-aaral mo ng college, sundin mo din kami. Tayo ang may-ari ng school na to at isa kang tagapagmana kaya dapat ka lang dito.”

“But Dad-“

“No buts Gab. Kahit anong reklamo mo, you can’t do anything about this.”

Yun lang ang sinabi niya at tinalikuran ako.

Argghh!! Okay fine! But don’t expect me to be a good girl while staying here!”

Galit ako kaya nagwalk-out na ako. Syempre galit ako kasi hindi ako sanay na hindi nasusunod ang gusto ko.

Palabas na ako ng building ng may nahagip ang mata ko. Tumingin ako sa rooftop at napansing parang may anino doon, kaya napagpasyahan kong bumalik at umakyat sa rooftop.

The Campus Bitch (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon