FIVE

13 2 0
                                    

FIVE

****

Hindi ako mapakali katitingin ng relo ko. Shit! Late na ako. Sa lahat ng araw bakit ngayon pa nagkaroon ng multiple vehicular accident. Iyan tuloy, naipit ako sa traffic. Buti na lang naihatid ko na si Drake sa paaralan bago ako maipit sa traffic na ito. Mahirap talaga kapag walang sariling sasakyan dito sa siyudad. Wala pa akong isang buwan sa MERL tapos mal-late pa ako. I hope this wouldn't taint my record.

15 more minutes until I reached MERL. Dali-dali akong nagswipe ng ID at tarantang nagtatatakbo makarating lang sa office. There is a report na dapat naming ipresenta sa mga higher ups kung kaya espesyal talaga ang araw na ito sa department namin. But then, I calculated the risk to reduce the missing minutes of me getting on the office. Damn! If I take the left wing, that's another 15 minutes and if I go to right, plus the additional stairs, It would be more or less 20 minutes. Geez! I cant waste more time here. So I only have one resolve. The elevator from the lobby.

But, its too risky. If Dr. Diaz saw me and realize that I just came in, I would be dead. Isa pa, never pa akong nakakita ng empleyadong gumamit niyon. Madalas kong makitang gumagamit noon ay sila Dr. Diaz at ang mga kasama niya lamang sa departamento nila. Baka masesante ako pero kailangang kailangan na. I bit my thumb to do some rational decision-making.

Nope. The elevator could get me in the office in less than five minutes so I'll take it. Para akong ninja na mabilis na naglakad at nagtatago sa mga makakasalubong kong nakalaboratory gown. I am very perceptive to my environment. Daig ko pa ang magnanakaw na pinipilit makalabas sa building ng hindi nahuhuli.

I reached the elevator and abruptly entered without anyone looking. Immediately, I pinned the number 5, signaling the floor level I intended to be. Nakahinga na ako ng maluwag ng sumara ang elevator at naramdaman kong tumataas na ang lever. Subalit wala pang isang minuto ng huminto ang elevator sa 2nd floor. Napakunot ang noo ko sapagkat sigurado akong 5 ang pinindot ko. Bumukas ang elevator at lumuwa ang mata ko nang matagpuan ang pinakapinagtataguan kong tao sa buong buhay ko.

Shit. bulong ko

Bigla akong napayuko sa hindi malamang kadahilanan. Lumakas ang tahip ng dibdib ko. In-steady ko ang mga mata ko sa sapatos ko sapagkat hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Sampung segundo na subalit nakatayo pa rin sa labas ng elevator si Damien kung kayat buong tapang kong hinarap ang mga titig niya. Isang malaking pagkakamali ang pagsulyap ko sa kanya sapagkat napako ang aking mga mata sa mga payak subalit nakakatakot na matang sumalubong sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Switch of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon