Part 2

10 1 0
                                    

Tapos na ang klase ko ngayong umaga at meron pa kaming tatlong subjects mamaya. Ayokong magaya kahapon na bangag. Pagkatapos sabihin ni Eva yung balita niya kahapon buong araw akong bangag sa klase. Buti nalang nag advance reading ako sa lahat ng subjects kahapon kaya naman nakasabay parin ako sa klase. Haaaay. Magfofocus na ako ulit mamaya ilang buwan nalang magtatapos na kami. Di pwedeng bangag nanaman ako. Di ako papayag na pumasok ka nanaman sa isip ko R—hay never mention the name again self. Block the name. Ok. Locked.

"Huy bibi! Ano nangyare sayo kahapon?" hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa pwesto ko. "Bangag ka kahapon. Kung hindi ko pa sinipa silya mo kahapon e baka nilamon ka na ng dreamland. Masyado mong inenjoy daydream mo kahapon a. Infairness!" sarcastic na pangaral niya sakin.

"Bumalik ka na nga sa likod Eva! Gusto ko munang makapagpahinga" sabay ub-ob ko sa desk ko.

"Bibi. Hindi ka ba nakatulog kagabi? Mukhang puyat na puyat ka at pati umaga e nananaginip ka pa" mukhang hindi talaga ako titigilan ni Eva a. Hays. Kahit kelan talaga 'tong babaeng 'to napaka chismosa.

"Eva pwede tig--"

"Hello?" whoo. Thank God may tumawag sa phone ni Eva at hindi na niya ako maiistorbo. Umub-ob na ako ulit. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng...

"Oh, hi Ziah! Where are you now?" I stiffened as I heard her name again.

"Okay okay. Vacant namin ngayon. Yes yes. Malapit ka lang? Sige puntahan nalang kita jan. Okay okay bye sis see yah!" lumingon sakin si Eva "Ziah is here na bibi! Lika samahan mo akong sunduin siya" hinawakan niya kamay ko pero tumanggi ako "Ayoko Eva, ikaw nalang. Sobrang inaantok na talaga ako" at nagkunwaring antok na antok talaga ako. I am not yet ready to face her. I don't know kung anong maiisip sakin ngayon ni Rain.

"Ano banaman yan bibi. Sige na nga. Jan ka na. Puntahan ko lang saglit si Ziah. Ciao bibigurl" sabay kiss sa pisngi ko.

Pag alis ni Eva, I decided to go here in my fave spot in school. Yung rooftop dito sa may library. Dito tahimik at mahangin, tsaka solo ko pa yung buong rooftop walang mang-iistorbo sakin.

As I look at the peaceful sky I can't help but reminisce in the past..

Nung mga bata pa kami nina Eva, hilig na niyang humalik sa pisngi ko kapag aalis siya o magmeet kami. 7 years old palang kami ng maging mag bestfriends kami. Malapit lang ang bahay nila sa amin at matalik na magkakaibigan ang mga magulang namin.

Honestly loner ako nung bata, mas gusto kong magsolo at tumambay lang sa library namin sa bahay kasama ang Grammy ko (lola ko) siya ang nagsabi sakin na mas marami akong matututunan sa mga libro at tsaka by reading I could go to different dimensions by just using my imagination.

Pero di sang-ayon si Grappy (lolo ko) dun. He said na I could still learn by going out and by playing with other people. Iba pa rin daw pag may interaction sa iba and pag may friends. Sa kanya din ako natutong maging athlete, he trained me to have a strong stamina and a stronger body. He said that I still need to feed something in my body not just in my brain.

At dun ko nakilala si Eva, bata palang mahilig ng maglaro si Eva ng volleyball dun ako nagstart na i-entertain siya kasi dati hindi ko talaga siya pinapansin. HAHAHA. But she's consistent of befriending me. She never complains every time I decline her offer to play outside and enjoy. Si Eva yung tipong kaibigan na malambing pero matapang. Siya palagi ang nagtatanggol sa akin sa mga nambubully noon. Madalas kasi akong mabully ng bata dahil nga tahimik ako, loner, nerdy look pero siya yung naging protector ko.

And then she met Rain when we were 10 years old. Nagpunta yung family ni Rain sa kanila to propose something in connection sa business nila. Ang business nina Eva ay ang pag import export ng mga appliances sa bahay at sa mga hotel. Ang business naman nina Rain ay mga 5 star hotels.

Pinakilala ni Eva sakin si Rain. At first, I was so envious because she is a living angel, for me her face is just so perfect and ganun din ang ugali niya. She is sweet and clingy. Meron pa ngang mga oras na nagselos din ako kasi close na close sila ni Eva akala ko kukuhanin niya sakin ang nag-iisang kaibigan ko. Pero habang tumatagal nasanay na din ako sa presence niya pero hindi parin ako sanay na clingy siya sakin. She used to call me babysky back then because she said that I look like a baby. Every time she's near me mejjo naiilang parin ako. Nasanay kasi akong si Eva lang ang nakakalapit sakin aside from my family. Tsaka malambing si Eva pero hindi siya kasing clingy ni Rain. Eva is vocal like calling me bibi and taking care of me. She's like an older sister kahit na magkasing age lang kami. She is the protective type of friend.

While Rain is the sweet one. She is very clingy to the point na kulang nalang magpalit kami ng mukha sa sobrang dikit niya. She always holds my hand anywhere. Pag kakain hindi siya papayag na hindi namin siya subuan ni Eva. Sa una nakakainis talaga kasi ayokong may grabeng dikit ng dikit sakin. Pero inintindi ko nalang kasi naisip ko wala siyang kapatid. Solong anak lang si Rain kaya prinsesang prinsesa siya kung ituring ng mga magulang niya. Pero kahit ganun, Rain is a humble and a very kind person. Parang talagang siyang anghel para sakin.



--

Hi osum people! :D sana nagustuhan niyoooo. Keep on reading and enjoy. :* leave your comments if you have suggestions, opinions and even criticisms about this part. :) thank you and God bless! Stay osuum people. :*

My Rain (ON-GOING) GXGWhere stories live. Discover now