Beatrix's POV
"Let's break up," sabi niya.
"Ha? B-bakit?" Naguguluhan kong tanong habang nakatingin sa mga mata niya.
"Alam nating dalawa na hindi mo ako mahal, Bea. Alam nating dalawa na siya parin ang pipiliin mong makasama hanggang pagtanda." Uminit ang sulok ng mga mata ko.
"S-sorry," napayuko ako. "Kiko, s-sorry kasi hindi ko siya makalimutan, sorry kasi hindi kita kayang ipaglaban, sorry. S-sorry kasi---"
"Shh," pinatahan niya ako, "Bea, hindi mo kasalanan." Tumulo ang luha niyang kanina pa niya pinipigilang mahulog, "Hindi mo kasalanan na iniwanan ka, masarap kang magmahal, Bea. Maswerte siya at mahal mo pa siya, maswerte siya kasi inaalala mo pa siya, maswerte siya kasi nagkaroon ng isang tulad mo sa buong buhay niya. Karapat-dapat ka, Bea. Maraming nagmamahal sa 'yo. Maraming nag-aalala sa 'yo. Pero 'wag mong iisipin na nagkulang ka, sumobra ka lang, Bea. Pero karapat-dapat ka." Tumayo na siya, "pero, Bea. Tama na, maawa ka sa puso nating dalawa. Siguro hindi lang talaga tayo ang para sa isa't isa." Tumalikod siya at lumabas sa Café.
Napapikit ako, mariin. Hanggang sa tuluyan ng nahulog ang sandamakmak na luhang kanina ko pa pinipigilan.
Crush na kita, mapakla akong natawa. Pero sumuko ka kaagad. Hindi naman ako desperada na ipagpilitan na manatili ka. Peri sana, naisipan mong magbigay pa ng konting oras.
Three years ako, nakipag hiwalay siya. Nine months ago dumating ka, tinulungan mo ako. Minahal ng buo. Tinanggap kung sino talaga ako. Pero ngayon, bumitaw ka. Iniwan mo akong nag-iisa.
Tumayo ako sa upuan, inubos ang mainit na kape. Lumabas sa Café. Dumiretso sa airport. Siguro panahon na para sumunod sa mga magulang ko sa Korea.
...
9 years kung 9 months ang pinagsamahan namin, nime years ang tinaggal ko dito sa Korea. Pabalik na kami sa Pilipinas dahil nakiusap ang pinsan kong samahan siya pauwi. Ipapakilala niya raw ako sa pamilya niya. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon.
Hindi ko parin siya nakakalimutan.
Biglang pumasok sa isip ko ang imahe ng mukha niya, mga araw na magkasama kami, masaya at tuwang-tuwa. Pinilig ko ang ulo ko. Napatingin ako sa labas ng bintana ng eroplano nagbabasakaling sunduin niya ako dito, at siya ang mag-uwi sa akin sa pilipinas. Hindi 'tong madaldal kong pinsan.
"... mabait siya, mestizo, mayaman, cute, gwapos, talented, magaling sa..." Hindi ko na siya narinig pa ng isuot ko ang earphones sa tenga ko. Halos lahat ng papuring meron sa mundo ay binanggit niya na para sa asawa niya.
Gwapos rin naman, mabait. Talented rin, mestizo...
Napatigil ako, napatingin ako kay Sasha. Paano kung siya ang asawa niya? Hindi malabong hindi mangyari 'yon! Apat na taon lang ang agwat nila, pinilig ko ang ulo ko at huminga ng malalim.
Ano ngayon kung siya nga. Congratulations na lang, mabait at maganda naman si Sasha. Tsaka, buntis na si Sasha. Three weeks pregnant ang pinsan ko at hindi ko kayang saktan siya. Mahal na mahal niya ang asawa niya at alam ko 'yon base sa pananalita niya tungkol dito. Tsaka, wala rin namang nakakaalam na merong kami.
BINABASA MO ANG
Para Sana Sayo (One Shots, Poems and Letters)
RandomInspired by Vincentiments- Crush. Pagkatapos kang iwanan. Pagkatapos mong masaktan. Siya at siya pa rin, Ang pipiliin mong mahalin. ... Started: June 23, 2019 Happy birthday sa classmate ko!