Sabay ng pag patak ng aking luha ang siyang pag buhos ng malakas na ulan na tila ba nakiki simpatya sa akin ang panahon sa nararamdan ko. Walong taon na ang lumipas nung naramdaman ko ang unang kirot ng aking puso. Ang unang hapdi at ang unang sakit na maiwanan ng taong minsan mong minahal. Sa araw nato, naranasan ko uli yung sakit na yun. Yung sakit na di mu ma kayang ipaliwanag. Puso moy tila iniipit na di ka makahinga. Tumakbo ako papalayo, tumakbo ako papunta sa mga kaibigan ko. At dun binuhos ko lahat.
Ako: Mahal ko pa talaga siya.
Mag dadalawang taon na nung nag hiwalay kami. Aminado akong kasalanan ko. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na mag bago. Ang sakit pala pag nakita mu na siyang masaya sa piling ng iba na heto ka nasasaktan ng palihim.
Year 2010 January
Sa isang computer shop. Habang nag aadd ako ng friends sa Facebook may nakita akong isang lalaki na ka mutual friend ng nanliligaw sakin. Sa isip isip ko. "Wowwww, ang gwapo niya. Crush ko na siya." Pag ka click ko ng Profile niya. Bigla akong na dismaya. Taga Manila siya, taga Cebu ako.
Peroooo chinat ko pa din siya. Diba anlakas ng loob ko?
Facebook:
AKO: Hi po. Kamusta po?
SIYA: Hello po. Okay naman po ako. Ikaw po?
AKO: Okay lang naman din po ako. Taga saan ka po pala?
SIYA: Taga Manila, ikaw?
"Nakakalungkot, yung taong crush ko nasa malayo. May pag asa kayang magiging kami? Wala siguro. Pero bahala na. Kakaibiganin ko pa rin siya." Ito ang mga katagang lumulutang sa isipan ko..... Hiningi ko sa kanya ung number niya para mas makapag usap kami kahit hindi man sa facebook at least sa text nag kakausap kami. Umuwi ako ng may ngiti at agad ko siyang tinext.
AKO: Hi po Enzo. Si Mikka po pala ito. Yung naka chat mo kanina.
Nag text ako sa kanya kaso hindi naman siya nag reply sakin. Di ako makapag tiis. Tinawagan ko siya. Nag usap kami sabi niya wala daw po siya load. Ayunn..
Patuloy ang aming pag uusap sa kabila ng aming sitwasyon. Yung totoo gusto ko na siya kaso hindi pwede. Paano ba mag wowork ung isang relasyon kung malayo kami sa isa't-isa na walang siguraduhan na makakapunta ako sa lugar niya.
Sa mga nag daang araw, oras, minuto at sigundo. Unti-unti akong nahuhulog sa kanya. Minsan sinabi niya sakin, "Naniniwala ka sakin? Eh sa facebook lang naman tayo nag uusap?" Medyo masakit ah.
Napaisip ako, baka pinag tririppan lang siguro ako ng taong to. Baka hindi talaga to siya. Baka nanloloko lang talaga siya.
Pag lipas ng ilang buwan. Pumunta ako ng Bohol upang makapag bakasyon dun. Matagal-tagal din na hindi kami nakakapag usap. Bukod sa hindi siya nag loload hindi na rin ako nakakapag open ng facebook.
Isang gabi. March 9, 2010 12:27
Tumunog ang aking cellphone.
May nag txt.
Nagulat ako number lang. Binasa ko at sa hindi inaasahan....
Kinilig ako ng sobra. Si Enzo nag text sakin. Nakitext siya para kamustahin ako. Gamit niya pa cellphone ng Kuya niya. Sobrang kinilig ako. Dapat kasi matutulog na ako nun eh. Bigla kasi siyang nag text. Nag reply naman ako sa kanya. Ilang minuto din ako naghintay sa reply niya kaso hindi naman siya nag reply. Natulog na lang ako. At....
Kinabukasan nag text nanaman siya kaso pag GM naman. Nag reply ako kaso hindi nanaman siya nag reply. Seket nemen. Tila ako tanga naghihintay sa wala.
BINABASA MO ANG
May Pag-Asa pa Kaya....
SonstigesSabay ng pag patak ng aking luha ang siyang pag buhos ng malakas na ulan na tila ba nakiki simpatya sa akin ang panahon sa nararamdan ko. Walong taon na ang lumipas nung naramdaman ko ang unang kirot ng aking puso. Ang unang hapdi at ang unang sakit...