Chapter 1: Unforgotten Feelings

4 0 0
                                    


Totoo pala talagang nakakabingi ang katahimikan sabi ng munting tinig sa isip ni Luna.

Nakatanaw siya sa labas ng bintana at hinihintay ang paglabas ng buwan.

Hindi kasi siya pumasok sa trabaho ngayon kasi nahihilo siya at palaging sumasakit ang ulo nya. Ilang buwan rin nyang iniinda ang sakit. Ayaw nya kasing ipatingin ito sa doctor dahil baka gagastos na naman siya ng malaki. 'Pag nagkataon, mababawasan pa ang sweldo niya at baka magkulang ang ipapadala nya sa kanyang pamilya.

Simula no'ng nagtratrabaho na siya, humiwalay siya ng tinutuluyan sa pamilya niya para na rin makatipid sa pamasahe. Mas mabuti na rin na mas malapit ang tinutuluyan niya ngayon sa trabaho niya para na rin maiwasan niyang malate.

Unti-unting bumalot ang kadiliman at sumaya ang kanyang puso nang makita ang buwan. Hindi niya alam kung bakit sumasaya siya kapag nakikita ito.

Simula noong bata pa siya, parati niyang inaantay na lumitaw ang buwan sa langit. Parang may kakaiba rito kapag tinitigan niya ito. Natatahimik ang kalooban niya at nakakalimutan niya ang kanyang mga problema kapag nakatitig siya sa buwan. Weird kung iisipin pero ganoon talaga ang nararamdaman niya.

"Meow" biglang sambit ng kanyang pusa.

Ito lamang ang kasama niya sa apartment na tinutuluyan niya. Kapag may trabaho siya, pinapaalagaan niya muna ito sa may-ari ng apartment kasi mabait naman ito at ito pa ang siyang nag-alok sa kanya na alagaan ang pusa niya. Hindi naman nanghihingi ng kahit anong kapalit ang matanda dahil parang apo na rin ang turing nito sa kanya.

"Nagugutom ka na ba? Antayin mo lang ako diyan ibibigay ko sayo yung pagkain mo"

Hinanda niya ang pagkain ng kanyang pusa ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Sinagot naman niya ito agad.

"Hello? Bakit napatawag ka?"

Ito agad ang bungad nya sa tumatawag.

"Luna? Bakit wala ka ngayon sa trabaho? Wala tuloy akong nakakausap."

Rinig niya ang tampo sa boses nito at tumawa nalang siya sa pagtatampo ng kanyang kaibigan na si Raine.

"Sumakit kasi yung ulo ko at saka wala akong ganang pumasok ngayon."

"Ah, kaya pala. Okay ka na ba? Nagpatingin ka na ba sa doctor?"

Halata ang pag-aalala sa boses nito kasi maraming beses na kasi itong nakasaksi sa mga pagkahilo niya at muntikan pa siyang nahimatay noon. Pinilit pa siya nitong pumunta sa ospital pero hindi siya nagpadala kasi naagapan lang din naman ng gamot.

"Ano ka ba? Syempre okay lang ako atsaka alam mo naman diba na ayaw kong magpatingin sa doctor? 'Wag kang mag-alala papasok naman ako sa trabaho bukas."

"Eh, yun na nga eh. Sabi ko naman sayo ako nalang ang gagastos sa pagpapatingin mo ayaw mo namang pumayag. Oh siya, magpagaling ka at pangako mo yan na papasok ka bukas ha?"

Napangiti naman siya sa sinabi ng kaibigan. Matagal na niyang kaibigan si Raine. Mula highschool, ito ang nakakasama niya kasi hindi naman talaga siya gaanong nakikipagsalamuha sa mga kaklase niya noon. Si Raine lang talaga ang nakitaan niya ng pagiging totoong kaibigan. Hindi naman sa mapanghusga siya pero mabuti na rin yung hindi siya na-aatach ng masyado sa iba. Ika nga keep your circle small.

"Oo na, oo na. Baka sermunan mo pa ako ng pagkahaba-haba" tumawa naman siya ng mahina habang sinabi niya ito sa kanyang kaibigan. Ibababa na sana niya ang tawag ng may sinabi ito bigla.

"Ay, Luna! Wait lang. May sasabihin pala ako sayo."

Bigla naman siyang nakaramdam ng kaba sa kung ano ang sasabihin ng kanyang kaibigan.

"Ano yun?"

"Promise mo muna sa akin na hindi ka magdradrama diyan 'pag sinabi ko sayo?"

Bigla namang lumakas yung kaba nya.

"Ano nga? Pinapakaba mo naman ako eh."

"Kasi... si Dom, nakita ko kanina. Nagkamustahan kami at biglang tinanong kung alam ko ba daw kung saan ka nagtratrabaho at nakatira ngayon. Syempre hindi ko sinabi sa kanya. Sinabi ko nalang na hindi ko alam."

Bigla siyang natameme sa ibinalita ng kaibigan. Bakit ngayon lang ito naghanap sa kanya? Bakit ngayon lang na nakalimot na siya, bigla nalang itong magpapakita?

"Luna?" sambit ni Raine sa kabilang linya.

"'Wag kang mag-alala Raine. Wala akong balak na magpakita sa kanya at wala na rin akong balak na mahalin pa siya ulit. Salamat pala sa ibinalita mo. At least, aware ako na naghahanap siya sakin at makatago man lang ako kahit papaano."

Bumuntong hininga naman ang kanyang kaibigan.

"Oh siya, sige ha. 'Wag na 'wag kang umiyak diyan. Bye. Pagaling ka"

"Huwag kang mag-alala, hinding hindi na ako iiyak para sa lalaking 'yun. Bye."

Pagkasabi niyang iyon sa kanyang kaibigan, kabaligtaran naman sa sinabi nya ang pag akto ng mga luha nya. Paano naman nya mapipigilan ang kanyang mga luha kung ang lalaking minsang naging parte ng kanyang buhay ay dinala ang kanyang puso kasabay ng paglisan nito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moon ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon