Simula

26 4 3
                                    

1892.

Isang makulimlim na panahon ang sumalubong saakin nang makarating ako sa aming tahanan. Napakalayo ang aking nilakbay para makabalik muli dito na kung saan ako ay lumaki.

Pagkatapos ko mag-aral ng abogasya sa Maynila, napagdesisyonan kong umuwi muna at salubungin ang aking ina'y na labis nangungulila.

Sa dami ng sulat na pinadala niya sa akin, alam kong walang tatalo na makita niya ako sa personal... malakas at nakapagtapos! Alam kong ikagagalak niya na makita akong muli!

Ngumiti ako ng bahagya. 'Sa wakas! Magiging malaya na ang pamilya ko sa kahirapan! Maraming salamat Ama! Isa kang dakila..'

"Ina!"

Nang nangtama ang aming mata ay agad akong lumapit sa kanyang kinaroroonan at niyakap siya ng sobrang higpit. 'Oh, aking ina..'

Masaya akong bumalik. Walang bagay na pwedeng ihanay sa init na yakap mula sa inang labis na nagmamahal sa anak. Ako ay masaya! Sobra akong masaya!

"Francisco! Anak!"

Sinuklian ni ina ang aking yakap. Nilibot niya ang kanyang paningin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Ikaw na ba 'yan anak? Mas lalo kang naging makisig! Hindi ko akalain na pagkalipas ng pitong taon na hindi ka namin nakasama ay lumaki kang gwapo!" tili niya.

Tumawa ako. "Mana ako kay ama, ina."

"Anak ko, bakit ngayon ka lang? Ba't hindi ka nagsabi na uuwi ka? Sana ay nakapagluto kami ng pagkaing paborito mo."

"Ina. Ayos lang po. Balak ko talagang sopresahin kayo sa araw na ito."

"Ikaw talagang bata ka! Pagkatapos ng dalawang buwan na wala akong natanggap na kahit anong sulat mula sa'yo ay hindi na ako makatulog ng maayos."

Hinaplos ko ang kanyang mukha at ngumiti. "Ikinagagalak kong makita ka ina."

Walang atubiling hinagkan muli ako ni ina. Sa haba ng panahon akong nawalay sa aking pamilya, masasabi kong nakamtan ko sa araw na ito ang tunay na ligaya.

"Marta. Sino 'yang kausap m-? Diyos ko! Francisco!"

Lumabas ang aking ama mula sa aming kusina. Labis na pagkagulat ang nakapinta sa kanyang mukha. Walang nagbago sa kanyang itsura.. nanatiling makisig ito.. alam kong sa kanya ako nagmana sa pisikal na anyo.

"Ama!"

Kumawala ako sa yakap ng aking ina at agad lumapit sa aking ama. Hinagkan ko ito. Isang matikas at tahimik ang aking ama. Pero ngayon, nakita ko sa kanya ang pangungulila ng isang ama sa anak na tila matagal ng naghihintay sa aking pagdating. Ramdam kong sa pagkakataon na 'to, nasaksihan ko ang lambot ng kanyang puso.

"Francisco, hindi namin inaasahan ang 'yong pagdating. Bakit biglaan ang 'yong uwi at hindi mo man lang sinabi sa amin ng iyong ina?"

"Pasensya na ama. Hangad ko lang na personal sabihin sa inyo na.." sinadya kong itigil ang sasabihin at umaktong malungkot. Natawa akong palihim sa pilyong kaisipan mayroon ako.

"Ina.. ama" mas lalo pa akong umarte na tila hirap magsalita.

Kumunot ang kanilang noo. Duman ng ilang segundo ay lumaki ang mga mata ni ina at napasinghap naman si ama. Natawa ako sa aking isip dahil parang alam ko kung saan patutungo ang usapin ito.

"Anak ng! Huwag mong sabihin na nakabuntis ka sa Maynila! Kaya ba hindi ka nakapapadala ng sulat sa amin dahil may iba ka ng inaatupag?"

'Sabi na e!'

"Ina.."

"Sumagot ka Francisco! Seryoso ako!"

Tumawa ako ng malakas. Hindi pa rin ba sila sanay sa akin? Hindi ko maitatanggi na bago ako mawalay sa kanila ay likas na akong pilyo... ngunit sa kanila ko lamang nailalabas ang ugali kong 'to.

Nagtataka ang aking ina at ama sa aking inasta. "Anong nakatatawa Francisco? Hindi ito biro! Mahirap lang tay-"

"Huwag kayo mag-alala ina. Wala po akong nobya kaya wala pong mabubuntis."

Kumawala sila ng malalim na paghinga na parang nakatakas sa sariling pangamba.

'Huwag kayong mag-alala ina ama, alam ko ang mga responsibilidad ko bilang isang anak. Kayo muna ang una kong iisipin bago ang sariling interes kahit napakahirap umiwas lalo na 'pag ang putahe ang kusang lumalapit..' napangiwi ako sa aking iniisip.

"Pasensya na aking anak. Hindi namin maiwasan isipin ito dahil hindi namin maikakaila na ika'y isang magandang lalaki katulad ko." sabi ni ama.

Umiling ako.

"Kung ganoon, ano ba ang sasabihin mo at tila nahihirapan kang sabihin ito sa amin ng 'yong ama?" naguguluhang tanong ni ina.

Ngumiti ako. Kinuha ko ang isang munting papel na nakasiksik sa loob ng aking bagahe.

Dinala ko sa kamay ni ina ang munting papel.

"Hayaan mong ito ang sasagot kung bakit ako umuwi aking mahal na ina."

Dahan dahan binuklat ni ina ang papel. Mula sa pagkalito ay napalitan ng ngiti sa kanyang labi at liwanag sa kanyang mga mata.

Bahagya naman tumingin si ama sa papel. Ngumiti siya na parang higit pang nanalo sa kahit anong parangal. Pagkatapos, sumigaw ito.

"Mga kapitbahay! May abogado na tayo!"

**

Between the Two WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon