Batong bato na ako dito sa kaboringan kaya naisipan ko nalang mag Facebook muna, sawang sawa nadin naman ako kaka wattpad at kaka YouTube, so dito muna ako tatambay sa fb, mwehehehe..Scroll
.
.
Scroll
.
.
Scroll
.
.
ScrollReact dito, react doon ang ginagawa ko sa mga post na nakikita ko while scrolling up and down. Haykss wala manlang akong ka chat
'HANUUBAAAA, MGA PREND!KUYA! ATE! E CHAT NYO NAMAN AKO, MABAIT NAMAN PO AKO EH'
impit na sigaw ng desperadang parte ng utak ko.A moment later, E o off ko nalang sana ang data ko kaso- - -
"Ting" biglang tumunog ang messenger ko then may nag appear na chat head, yiee anong swerte nga naman at may nag chat.
"Hey?" That's what the message say. Hmm? A message from a guy named Mark Justin Suarez, d ko'to kilala, but still rereplyan ko parin, hahaha mukhang ok naman ang profile pic eh, saka buti nga may nag chat pa sakin, kausap ang hanap ko at ito na oh, aarte paba ako?
"Yowz pare wazzup?" Reply ko sa chat niya, kunyari pa cool parang tanga lng. Hindi kona inistalk kasi tinatamad ako, and I know hindi naman to magtatagal HAHAHA, magsasayang lang ako ng oras.
"Crush, yieee nag reply siya bait talaga nitong si Britney"
Medyo nagulat pa ako sa chat niya. How come that he knows my name, the fact kasi na hindi ko naman real name ang ginamit kung pangalan sa fb, hayyyss hayaan nangalang. Naisip ko nalang na siguro same school kami nito, kaya ako kilala, hindi naman kasi sa pagmamayabang eh kahit hindi ako kagandahan, hindi rin sporty at nasa average lng ang IQ level but still medyo marami rami parin nag nakakakilala sa akin, ganun kasi kalakas ang aking alindog, ALINDOG? HAHA WALA PALA AKO NON.
But infairness I like the way siya mag chat, parang hindi lalaki hahaha. Oyy d ko naman sinasabing bakla siya ha.
"Oyyy crush daw ako ni Mister, lol HAHAHAHA patawa ka"
"Hindi ah, matagal na kaya kitang gusto sadyang hindi mo lang ako napapansin </3"
"Saka lagi nga kitang inaabangan sa room eh, ang cute kasi ng boses mo lalo na pag tumawa sobrang lakas pa! HAHAHAHA"
Natameme ako bigla sa sumunod niyang mensahe, boses ko na naman waahhh!! nakakahiya. Luhh may hiya pa pala ako? D yun nga, bakit kasi ang lakas ng boses ko pag tumatawa, ayytts d bale nalang asset ko naman daw yun eh to the point na lilingon sakin ang mga tao pag nangyari, pftt kahit lagi akong napapagalitan at napagsasabihan ng mga teachers na pakihinaan ko daw yung volume kasi nakaka distract masyado. Pero Teka nga! So tama nga ako schoolmate nga kami nitong ka chat ko.
"Hoyy! Kakahiyaa! WAG NIYO NGANG INAANO BOSES KO HAHAH" reply ko sa kanya.
Mark Justin typing...
Mark Justin sent you a message
"Hahaha hindi naman ah, hangcute kasi kaya nga ako nainlove sayo eh, yieee *blush emoticon*"
Ulol hahahaha napailing nalang ako sa nabasa ko, haysss mga lalaki nga naman. Nagtype ulit ako para replyan sya-
"Haha Galing ng banat ah, pang ilan naba ako? HAHAHA"
-sent
- seenMark Justin typing ...
Hindi paman siya nakapg reply ay nag sent ult ako ng panibagong message
"Nga pala saang room kaba banda? Curious lng ako ha baka mag assume ka hahahaah"
Sabi ko sa kanya.Mark Justin sent you a message...
"Sa room ng mga bobo"
"Boboo ng puso mo yiee *heart emoticon*"...
"Pupuntahan mo ba ako pag sinabi ko? HAHAHA yieee! Kaso baka matakot ka *crying emoticon*"
Jusmiyo marimar Napatawa nalang tuloy ako dito sa ka chat ko, sabay napamura pano kasi Pa fall amputik gago. Naisip ko tuloy e screenshots at e sent sa gc naming mag bestfriends.
''Guyz ouh look, ka chat ko hahaha trip na trip ata ako"
Sabi ko pa Sabay sent din ng screenshots ng convo namin ni Mark Justin. Maya maya pa'y na seen nadn naman nila ito at nagsimula ng mag typing.
"WHAT THE FUCK BRIT?! "
It's Ash ang taong unang nagreact at sobrang nagulat ako sa reaction niya, it's the first time na ganun siya nag react mostly kasi sasabihin lng niyang 'suss, sakyan mo lang' , 'HAHAHAHA ano pang hinihintay mo ibigay mo na ang larong hanap niya', ' girl sagutin mo na HAHAHA'. Pero ngayon iba eh, ibang iba, hindi kaya kilala niya 'to at CRUSH NIYA OHHH NOO!!!namilog ang mata ko sa mga naiisip ko. Nagsimula na akong magtipa ng mensahe ng mag appear na namn ang message ni Hara- - -
"Brit, hindi mo stinalk yan si Justin Ano?"
"And Ash kumalma ka nga"
" I guess hindi nga talaga, bat ko paba tinanong, psh!"
Sunod sunod itong nag send ng messages, whutdaa!? Naguguguluhan na talaga ako dito ha, like what the he'll is happening sa kanila. Ang we weirdo nila ngayon aaarrrrghhh! Nag uumpisa na tuloy akong mairita sa mga reactions nila."Problema nyo? Ang wierd ha, supper! Tsk feeling ko tuloy I've missed something"
" Brit, favor lng paki stalk niyang ka chat mo, just plsss kung ayaw mong lumabas ako ng, disoras ng gabi at pumunta diyan sa inyo para ako na mismong magstalk sa kanya"
New message from Tanya ang nabasa ko. May Mali talaga I can sense it, bigla tuloy akong kinabahan, kinakabahan akong lumabas talaga siya Juskooo baka ibitay yon ni tita pag yari.
"Oo na oo na, e stalk na. Para kayong mga ano. Ano ba kasing meron!?" Reply ko sa kanila.
"E stalk mo nalang kasi! Pwede ba Brit Wag nang madaming tanong! " - Tanya
"It's for your own good sake tho, so just do it" kahit sa chat lng nase sense ko ang coldness sa sinabing yun ni Ash.
"Ito na nga eh, ito na ouh" hindi ko mapigilang bulalas, sabay ni VIEW PROFILE ON FACEBOOK ko ang account niya.
Makalipas ang ilang Segundo ay bumungad na sa akin ang fb account niya nag scroll down ako para makita kung anong ganap sa kanya, and then boom!
'Ting' kasabay ng pagtunog ng messenger ko at pagbungad ng mensaheng lalaking kausap ko ay ang paglamig ng buong katawan ko.
"R. I. P pre, bata mo pa para mawala, ni hindi ka manalng nabigyan ng chance na makaamin sa babaeng gusto mo Jus, anyway Condolence po sa family"
Nanginginig kong basa sa post kung saan nakatag siya, IMPOSIBLE! Imposibleng patay na siya, kahapon Pa itong post pero ngayon ngayon lng dn naman ay ka chat ko pa siya......at ito pa ouh, may new message pa galing sa kanya. Pabalik balik lng ang tingin ko sa chat head at sa post na yun, nawindang pati ang kaluluwa ko sa nangyayari ngayon, oh God kung nananaginip man po ako gusto ko ng gumising. Nanginginig man at nanlalamig ang kamay ah pinipilit kong pinanlalabanan ang takot, inipon ko lahat ng lakas ng loob ko bag inopen ang kanyang mensahe . Nanginginig pati ang boses ko sa pagbasa"I'M SORRY TO SCARE YOU, GOOD BYE, I LOVE YOU"
Ilang minutos pa akong tumitig sa sampung salitang mensahe niya, sampung salita na parang katumbas din ng sampung libong boltahe ng kuryente na nagpamanhid sa buong katawan ko.-End

YOU ARE READING
FLASH FICTION
Teen FictionIt's a compilations of all my one shot stories, don't expect too much you might disappoint😂, hindi ako magaling na writer, kaya ngayon palang humihingi na ako ng pasensiya. Sana magustuhan nyo😂