So-Called-LDR

24 1 2
                                    

El di ar

Minsan kasi sa buhay iniisip natin na may mga bagay na mag sstay ng forever. Gago walang forever. Lahat mag co- come and go lang yan. Parang ang long distance relationship sabi ng iba may tendency na mag work out and may 99.9 percent na hindi. Ano ba yung long distance relationship? Yun yung pinakamahirap na relationship na alam ko. Pwera sa girlxgirl and boyxboy syempre. Pero pano kung girlxgilr na tas longs distance pa? tas hindi legal? TANGINA. Yun nalang masasabi nyo diba? Yas? Yas. HAHA ito seryoso na kasi.

Long distance relationship.

Madaming pwedeng mangyare sa ganitong relationship. Una sa lahat malayo kayo sa isat isa, dito mo marirealize na “OMG kaya ko palang mabuhay ng hindi sya nakakasama” or “Kaya ko palang hindi sya laging nakakasama” wag mong sabihing hindi kasi wala ka dito kung hindi mo trinatry na mag work ang so-called-LDR nyo. Hulaan ko? Nanghihina na loob mo kaya mo binabasa to? Or sadyang gusto mo lang mag emo kaya ka nag babasa ng mga gantong genre. Okay? Okay.

Dadating yung up’s and down’s nyo. Madalas yan for sure. Madalas na din kayong mag kakatampuhan, mag aaway, mag kakainisan kahit madalas din hindi mo na alam yung dahilan. Dahil ba immature sya? Or sadyang nag eexpect ka lang na suklian nya lahat ng ginagawa mo para sa kanya?

Meron ding point na umaasa nalang kayo sa facebook, viber at skype. Tas pag walang internet mag eemo ka. HAHAHA

Dadating din yung point na maiinis ka kasi feeling mo ikaw nalang yung nag eeffort or maybe ikaw nalang talaga. Maiinis ka kasi naiisip mo ikaw nalang yung nag ho- hold on sa promises and plans niyo. Pero ito advice ko sayo, wag ka mag overthink wag ka din mag expect na kahit ano galing sa kanya. Go with the flow lang at stay happy kasi once na mag over think ka na tuloy tuloy nay an. Wala nang tigil. Matatakot ka na. Matatakot ka sa lahat ng bagay na pwedeng mangyare. Parang tanga lang no?

At syempre dadating din yung point na gusto mo na mag give up, gusto mo na bumitaw pero hindi mo kaya. Kasi nga takot ka, takot kang masaktan, takot kang maiwan, takot ka baka pag nag hiwalay kayo mas maging masaya sya sa ibang tao. Takot ka na baka magawa ng ibang babae/lalaki yung mga bagay na hindi mo man lang nagawa. Bubuksan mo fb nya at iba pang mga accnt nya, hahanap ka ng conversation na pwede mong ipang laban sa kanya for what? Makaktulong ba? Nah, kung ako sayo “go with the flow’ nalang. Kasi Real talk? Wala tayo sa fairy tale, wala tayo sa wattpad, walang forever, walang infinity and beyond wala ding moon and back pero might as well enjoy it diba? 

Im not a fan of long distance relationship until I met this one specific girl that change me. Change everything about me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So-Called-LDR (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon