panaginip

2 1 0
                                    

Magandang -maganda si leanna sa kanyang suot na gown.Emerald green iyon at nabuburdahan ng mga bulaklak sa harap.Hapit iyon sa katawan subalit pagdating sa baywang ay pa-ballon iyon dahil sa petticoat .Ang kanyang buhok ay naadornohan ng mga sariwang bulaklak at jeweled pins.
Nakatunghay siya sa bintana,tinatanaw ang malawak na nasasakupan ng kanilang kastiyo.Subalit walang ngiti sa kanyang mga labi .Malungkot ang kanyang mga mata .Paano nga bang hindi?Ang bintana kung saan siya nakamasid ay yari sa bakal at rehas.
Nakakulong siya sa malaking kastilyong iyon.Hinawakan niya ang mga rehas.Malamig iyon,subalit tila mas malamig ang hanging pumapasok sa bintana.Nanunuot iyon sa kanyang kalamnan.Sa tulong ng maliwanag na sinag ng buwan ay nakita niya angnapakalaki at puting-puting kabayo sa labas .May nakasakay roong nakasuot ng coat of armor.Makintab na makintab ang suot nito .Kumikislap iyon sa sinag ng buwan.Sumikdo ang kanyang dibdib.Marahil ay ito na ang kabalyero o prinseping magliligtas sa kanya.Kumaway siya rito.
Huminto naman ang kabayo.Tumingala ang kabalyero sa kinaroroonan niya.Hindi niya makilala kung sino ito dahil natatabingan ng armor ang mukha nito.
"Take me away from here!"sigaw niya.
"As you wish,my princess!"Kahit malayo ito sa kanya ay napakalinaw sa kanyang pandinig ang sinabi nito.
Nawala ito sa paningin niya.Ilang sandali siyang kinabahan sapagkat alam niyang maraming pipigil ditong makalapit sa kanya.Subalit hindi nagtagal ay bumukas ang pinto ng nakapinid niyang silid.Iniluwa niyon ang kabaliyero.
Tumakbo siya patungo rito. ; "Thank You,thank you!" paulit -ulit na sabi niya."who are you?"
"I'm your prince, my princess."
Hinawakan nito ang armor .Inalis nito ang nakatabing sa mukha nito.Ganoon na lang ang pagkamangha niya.Ang ulo ay isang ---
Bumalikwas ng bangon si leeann.
Inis na pinatay niya ang alarm clock na nasa side table.Alas-sais na ng gabi.
Nagmamadali siyang tumayo at nagtungo sa banyong kanugnog ng kanyang silid.Habang nakatapat sa shower ay naiinis pa rin siya.Kung kailan naman papaganda na ang panaginip niya ay saka naman tumunog ang buwisit na alarm clock na iyon!
Parati niya iyong napanaginipan.Subalit noon lang umabot sa parteng nailigtas na sya ng knight na isa ring prinsepe.Dati hanggang sa pagtunghay lamang niya sa palibot ng kastilyo umaabot ang panaginip niyang iyon.Kung kailan makikita na sana niya ang mukha ng kanyang tagapagligtas ay saka naman siya nagising.Marami syang panaginip na paulit -ulit.Hindi lamang iyon.Subalit isa iyon sa pinakapaborito niya....

Salamat na tapus din....nakakapagod din ...pero enjoy naman .sana magustuhan nyo gaya ng pagkagusto ko ...thanks god bless

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

                   Sa Likod Ng Mga     @PANAGINIP@Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon