Invisible Woman

4 0 0
                                    


Nakatayo akong mag-isa,
Hawak-hawak ang payong habang nakatingin sa kalsada.
Libo-libong tao ang dadaanan ka,
Pero ni isa sa kanila hindi ka kilala.

Matagal-tagal na rin mula nang kalimutan kita,
Kontento na ako at masaya.
Kaso bumalik ka,
Humihingi ng isa pang pagkakataon na mahalin ulit kita.

Paulit-ulit na,
Ilang daang beses na,
Pero tinanggap pa rin kita,
Tinanggap at minahal kita.

Pero alam mo ba?
Nakita kita,
Mali, narinig kita.
May kausap na iba.

"Pinaglalaruan ko lang siya,"
Alam ko naman, pero pinagmukha mo akong tanga.
"Ginagamit lang kita,"
Pinakamasakit na sinabi mo sa 'kin, g*go ka!

Buti naman at umamin ka,
Nagising ako sa katotohanan na,
Kahit kailan hindi mo ako makikita.
Hindi mo ako mapapansin.

Hindi nakita,
Kahit na magmukha akong papansin na tanga.
Hindi napansin,
Kahit gumulong-gulong ako sa kalsada.

Napatingin ako sa mga ulap.
Tumahan na ito sa pagiyak.
Sana ako rin,
Tumigil na ika'y mahalin.

Tumawid ako sa kalsadang 'to.
Pero munting na akong masagasaan ng kotse mo.
Buti na lang at may humila at ako'y sinalo.
Pero hindi mo na nga ako nakikita sa paningin mo.

End.

Victory dance! Trip ko lang, lols. K bye!

-Aesthiee

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para Sana Sayo (One Shots, Poems and Letters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon