Wannah's Pov
"Wannah! Ano ba yan, ang tagal mo!!!" Shouted kuya from downstairs.
"Andyan na! Saglit lang! 1 more minute!" I shouted back.
"Tanginang one more minute yan! 20 minutes na akong naghihintay dito!" Puno ng inis na sigaw nya.
Di ko mapigilang matawa dahil naiimagine ko pa ang hitsura nyang bagot na bagot na kakahintay sa akin.
Nagmadali akong mag-ayos and after 1524252 years natapos rin. Agad akong bumaba at naabutan ko si kuya na nakatayo sa may pintuan, nakacross ang dalawang braso at ang sama ng tingin sa akin. Hehe.
"Ang bagal bagal mo namang kumilos! Next time iiwan na kita!" Bulyaw nya sa akin. "Let's go!" Sabay bukas ng pintuan, susunod na sana ako ng bigla nyang sinara ng malakas ang pinto, parang lumipad yung kaluluwa ko sa sobrang gulat.
"Nakng! You devil! Susumbong kita kay dad! Arrghhh!" Padabog na binuksan ko ang pinto at lumabas.
"Bilis!" Sigaw nya na nakasakay na sa sasakyan.
Agad akong sumakay at malakas na sinara ang pinto.
"May balak ka bang sirain ang kotse ko!" Singhal nya sakin.
"Nye nye nye!"
"Tss." Nasabi nya nalng sabay paharurot ng sasakyan.
So guys, let me introduce you my evil kuya. Ang no. 1 kong kaaway. Hindi kami yung tipo ng magkapatid na malambing sa isa't-isa, we often fight. Mga bata palang kami ganito na kami at ewan ko bat walang nagbago, ganito parin kami madalas di nagkakasundo.
Most girls wanted to have an older brother, pero kung katulad man lang ng brother ko ang magiging kuya nyo ay mas mabuti ng wala. He's not your ideal kuya, yung sweet at protective na kuya. He's a bully.
Nakarating agad kami sa Royal University, salamat at di pa kami late.
As usual, may long quiz kami sa math, reporting sa english. Inaantok sa Filipino dahil sa malalullaby na boses ni ma'am habang nagdidiscuss.
Wait, since naipakilala ko na yung kuya ko sa inyo, maybe it's time na para ako namn ang makikilala nyo since ako ang bida sa kwentong to haha.
My name is Wannah Del Torre, I'm 16 years old. Mabait po ako sa mababait at feeling mabait lels. I like playing volleyball, my talent is singing and dancing. Favorite subject ko is English, well depende pa rin sa teacher, kung boring yung teacher nawawalan ako ng gana kahit sabihin pa nating fave subject ko yun. I hate math, jusko pag numbers na ang pag uusapan bobo ako dyan.
I'm a daddy's girl, dalawa lang kaming magkakapatid at one year lang yung age gap namin kaya wag na kayong magtaka kung mas matured akong mag isip kesa sa demonyo kong kuya.
"Let's kill this love, Rampapampapam"
Well, speaking of the devil. Ito na nga tumawag na.
"Yes?"
"Bilisan mo nasa parking lot na ako!" Sabay off.
See? Ganun sya kabastos na kuya! Binilisan ko ang paglalakad, yeah uwian na namin guys.
"Wannah!" I heard someone called my name behind me kaya napalingon ako. It's Izzy, the campus queen.
"Hey Izzy."
"Can I talk to you for a moment?"
"Hah? Eh.."
"Sige na please." Parang nagsusumamong sabi nya, hinawakan nya pa ako sa kamay. Hays, ano naman kaya ang kailangan nito sa akin.
"Okay, ano ba yun?"
"Tara sa cafeteria?"
"No no! Kung ano man yun Izzy sabihin mo nalng dito kasi nagmamadali ako eh, hinihintay na ako ni kuya Warren." Napansin ko ang kislap sa mga mata nya ng banggitin ko si kuya.
"Sige di na ako magpaliguy-ligoy pa. Wannah, I like warren!"
"Hah? You like kuya warren?" Ulit ko.
"Yup!" Nagbablush pa na sabi nya.
"Then, sa kanya ka magconfess di sa akin."
Natawa sya.
"Ikaw talaga, ano kasi eh, nahihiya ako. Di kasi approachable yung kuya mong yun eh. Baka pwede mo akong tulungan? Please wannah." Ah kaya pala, magpapatulong. Hays.
"I can't promise Izzy, kahit ako nahirapan sa kuya kong yun, di kami masyadong nagkakasundo."
"Eh, basta kung magkakaroon ka ng pagkataon baka pwede mokong imention sa kanya!" Gosh, di ako makapaniwalang ganito ang campus queen pag nagkacrush. Parang nag ibang tao sya ngayon.
"Okay okay, I'll try. Sige mauna na ako ah."
"Okay, thanks in advance wannah!"
Nilakihan ko ang bawat hakbang ko, naiimagine ko na ang kuya kong umuusok ang ilong sa kakahintay sakin.
Pero nang makarating ako sa parking lot, walang kuyang umuusok ang ilong. Wala sya at wala na rin yung... WHAT THEEE!! INIWAN NYA AKO???
Sumakay nalang ako ng taxi pauwi, nakakainis! Iniwan talaga ako. Pagkarating ng bahay, nasa pintuan palang ako nagsisigaw na ako.
"MOM! DAD!! " I opened the door. "Mom, dad can you believe it? Kuya left m--" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bumungad sakin ang mga panauhin. They're all looking at me..
Oh great!
To be continued..
_ if you like the story please vote or simply leave a comment. Thanks! XD