Kabanata II

51 2 1
                                    

Kabanata II

Binibini, ano ang 'yong ngalan?
Nang nasilayan ang 'yong mga ngiti
Tila nabighani
Sa kagandahan mong wagi
Sa aking matang hindi kayang magkunwari.
Tatahakin ang karagatan
Para ika'y mahagkan
'Pagkat sa gabing hindi inaasahan
Nakita ko ang aking walang hanggan
Handa na akong sirain
Ang matayog na pader sa ating pagitan.
Kung iyong mararapatin,
maaari bang iguhit sa puso ang 'yong ngalan?
At habang buhay kang kikilanin.
Pangako, hindi kita iiwan.
Muli, ano ang iyong ngalan?

Nilibot ko ang aking mga mata sa likod ng aming bahay. Kita kong maraming mga puting lamesa at may mga upuan ang nakapalibot dito. Sa harapan nito o ang entablado ay may malaking tarpulin na nagsasabi ng "Congratulations Atty. Francisco Gregorio."

Lumapit akong tuluyan sa lugar kung saan magaganap ang piging bilang selebrasyon sa aking tagumpay. Nginitian ako ng mga taong nadaanan ko, sinuklian ko din naman sila ng isang matamis na ngiti. Napangiwi ako ng namula ang isang dalaga, kung hindi ako nagkakamali ay naging kaklase ko siya noong ako'y nasa elementarya.

"Congratulations Francisco." saad niya.

"Salamat. Buti nakarating ka, Matilde."

Namula siya. "Hindi ko lubos akalain na tanda mo pa ang aking ngalan, Francisco."

"Hindi nakakalimot ang isang tulad ko lalo na sa mga magagandang babaeng katulad mo."

Mas lalo siyang namula. Nginitian ko pa siya ng isang beses at lumisan na, nakipaghalubilo ako sa iba pang mga bisita.

Bukod sa congratulations ang aking naririnig mula sa kanila, nagtatanong rin sila tungkol sa aking kalagayan o sitwasyon nung ako'y nasa Maynila pa.

Sinabi kong nagtratrabaho ako habang nag-aaral. Nakita ko sa kanila ang pagkamangha lalo na ang mga kababaihan. Hindi daw nila lubos akalain na nakayanan kong makapagtapos habang nagtratrabaho. Paano ko raw ito nakayanan.

Parati ko naman sagot, "Hindi ko matutupad ang lahat ng 'to kung walang Diyos na gumabay sa akin."

"Isa kang mabuti at pinagpalang nilalang Francisco." saad ng kaibigan ko.

"Lahat tayo ay pinagpala. Nasa atin lang kung paano isagawa." nginitian ko sila.

"Nararapat lang sa'yo ang maging isang abogado. Matalino ka at may takot sa Diyos."

"Salamat sa papuri Cesar."

Kasalukuyan akong nakaupo kasama ang mga matatalik kong mga kaibigan. Lima kaming magkakaibigan sa barkada. Lahat kami ay lalaki. Ngunit tatlo lamang ang nandito. Ang dalawa kong kaibigan ay nasa ibang bansa, nag-aaral ng medisina.

"Hindi ko pa rin maiwasan magtampo sa'yo Francisco. Bakit kahapon mo lang pinaalam sa amin na nandito ka na pala? Pagkalipas ng dalawang araw saka lang namin nalaman na nandito ka na." si Cesar.

Si Cesar ay isang inhinyero. Nabalitaan kong nakapagtapos siya ng pagaaral tatlong taon na ang nakalilipas.

"Yeah bro. Kinalimutan mo na kami." saad ni Ivan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between the Two WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon