#15 Siya Ang Aking Irog

10 3 0
                                    

Pasensya ka na.
Sapagkat di ko magawang mahalin ka.
Sinubukan ko naman.
Pero mahirap syang kalimutan.

Gusto kong makita syang muli.
Kahit sa hiram na sandali.
Gusto kong masaksihan ang kanyang ngiti.
Kahit alam kong mali.

Handa akong sumugal.
Makasama ko lamang sya ng matagal.
Ako'y wala ng pakialam sa aking kaligtasan.
Titiyakin ko naman saiyong ito'y aking napaghandaan.

Maaari bang sya'y bumalik sa aking piling.
Bago man lang ako malagutan ng hininga, yan ang aking hiling.
Pasensya kana 'pagkat di ko masuklian ang iyong pagmamahal.
Para sakin kasi sya pa rin ang aking minamahal. 



SPOKEN POETRY COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon