Magiging kami na
"Amulet! Bilisan mo na! Mag a-alas kwatro na!" Sigaw ni mama.
Magsisimba ako ngayong araw at malelate na ako. Nakatulog kasi ako. Nagbihis agad ako pagkatapos kong maligo.
"Punta na ko ma!"sigaw ko bilang paalam kay mama. Baka nasa bakuran pa siya at nagsasampay.
Haysss red days. Pinaka hate kong araw. Like, ngayon pa talaga? Charing.
Pumara ako ng tricycle at agad na sumakay upang makarating agad sa simbahan. At tama ang hinala ko, late nga ako. Nagsisimula na ang simba. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating agad. Nakahanap agad ako ng upuan at agad na umupo.
Nagbabasa na ang isa sa mga lectors. At sa palagay ko'y patapos na siya. Nakinig lang ako hanggang sa magsalita na ang pari.
Maya-maya'y oras na para mag communion. Tumayo ako agad upang pumila. Nabigla ako ng biglang may maliit na taong yumakap saakin mula sa likod.
"Hi ate Amulet," bati sakin ng kapatid ko, ay este kapatid ni Aer, yung crush ko.
"Hello Aeiou. Sinong kasama mo? Mag isa ka lang ba?" tanong ko habang nakayakap parin siya sakin. Nagtataka ako kung bakit nakayakap parin siya sa akin.
"Si kuya po." sagot niya.
"Asan naman siya?"
"Nasa likod po." Kaya napatingin naman ako sa aking likod. Shit. Nasa likod ko pang pala tapos ang tangkad tangkad niya pero di ko siya napansin.
"H-hi Aer." nahihiya kong bati sa kanya.
Pinisil niya ang pisngi ko at ngumiti.
Aaaah! Ba't ba kasi ang gwapo mo!?
Sigaw ng malandi kong isip. Well, totoo naman.
Pagkatapos ay bumalik agad ako sa aking inuupuan at lumuhod at nagtataka parin ako kung bakit nakayakap parin sa akin si Aeiou.
"Aeiou pwede ka nang umalis, uupo na ako." saad ko.
Umupo naman siya agad sa tabi ko. Nabigla ako nang biglang may tumabi sakin. Hindi ko inaasahan na siya ang uupo. Sumunod pala siya.
Sheeet na malagket si crush napakalapet.
"A- Aero."
Bigla siyang lumingon saakin at ngumiti. Kita lahat ng mapuputi niyang ngipin. Labas din ang kaniyang dalawang dimple sa pinge.
Sheeet talaga ang kyot.
"Tara na?" Aya niya. Tapos na pala ang misa. Hindi ko napansin. Mas pinagtutuunan kase ang paglalandi.
Binigay niya sakin ang suot niyang jacket.
"Ahm ba't mo sinuot sakin yung jacket mo?" Nagtataka kong tanong.
Bigla naman siyang namula sa sagot ko. Ang kyot kyot neto.
"A-ah kase uhm. Ahm meron kang a-ano," tila nahihiya pa siyang sabihin sakin.
"Wuy ano? Wag kang mahiya!" Ang cute niya kapag nahihiya hehe.
"M-may tagos ka," saad niya at di makatingin saakin.
Naramdaman kong biglang nag init ang mukha ko. Kaya pala kanina pa siya sa likod ko na parang may binabantayan.
"H-hatid na kita sainyo," aya niya at hinatid nga nila ako sa bahay.
Pagkarating namin ay nagmano ako kay mama. Pinapasok ko muna silang magkapatid para mag meryenda. Pasasalamat na lamang sa kanilang ginawa.
"Sino ba to Amulet? Boypren mo?" Tanong ni mama na nagpabigla sakin. Hindi agad ako nakasagot.
Yes ma sa panaginip ko.
"Hindi po tita." Sagot ni Aero.
Ouch besh ang sheket.
"Soon po." Dugtong niya na sanhi upang mamula ang aking mukha. Shems nahihiya pa rin talaga ako.
"May balak ka bang manligaw sa anak ko?" Tanong ni mama.
"Wuy ma!" Namula ako ng husto. Nararamdaman kong umangat lahat ng dugo ko sa mukha ko.
"Opo sana tita. Kung papayagan niyo po ako."
Owsheyt! Iz diz real? Real na real? Nesfruta?
"Ay aba! Syempre naman!" Mama naman! Alabyu na talaga!
Pagkatapos nilang magmeryenda ay nagpaalam agad si Aero dahil baka gabihin sila.
"So? Sibat na kami Am. Bye." Paalam niya.
"Sige bye." Nahihiya kong sagot.
"Ah balik ko nalang tong j-jacket mo pag nalabhan ko na." Habol ko.
"Sayo na yan," sabi niya sabay kindat.
Pag alis nila ay hindi ako makatigil sa katitili.
Oww shet talaga! Kala ko sa panaginip ko lang to mararanasan!
"Amulet! Amulet! Amulet!" Sunod sunod na tawag sakin at nararamdaman kong may yumuyugyog sa akin.
Bigla akong napabangon.
"Bat ka sigaw ng sigaw? Binabangungot ka ba!?" Tanong ni mama na nagpabigla sakin.
WATDAHEK! PANAGINIP LANG ANG LAHAT NG IYON!?
Hayssst! Sa panaginip ko lang pala talaga mararanasan yon.
Panira si mama! Magiging kami na sana.
----------------------------------------------
Antagal kong di nakapag ud hehe sori
Tinatamad ehh

BINABASA MO ANG
Unexpected--
Short StoryDifferent stories with unexpected happenings. THESE ARE SHORT STORIES -one shot-