Story 3- A Dream Come True?

14 2 0
                                    

A Dream Come True?

"Kristine! Lika na magbe-bell na! Mamaya na yang pagbabasa mo!" sigaw ng kaibigan kong si Nizza.

Eto na nga eh! Panira to. Wait ka lang Harry baby babalikan kita mamaya.

Agad kaming pumunta sa last subject namin. Pagdating namin ay wala pa si ma'am.

"Ba't wala pa si ma'am? 3:10 na, late na siya ng ten minutes. At bakit ang konti lang ng nandito?" Tanong ko sa katabi kong si Angelene.

"Wala daw si ma'am. Masakit daw yung ano. Ano nga tawag dun?," sagot niya na nagpangiti saakin.

Oyes! Harry my baby I'm back!

"Kristine, tara sa canteen tayo tumambay," aya ni Nizza.

Pumunta kami sa canteen at doon tumambay. Kinuha ko agad ang paborito kong libro sa aking bag at agad itong sinimulang basahin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako nang maramdaman kong may marahang yumuyugyog sakin. "Miss. Miss gising." Ani ng isang baritonong boses. Bigla akong napaahon. Isang lalaking naka eyeglass at magulo ang buhok ang aking naaninag. Owshems! Si Harry my crush, Harry Vhince Gamba.

"It's past 5 p.m already. Ikaw nalang naiiwan dito sa canteen," ani nito. Napatingin ako sa paligid at nakitang wala nang tao sa ibang mesa.

"Ako? Nandiyan ka pa naman," nanunuya kong sagot. Sayang! Magkikiss na sana kami ni Harry sa panaginip ko. Pero okay na rin yon, may gwapong nilalang naman sa harap ko ngayon.

"Buti pala iniwan ko na to," pabulong nito.

"Okay. Thank you for waking me up. Bye," paalam ko kaagad. Pagdating ko sa gate ay binati ko si kalbong manong guard.

Wala na masyadong tao sa school. "Asan na kaya ang babaeng yung. Iniwan ba naman ako?" Tinutukoy ang kaibigang si Nizza. Patay ka sa'kin bukas.

Dumidilim na kaya binilisan ko ang paglalakad at may naririnig din akong mga yapak na parang sumusunod sakin kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad. So sabrang bilis at pagkakataranta ay bigla ako natumba. Bigla akong kinabahan.

Dumoble ang kaba sa aking dibdib nang may makita akong anino ng tao na nanggagaling sa aking likod. Bigla akong napalingon at nakitang si Harry pala ito.

Lumuhod ito sa aking harapan at may kinuha sa kanyang bulsa. "Bat  ba kasi binilisan mo paglalakad mo?"  Hinawakan nito ang paa ko at tinignan kung may sugat ako sa tuhod. At meron nga. May kinuha siya sa kanyang bag, first aid kit.

Tss. Ang arte naman neto. Ang liit liit na sugat. Kumuha siya ng bulak at nilagyan ito ng alcohol.

Nooo! Aahhh!!

Huli na upang mapigilan ko siya, bigla niya itong nilapat sa aking sugat. Kasabay nito ay naramdaman ko ang hapdi at ang luhang tumulo. "Huwag mong biglain," naiinis kong turan.

Ginawa nga niya ang sinabi ko at hinihipan rin ito. Pagkatapos niyang linisan ang sugat ay nilagyan niya ito ng band aid.

Agad-agad naman akong tumayo. "Ah ah." Mahapdi pa rin shems. Sinubukan kong humakbang ngunit mahapdi talaga ang sugat ko.

"Masyadong mahapdi ba? Kaya mo bang maglakad?" Tanong ni Harry sakin.

"Kung hindi ihahatid mo ba ako?" Nanunuya kong tanong.

"Oo, malapit lang naman bahay niyo," sagot niyang nakapagpabigla sakin.

Bigla itong pumunta sa harap ko at bahagyang umuklo. "Piggy back kita. Lika na. Broom?" Pabiro nitong ani. Owemji dis ia ameysing pero di naman kami close ah? Waw, grabe naman pala.

I went to his back and I hung my arms on his shoulder. Nang maayos na ang akong position sa kanyang likod ay nagsimula na siyang maglakad.

How I wish na palagi ko tong magagawa. Ang bilis ng oras, nasa harap na kami agad ng bahay. Bigla akong bumaba. Lumingon ako sa kanya upang magpasalamat nang marinig ko ang boses ng isang rapper.

"Kristine ba't ka ginab--. Oh sino itong binatang ito?" Baling niya kay Harry.

Nagpakilala si Harry sa kanya. At gaya ng aking naisip, ininterview nga siya ni mama.

"Ma uuwi pa po siya, madilim na." Pigil ko kay mama.

"Sige na madilim na. Salamat," ani ko sabay ngiti sa kanya.

Ginantihan niya ako ng ngiti at biglang kumindat. "See you again."

Uuuuuuuuwshhhhhhhhit. Wag kang ganiyan baka mahimatay ako sa kilig.

Sinigurado ko munang umalis na siya bago ako pumasok.

"Jowa mo?" Bigla akong napatalon sa gulat sa biglaang tanong ni mama. Hay naku, sabi na nga ba.

"Tinulungan lang ako. Nasugatan kasi ako." Sagot ko at dali-daling pumasok sa bahay.

Haaay. Pangarap ko lang yun dati.

Aaaaaahh! Magpapadapa ulit ako sa harap niya sa susunod hihi.

Sa sobrang excitement ay napapapadyak ako at  bigla kong naramdaman ang hapdi ng aking sugat. "Charot lang pala masakit masugatan."

________________________

Sinipag po ako. Hihi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon