FF#2: You're Happy, Aren't you?

10 0 0
                                    

(A/N: Babala, ang istoryang ito ay maaaring hindi maabot ang inyong mga ekspektasyon kaya hangga't maaari wag umasa kasi daming pa fall ngayon😂
Di yun nga ako'y bagohan lamang po at hindi magaling magsulat kaya ngayon palang humihingi na ako ng pasensiya *feeling may nagbabasa talaga eh no? Haha*)

"Kuya" napalingon ako sa boses na tumawag sa akin.

"Tinatanaw mo na naman siya no? Bat hindi mo lapitan?" Nagkibit balikat nalang ako sa sinabi nang kapatid ko. I tried, how many times pero kung malapit na siya sa akin ako naman mismo ang tumatalikod palayo, how pathetic right? Hindi ko kasi kaya, I felt scared, scared of everything that might happened pag nag uusap na kami.

"Kuya, alam mo hindi ka makaka move on hangga't hindi mo siya kakausapin" Oo tama siya na hangga't hindi ko nakakausap ang babaeng tinititigan ko ngayon ay paniguradong ma sa-stuck ako sa nakaraan and exactly that's what's happening to me right now.

"Ehh Bat kasi ang duwag duwag mo!? Isa pa hindi ka na namn nagsasalita diyan, na pipi kanaman ba! Bat hindi ata ako na inform na day of walang salitaan ngayon?!"

Naiiritang sabi niya sa akin nang tahimik lang ako, kaya naman nilingon ko siya ulit at- - -"
" Sorry naman Skyia ah, hindi kasi ako kasing tapang ng iba diyan at nakayanang mag confess sa crush nila at nakuha pang manghalik pero sa huli tatakbo lang din naman na akala mo talaga eh" nakita kong bigla siyang namula, napangisi tuloy lalo ako. Gustong gusto ko nang bumulanghit nang tawa sa mukha niya, ang priceless kasi masyado, HAHAHAHA *evil laugh sa isipan lang* akala mong bata ka ha hindi ko alam pinaggagawa mo ha.

"Ewan ko nga sayo kuya!! diyan kana nga! " naiinis siyang namumulang nagtatakbo pauwi, kasalukuyan kasi kaming nasa park.

"HAHAHAHA!! OYY BAT KA PIKON!? SIGURO GINAWA MO YUN ANO!?" pahabol kong sigaw para asarin pa siya lalo, bigla naman siyang huminto at lumingon sakin,

"GAGO KA KUYAAA! MAY ARAW KADIN SAKIN" ganting sigaw din niya at nagpatuloy na sa pagtakbo, bilis nang takbo palibhasa kasi runner, di wow, d siya na athletic psh!. Hindi ako bitter ah, atleast gwapo naman ako.

"BABEE! " saglit akong natigilan at bumaling ulit doon sa babaeng pinagkakaabalahan kong pagkatitigan kanina. Kumakaway siya at malawak na nakangiti sa papalapit na lalaki, kitang kita ko kung gaano siya kasaya, isa pa yan sa rason kung bakit ayaw ko siyang kausapin, masaya na siya kaya, para ano pa? Para san pa? magkakaproblema lang siya pag nagkataon at hindi ko yun gusto. Masaya na akong makitang masaya siya.

Dumiretso ang tingin ko sa kamay niya, saglit akong natigilan, ang sing sing! Suot niya pa. Sa nakita ko ngayon somehow nabuhayan ulit ako nang loob, nagkaroon ako nang kaunting pag-asa na baka- -baka naaalala niya pa ako. Yes, You're right ang babaeng tinititigan ko ay may amnesia, and she's the one I love the most, she is - - - -

"Freya! Babe, likana dito, pinapauwi na tayo nila Mommy! " narinig kong sabi nong lalaki. Marahil ay ang tinutukoy niyang Mommy ay ang ina ni Freya, what a wow, ay oo nga pala engage na sila. Parang biniyak ang puso ko sa isiping iyon, ikakasal na sila after ng graduation ni Freya, yan ang sa pagkaka alam ko, kung bibilangin ko ngayon, 3 months to go nalang, yeah tatlong buwan nalang maging mag asawa na sila, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko, I wiped my tears as I'm watching them leaving the park with a holding hands. Sa naisip ko, ang kakaramput na pag asang nagpabuhay sa kalooban ko bigla na namang nawala, siguro mas mainam kong manahimik nalang ako, at sarilihin ang sakit. Siguro hanggang tingin nalang talaga ako sayo 'Babe', kasi hindi na ako ang taong minamahal mo ngayon, hindi mo na ako kilala.

Naiiyak na naman ako, wala na akong pakialam kung sabihin man nilang nakakabakla ang pag iyak. Hindi kasi porke lalaki kami eh pangit na ang pag iyak, may puso din kami at damdamin, hindi kami robot na hindi umiiyak. Seeing a men crying doesn't symbolize he's weak, yet it means he's heart hurt so much to the point that he can't even control his tears and emotions.

Thinking Freya and his fiancee, Lucas. Hindi ko talaga mapigilang wag umiyak, ang sakit lang kasi, parang kahapon lang ang saya pa namin, parang kahapon lang sabay pa kaming kumakain sa canteen ng lunch, parang kahapon lang ako pa ang lalaking ka holding hands niya, ako pa ang lalaking kasama niya papuntang bahay nila.

A moment later ay tumayo na ako sa ilalim nang punong inuupuan ko, ang punong kahoy na ito ang favorite namin sa lahat ng puno dito, dito din kami laging tumatambay noon. Naging saksi din ang punong ito sa pagmamahalan namin na ngayon ako nalang ang naka alala, at ang punong ito din ang saksi nang kung gaano ako nagdudurusa ngayon. Naglakad na ako palayo sa plaza, uuwi na siguro ako at magkukulong na naman sa kuwarto gaya ng ginagawa ko simula ng pangyayaring iyon.

"Oh anak, andito kana pala, mag umagahan kana, may pagkain Pa doon sa mesa" pagkapasok ko palang ng bahay, pagmumukha na ni mama ang unang nabungaran ko na prenteng nakaupo sa harap ng TV habang nagbabasa ng dyaryo.

"Maya nalang ma, busog pa po ako" walang gana Kong sabi, sabay deretso sa kwarto.

"Hayy magkukulong na naman yon" rinig ko pang bulong ni mama, alam kasi ng buong pamilya ko ang nangyayari sakin at ang nakaraan namin ni Freya, mabuti nangalang at ginagabayan parin nila ako at hindi pinapabayaan. Lagi din silang nandiyan sa akin para magbigay ng advice at mag comfort though hindi ko naman nagagawa lagi yung mga sinasabi nila kasi hindi naman ganun kadali ang mga yun.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng kwarto e sumalampak kaagad ako kama, at tumitig sa kisame pinanood ko nalang iyong tatlong butiki, yung isang lalaki ata hinahabol ang babaeng butiki gusto atang maka iskor eh, yun ngalang ayaw siyang pagbigyan sorry kanalang boy, tapos yung isa naman nakatingin lng sa kanila audience ata eh. Nagtataka siguro kayobkung paano ko nalaman kung alin ang babae at lalaking butiki? Hinulaan ko lng, basic.

(A/N:Wala pang ending ang still unedited sorry)

FLASH FICTIONWhere stories live. Discover now