Chapter 1 Points

63 3 2
                                    


Chapter One


/Points/

Naglalakad ako sa may kanto pauwi, nang may napansin akong may nakasunod sa akin. Hinanda ko ang aking 3 8 Revolver Handgun at pumasok sa isang eskinita. Nang makarating na ako sa madilim na parte nito ay dahan-dahan kong kinuha ang aking baril at dali-dali ko itong itinutok sa taong nakasunod sa akin.

"Sino ka?" Mabilis akong lumakad papalapit sa kanya at tinanggal ko ang suot niyang sumbrero.

"James ?" Siya ang Lider ng pinakasikat na Gang dito sa Pilipinas, at isa ako sa mga miyembro niya. Kilala kami sa pangalang NFS o Not For Sale.

"Bakit mo ako sinusundan?" matigas kong tanong sa kanya.

Lumayo siya sa akin at tinaas niya ang kanyang dalawang kamay.

"Oops oops, relax M. Huwag kang mag alala hindi pa naman kita papatayin."

Ibinaba ko ang hawak kong baril at tumalikod naman siya na akmang aalis .

"Diba may kasunduan pa tayo *smirk*? Ano nga 'yon?"

Hindi ko siya sinagot, sa halip sinugod ko siya dala ang aking swiss knife. Akma ko sana siyang saksakin pero naunahan niya ako. Sinipa niya ang kaliwa kong paa at sinuntok ang aking magkabilang pisngi na naging dahilan ng pagdugo ng aking labi. Napaluhod ako sa sakit ng mga suntok na natamo ko.

"*smirk* Hindi parin pala kita matatalo James Dylan Ernstele"

Kinuha niya ang kutsilyo na nasa paa ko at hinagis ito ng malayo sa amin.

"Alam ko. Walang wala kalang kumpara sa akin M." Tumalikod siya saakin at nagsimulang maglakad palabas sa eskinita. Tumayo ako at pinunasan ang ang nagkalat na dugo sa labi ko. Langya! kang James ka. Kapag natapos tong kasunduan na to, sisiguraduhin kong ako ang mananalo.

/KINABUKASAN/

"Magandang umaga M"

"M kumain kana, nakahanda na ang pagkain sa mesa."

Ito na ang pangatlong linggo ko dito sa NFS. Tatlo kami sa isang kwarto, dalawa kaming babae at isang lalaki.

Palagi nila akong ipinagluluto tuwing umaga pero hindi ko naman ito kinakain. Hindi ko kasi ugaling kumain tuwing agahan. Ilang ulit ko nang ipinaliwanang sa kanila 'yan. Pero ginagawa parin nila, baka sakali daw na magbago ang isip ko.

Hindi ko sila pinansin at dumiretso lang ako sa banyo para maligo. Sports shirt at leather short ang suot ko ngayon at isang combat shoes. Kada alas dyes ng umaga at alas tres ng hapon ay may magaganap na sparring, sa pamamagitan nito masusukat ang kakayahan mo sa pakikipaglaban.

Nandito ako ngayon sa NFS GYM, kung saan gaganapin ang sparring.

Kapag naipanalo mo ang laban mo ay maglelevel up ka. Merong 100 levels dito, at kahit pangatlong linggo ko palang dito ay nasa level 56 na ako. Kaya nga sabi nila ay ako daw ang isa sa pinakamahirap kalabanin, dahil sa tuwing lumalaban ako ay palagi ko itong naipapanalo.

"MAGANDANG ARAW SA INYONG LAHAT. NGAYON, SISIMULAN NA NATIN ANG UNANG LARO. PARA SA UNANG LALABAN 'TAURUS BULL' AT 'M MONIQUE' NG LEVEL 56"

Nagsisigawan ang mga tao sa loob ng Gym. Halos hindi ko na marinig ang boses ng announcer sa lakas ng sigawan.

Si Taurus ay isa rin sa pinakamagaling dito. Tumayo na ako at naglakad papunta sa gitna ng Gym kung saan nakalagay ang sparring mat na gaganapan ng laban, ganun din ang ginawa ni Taurus.

"AT NGAYON PARA SA LABANAN NG MAGAGALING 'M' laban kay'TAURUS'. SIMULAN NA NATIN ANG LABANAN in

1

2

3

Gooooo!!!!!"

Nauna siyang umatake saakin. Napansin kong target niya ang dibdib ko kaya umilag ako at bibigyan sana siya suntok sa likod pero naunahan niya akong suntukin sa panga. Nagulat ang mga nanunuod sa amin, ngayon lang nila nakitang naisahan ako.

"haha! Masakit ba M?"

Sampung metro ang distansya naming dalawa. Hindi ko siya pinansin at umatake ako sa kanya. Susuntukin ko sana siya sa kanyang tiyan pero lumihis ako at sinipa siya sa kanyang likuran.

"Oo ang sakit, sobrang sakit"

Susugod sana palapit sa akin si Taurus pero napahinto ang lahat dahil sa nagsalita.

"ITIGIL ANG LABANAN"

"Master Dylan?"

Yan ang tawag lahat kay James maliban saakin. Hindi ko pinansin si Taurus na nagsasalita. Tinignan ko lang si James na nakatingin din saakin. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa nasalita siya ulit.

"SIMULA NGAYON AY HINDI NA KASALI SI M SA MGA LALABAN . ISA NA SIYA SA MGA KASAPI NG NFS REIGN"

Nagulat ang lahat ng taong nakikinig, at may mga nagbubulungan pa. Ang NFS Reign ay isang grupo kung saan ang mga myembro ay sadyang may angking galing sa pakikipaglaban. At dahil si James ang Lider ng NFS may kapangyarihan siyang gawin anuman ang gustuhin niya.

Hindi ko ito pinansin at bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Kinuha ko ang aking leathet jacket at sinuot ito. Lumabas ako sa Gym at sumakay sa aking motor. Pero may biglang humawak sa kamay ko.

"M, sumama ka sakin"

"Saan?" Tanong ko kay James nang hindi nakatingin sa kanya.

"Sa Reign's Room, may pipirmahan ka para sa paglipat mo sa NFS Reign"

"Sakay"

Sumakay naman siya at pinaharurot ko ang aking Enigma 1050 British motorcycle.


Shots of GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon