Crush ng Bayan

178 0 0
                                    

Mahirap maging deadkid especially when high-school student ka na. You don't have someone to talk to because you're also the one who pushes yourself away from them.

Jason: Hoy Phil! Sali ka mamaya sa amin? Laro daw pag-uwi.

Ako si Felipe R. Santiago, Phil for short. All my life, iniwasan ko ang mga ganitong sitwasyon.

Felipe: Ay next time na lang, marami pa akong assignments na gagawin eh.

Situations that will create memories with others.

Jason: Ah, nakaka-ilang next time ka na?
Tin: Iwan na natin yan, masyadong masipag mag-aral yan eh.

Naghigpit kasi ang inay after naaksidente si itay sa kalsada pauwi galing trabaho.

Felipe: Inay labas lang po ako. Makikipaglaro lang ako kay Bon.
Inay: Tumigil ka Felipe, may Playstation ka naman jan, yan ang laruin mo!

Kaya nung pumanaw naman si inay, I'm already in that position where I'm fine staying inside my room. Yun nga lang, hindi ko natutunan makipag-kaibigan sa iba. Tinitignan ko na lang ang mga positives ng isolation ko dahil nagawa ko kasing mag-focus sa sarili ko. Natuto akong mag-drawing, mag-gitara, at mag-sulat. Kaso...

Teacher: Sino dito ang malapit kay Phil? Ano na ba nangyare sa batang 'yon?

Pangalawang beses na akong 4th year student, ilang beses na ako nag-repeat dahil panay absent ako. Kaya kapag may mga assignments at projects jan, wala akong kaalam-alam. Until...

Rowena: Ma'am pwede ko po siyang puntahan mamaya, malapit lang po ako sa kanila.

Dumating si Rowena sa buhay ko.

Rowena: Tao po, tao po!?
Lola: Sino sila?
Rowena: Hello po. Rowena po, kaklase ni Phil. Nanjan po ba siya?
Lola: Oo naman iha, halika pasok ka. Nako wag mo na tanggalin ang sapatos mo.
Rowena: Ay sige po salamat po. Lola, ito po oh.
Lola: Nag-abala ka pa, alam mo paborito yan ng apo ko. Itapat mo yan sa ilong niya, magigising yan!
Rowena: Haha, talaga po ba?
Lola: Gawin mo para makita mo haha.

| Tinapat ni Rowena ang kanyang hawak-hawak sa ilong ni Felipe at naamoy niya ang langhap-sarap. |

Felipe: Yumburger?
Rowena: Haha galing ha!
Felipe: Rowie? Bakit ka nandito?
Lola: Ah ito pala si Rowie?
Rowena: Kilala niyo po ako?
Lola: Nako lagi kang kinukwento nito. Crush ka daw ng bayan! May gusto rin sa'yo iya-
Felipe: 'La magsisimula na ang mga palabas ni Dolphy oh, hatid na po kita sa kwarto niyo.

Dahil kay Rowie, nahabol ko ang mga assignments at projects ko.

Rowena: So naka-ilan ka sa project?
Felipe: 98! Ikaw?
Rowena: 98 ka? Ang duga-duga mo talaga! Ako nga 94 lang at walang tumulong sa akin tapos ikaw nakakuha ka lang ng idea sa akin tapos mas mataas ka pa!
Felipe: Tapos na! Haha. Kung gusto mo magreklamo, duon ka sa korte!
Rowena: Nako, libre mo ako dapat niyan after ng klase!
Felipe: Haha, Jollibee ulit?
Rowena: Tinatanong pa ba yan?

At lagi ko na siyang kasama.

Felipe: Same order?
Rowena: Same order.
Felipe: Hi ate, dalawang order nga po ng Yumburger with fries.

| Habang naghahanap ang dalawa ng mauupuan. |

Rowena: Uy, sila Sandra oh. Tara maki-upo na lang tayo sa kanila.
Felipe: Sa iba na lang tayo.
Rowena: Sobrang mahiyain naman itong si boy. Tara, papakilala kita!
Felipe: Eh...
Rowena: Please?

Kwentong Jollibee: Crush ng BayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon