= code 1 =

2K 39 6
                                    

Project: GTG (Gangster to Gentleman)

= Code 1 =

= Code 1 =

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AUGUST

Paano na lang kung pangit siya?

Napailing na lang ako habang paakyat ng hagdan. Bakit ba kasi hindi ko manlang sinilip 'yung Facebook niya? Baka naman kasi mapaatras ako bigla. Bakit ba kasi walang elevator 'tong building na 'to? Buti na lang third floor lang 'yung iaakyat ko kundi kanina pa ko nagwala.

Bakit ko ba iniisip kung pangit 'yung magiging roommate ko kung ako 'tong nangangailangan ng matitirhan? Besides, dinaya ko na nga 'yung kontrata. Hindi ko alam kung anong pumasok sa sistema ng so-called landlord ko na ngayon dahil pinirmahan niya kaagad.

Baka isa lang siya sa mga taong nalinlang na akala lalaki ako. Porke't August pangalan?

Yeah, baka nga, sagot sa'kin ng utak ko. Via email nga lang naman kami nag-usap at nagpirmahan ng kontrata kaya gano'n.

Hindi na dapat ako nagtatanong kung pogi ba siya. Base sa mga balitang naririnig ko, pangit naman daw ang mga lalaki sa Eastville. Mga gangster, jejemon, hypebeast, etc. Hindi na dapat ako mag-expect.

303.

Nasa dulo ang pinto at kinatok ito ng aking kamay. It clearly said "male tenant" sa flyer. Pero kailangan ko na talaga nang malilipatan. Breach of contract ang kakaharapin niya kapag hindi niya ko pinapasok dito.

Ilang segundo ang lumipas at nakarinig ako ng boses na papalapit sa pinto bago ito bumukas. Isang nakangiting lalaki ang sumalubong sa'kin. Agad naman nabawasan ang ngiti niya nang makita ako. "Uh, tawagan kita in a bit," sabi niya sa cellphone sa tainga niya. "Ano 'yun?" tanong niya sa'kin.

Itinaas ko ang flyer niyang nakuha ko sa bulletin board noong nag-enroll ako—totally ignoring na mukhang hindi siya prepared na makakita ng babae ngayon; hair sticking out in all directions, crumpled shirt, unshaven face, and he kinda looks dirty and I don't know why. Hindi pa yata naliligo. "Hi, Kiko. I'm August."

Napakunot ang noo niya. "Babae ka?!"

"Hindi ba halata?"

"Akala ko lalaki ka kaya pumirma na ko ng kontrata!" mukhang gulantang na gulantang siya sa ginawa niya na hindi muna ko nagsalita. In-adjust ko lang ang bag ko na nasa braso.

"Well, hindi mo tinanong. Nag-assume ka lang."

Napatingin naman siya sa mga saradong pinto na kasama namin sa hallway bago ako pinapasok sa loob. "Hindi pwede 'to. Alam mo naman 'yun."

"Bakit?" tanong ko sa kaniya paglapag ko ng bag ko sa gilid. "Porke't babae ako?"

"Lalaki ako eh. Baka kung anong isipin ng mga tao."

"I don't mind," sagot ko sa kaniya.

"Hindi ka ba natatakot na baka kung anong gawin ko sa'yo?"

Napatingin ako sa kaniya, ulo hanggang paa. He can use a haircut and a shave. He's tall and lean. And his round eyes are shooting daggers at me. Kakagising niya lang ba? Namumula ang mga mata niya. "Dapat ba kong matakot? Because you sound okay when we were talking in the emails."

Project: GTG (Gangster to Gentleman)Where stories live. Discover now