Simula

0 0 0
                                    

Ika-isang daang araw.

Ika-isang daang araw na ang lumipas simula ng magustuhan kita. Mahirap pala mag ka gusto. Lalo sayo. Kung anong meron tayo ngayon. Hindi pa sapat para sa akin. Masama ba akong tao kung hilingin kong maging akin ka?

"You're spacing out again, Charity" tinignan ko si Claudia. She was sipping her smoking dark coffee. She likes it without sugar and cream. Hindi naman na nakakagulat, parang ganun din kasi sya. Matapang. May paninindigan.

Nag pakawala ako ng malalim na hininga at inihiga ang ulo sa table ng coffee shop. Asul pa at madilim ang langit. Kaya hindi nakapag tataka na tahimik pa ang paligid. Mas madaling mag isip.

Palapit na ang Disyembre. Iba na rin ang simoy ng hangin. Niyakap ko ang aking sarili. Wala namang gagawa noon para sa akin. Mahina akong tumawa. Grabe, ganito ba talaga ang feeling ng single?

"Claudia," tawag ko

"hmm?"

Inayos ko ang upo ko at hinarap siya. Patuloy pa rin sya sa pag simsim ng kape habang nag c-cellphone. Naka tutok syang mabuti na parang nakakanangha ang cellphone nya. Psh. Iba talaga pag may boyfriend. Busy-busyhan.

Binalewala ko iyon at nag patuloy sa pag sasalita, "Kilala mo si-"

"Hinde," agad nyang sagot, bwisit talaga ang babaeng to.

"Kilala mo si Nathaniel diba?" agad syang napahinto sa ginagawa. Ibinaba nya ang cellphone at nakakunot na tumingin sa akin. Bigla akong kinabahan sa ginawa nya. Sabi na e. Dapat talaga hindi ko na lang sabihin.

"Why? May ginawa ba sya sayo?," humigop sya sa kape at hinintay ang sagot ko.

Tumango ako. Oo, hinulog nya ko sa kanya bwisit sya. Sinandal ko ang aking likod sa sandalan.

"Did he bully you?!,"

Ngumuso ako sa sinabi nya. Kinagat ko ang labi ko.

"Ha! Isusumbong ko sya kay Tita red,"
Galit nyang sinabi. Wala pa nga akong sinasagot. Napaka OA naman nito.

Tinaas ko ang hintuturo ko sa harap nya. Agad naman syang kumalma at tinaasan ako ng kilay.

"E ano? Bat mo ba sya tinatanong?,"

"Kasi-"

"Ano?" sabat nya. Hay. Paano ko ba to sasabihin sa kanya. Kahit sa sarili ko nga nahihiya kong sabihin. Kay Claudia pa? Bungangera ang babaeng to. Kaya malamang sa malamang ay kung ano-ano lang ay sasabihin nito. At isa pa. Hay never mind.

"Kasi ano-," ano ba self. Kumalma ka nga. Pati ako naiinis na sayo. Huminga ako ng malalim at mangiyakngiyak na. Naiiyak dahil sa nararamdaman ko. Ayoko nito. This is so unfair kasi. Hindi ko gusto to. Pero gusto ko pa din. Na ayaw ko. Nababaliw na siguro ako.

Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Hindi ko kayang sabihin. Nahihiya ako.

"I'll leave you if you won't tell me," akma syang tatayo pero pinigilan ko sya.

"Gusto ko ang ex mo" sabi ko habang nakatingin sa mga mata nyang bakas ang pag ka bigla. I knew it. This would be the outcome kaya ayaw ko sabihin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strawberries and Cigarettes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon