Chapter 2 Reigns

24 2 0
                                    


Chapter 2

/Reigns/

M's POV

Nandito ako ngayon sa RR kasama ang mga kasapi ng NFS Reign.

Malaki ito at malinis, may malaking lamesa sa gitna na napapalibutan ng mga kulay itim na silya.

"Magandang araw sa inyung lahat."

Panimula ni James at tsaka naman tumayo ang mga myembro nito. May anim na lalaki at isang babae, bali siyam kaming lahat na nandito.

"Simula ngayon ay makakasama na natin si M sa lahat ng mga Activities at Operasyon na gagawin ng Reigns."

"Master Dylan, mapagkakatiwalaan ba natin siya?"

Tanong ng lalaking may kulay pulang buhok at may mahabang pilik mata.

Nagiba ang ekspresyon ni James pero nawala rin ito kaagad.

"Kinikwestyon mo ba ang pagpili ko sa kanya Yong?"

"Hindi po master, pero——-

"Kung gayon simulan na natin ang diskusyon para sa operasyon na gagawin. Rein?"

Tumayo na Rein at pumunta sa harap kung saan nakapwesto ang white board. Naka black V neck t-shirt siya na nakapares sa kanyang dark blue fitted jeans, at dark violet lipstick. Si Rein Wright ang kanang kamay ni James, magaling siya sa paghack ng mga systems. Malaki ang utang na loob niya kay James,dahil sa pagligtas nito sa kanyang ama n'ong nadakip ito ng mga di kilalang Gang. Siya lang at si James ang kilala ko sa mga Reigns.

"Opo Master Dylan. Si Dr. Frances Ruize ay isang doktor sa isa sa pinakasikat na Hospital sa Batanggas. Meron siyang itim na kahon na pinaglalagyan niya ng kanyang mga pera, 15 by 15 inch ang size ng kahong ito. Dapat nating makuha ito bago sumikat ang araw."

Tumayo naman si James sa kaniyang kinauupuan at tsaka naman umupo si Rein.

May binigay si James na long bondpaper, ito yung blueprint ng sinasabi nilang hospital.

"Tingnan niyo ang kaliwang bahagi ng drawing, dyan ang opisina ni Doktor Ruize. Exactly 12 oclock tayo pupunta d'on. Maghintay lang kayo sa mga signal ko, at lahat ay maaayon sa plano."

"Master, sino po ang kukuha sa box"

tanong ng lalaking may pulang buhok. Yong ata pangalan non.

Umupo si James at tumingin sa akin ng nakangiti. Dont tell me—-

"Ikaw. Si M ang incharge sa pagkuha ng Box.Dapat before 2 am ay makabalik na tayo sa NFS hideout. Understand?"

"Yes Master" sabay nilang sabi.

Pagkatapos ng mahabang diskusyon ay nagpirmahan na ng contract para sa official na paglipat ko kasama ang mga Reign.

Tumayo ako at naglakad palabas ng pinto

"M, aalis kana? Hindi kaba sasama samin? You know, konting karate lang naman"

tiningnan ko kung sino ang nagsalita.

"Di na may gagawin pa ako, Nice meeting you Rein"

hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ako sa pinto.

Uuwi muna ako sa Home building, kailangan ko ng maghanda para sa operasyon mamaya.

"Congrats M" Sumalubong kaagad sakin si Kendra (Remember my Housemate?) na nakatapis pa ng tuwalya habang sinusuklay ang kanyang kulot na buhok.

Tiningnan ko lang siya ng matalim, at naglakad ako patungong kusina para uminom ng tubig.

"2 years na kami dito ni Newton pero di parin kami napo-promote para maging kabilang sa mga Reigns, ang swerte mo nga 3 weeks ka palang dito e nagustuhan kana ni Master Dylan"

Hindi ko napansin na sumunod pala siya sakin. Umupo ako sa isa upuan na nakapaligid sa maliit naming round table, ganun din ang ginawa niya.

"Wala naman sakin kung mapili ako bilang isa sa mga myembro ng Reigns"

Pumunta ako sa kwarto ko at humiga. Sa kwartong ito ay may tatlong maliliit na kwarto kwarto (gets?).

/"Hahahaha"

"Uy ikaw taya"

"Hahahaha"

BANG!

BANG! /

"AHHHH"

"M nanaginip ka na naman, ito o tubig uminom ka muna"

Hinawakan ako ni Kendra sa braso at pinaupo. Kinuha ko ang dalang tubig ni Newton.

"Salamat"

"Ano na naman bang napanaginipan mo?"

Gabi-gabi ko nalang itong napapanaginipan. Pagkatapos ay sumasakit ang ulo ko.Anong bang ibig sabihin ng panaginip na ito?

Napansin yata ni Kendra na hindi ako nagsasalita kaya tumayo siya at hinawakan ang kamay ni Newton.

"Sige iiwan ka muna namin M, aalis lang kami sandali. Nando'n na pala sa mesa ang pagkain mo."

Tumango ako tsaka naman sila lumabas ng pinto. Naparinig kong sumara ang pinto ng main room.

10 pm na pala, dawalang oras nalang at magsisimula na ang operasyon. Tumayo ako at nagbihis. Suot ko ang aking black leathered cat suit, na pinares ko sa aking black boots. Kinuha ko ang aking backpack na may lamang mga baril, kutsilyo, lubid, at iba pang mga matutulis na bagay para gamitin sa gagawin mamaya. Lumabas ako sa aking kwarto at pumunta ako sa kusina para uminom ng gamot.

Kruuu kruu kruu!

"Ugh! di pa pala ako kumakain" naglakad ako papunta sa mini ref namin at binuksan ito, may nakita akong dalawang mansanas. Kinuha ko ang isa at kinagatan ito, pagkatapos ay inimum ko ang gamot para mawala yung sakit ng ulo ko.

Lumabas na ako ng main room at kinuha ko ang aking motorsiklo. Yung maliit yung dinala kong motor, dahil mahina lang ang tunog ng makina nito. Para hindi masyadong maingay.

Pinaandar ko na ang motor ko papunta sa mini hideout.

"Oh nandito na pala si M" parinig kong sabi ni Rein.

"Kumusta M, ready kana?"

Hindi ko sinagot si James, hanggang sa nagsalita siya.

"Okay! maghanda na kayo dahil after 2 minutes aalis na tayo." Lumapit si Rein sakin.

"M, ito yung susi ng kahon" Kinuha ko ito at tiningnan ng maigi. Kakaiba ang hugis ng susing ito para siyang dahon ng marijuana na may pulang bilog sa gitna.

"Salamat"

Sinenyasan kami ni James na lumapit sa kanila.

"Its already 11:50, sa mga oras na ito ay may inooperahan si Dr. Ruize. Matatapos ang operasyon ay mga quarter to 2, kaya dapat niyong bilisan ang mga kilos niyo."

binigyan niya kami ng tig iisang earpiece, sinuot din naman namin ito kaagad. Ang lahat ay nakasakay na sa kani kanilang motor maliban kay James. Lumapit siya sakin at may sinabi siyang di ko marinig dahil sa sobrang hina.

"M, huwag kang mamatay. Please"

Hindi ko nalang yun pinansin, mukhang di rin naman importante.

Kinakabahan ako sa anumang pwedeng mangyari ngayong gabi. Oo sanay ako sa mga baril barilan pero kung inosente na ang paguusapan, di ko yata kaya.

Shots of GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon