Part 12

12 1 0
                                    

Ziah/Rain's P.O.V

I saw how Eva touched my Baby's face, I saw how she kissed Sky's forehead and I also heard everything she said. Why Eva? Why are you so protective of Sky that you are willing to do everything for her? Why do i feel that you are not in favor of me to be Sky's girl? And why are you so afraid that you might lose her? The heck. You are giving me lots of questions Eva. I don't know if you are really a threat or a supporter. I don't know.

I value our friendship so much. At ayoko ding masira yun dahil lang mahal namin ni Sky ang isa't isa. Ayokong maging rival mo Eva. No. I hope mali nga 'tong mga naiisip ko sayo. I hope mali ang tingin kong kakalabanin mo ako. I hope mali ako Eva.

"Eva? Gising ka na pala" pumasok na ako sa kwarto niya at hindi nagpahalatang kanina pa ako nasa labas, nakikinig sa kanya. Lumapit ako kay Sky at hinakawan ang kamay niya.

Lumayo si Eva at humarap sa salamin para magsuklay. "Y-yeah. Mejjo kagigising ko lang din Z. Saan ka nga pala galing? Akala ko umuwi ka na e"

"Maaga akong nagising. I cooked breakfast for us. Nasa baba, gigisingin ko na sana kayo pero mukhang si Baby ko nalang ang gigisingin ko" dahil kanina ka pa pala gising at masyado mo nading na-enjoy ang pagtitig at paghalik sa kanya. -_- pinunasan ko ang buong mukha ni Sky. Ayokong may ibang kissmarks ang manatili sa mukha niya. Akin lang. Akin lang dapat. Ginising ko na si Sky by kissing her whole face. Ganito na ako sa kanya noon pa man. This is how we wake up each other.

"Baby, baby ko gising na. Masyado mo na akong napapanaginipan sa dreamland. Come on, dito ka na sakin. Gising na love" gusto kong makita ang reaksyon ni Eva. Nakatayo parin siya at nag-aayos sa harapan ng salamin. Minsan napapatingin siya sa gawi namin ni Sky. Sinadya kong magpakasweet para makita ang reaksyon niya.

"Babylove ko wakey uppey. Time to create another memories love. C'mon" i kissed my baby again. Pasimple kong sinusulyapan si Eva, hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya, pero sure akong hindi na siya natutuwa.

Maya maya nagising na si Baby ko. Ang ganda naman ng smile ng baby ko na 'to. :"> nakakakilig naman. I welcomed her embrace. Gawwwd natanggal lahat ng worries ko dahil sa simpleng hug sa akin ng mahal ko.

Habang yakap namin ni Sky ang isa't isa, i looked at Eva's direction. Pumunta na siya sa cr. Hindi na siguro kinaya ang selos. HAHAHAHA. Sorry Eva, Sky is mine. HAHAHAHA ano banaman ako, talagang pinanindigan na karibal ko si Eva. Hmmm pero hindi malabo yun. Hindi talaga.

"Good morning babylove" i kissed her forehead and smiled at her.

"Yaah! Good morning baby. Kanina ka pa ba gising? Nasaan si Ev?" ayun nagmumukmok sa cr dahil sa sobrang selos. HAHAHAH. So mean self. So mean.

"Kanina pa ako gising baby. Nagluto narin ako ng breakfast. Lika na. Stand up baby" tinulungan ko siyang makatayo. "Wait, nasaan si Eva? Nasa baba na ba?" sabi ni Sky.

"Nope. Nasa cr. Maybe naghihilamos or what" lumapit si Sky sa cr at kinatok si Eva. Hayy

"Bibi? Tapos ka na ba? Naiihi na kasi ako e" umupo muna ako sa may gilid ng kama. Inayos ko narin ang comforter na ginamit namin. Napansin kong binuksan na ni Eva ang pinto.

"Good morning Bibi!" Eva hugged and kissed MY BABY....again -_-

"Good morning. Iihi lang ako. Baba na kayo, wait niyo ako sa baba. Okay?" pumasok na si Sky sa cr.

"Lika na Ziah. Antayin nalang natin sa baba si Bibi. Tara" hindi ko alam kung sasama ba ako sa kanya or antayin ko nalang baby ko. Pero sige na nga. Baka isipin neto iniiwasan ko siya. "Tara :]" yaya ko sa kanya. Sobrang tahimik namin habang bumababa. This is awkward. Di naman kami ganito katahimik ni Eva pag kaming dalawa lang. Masyado ko na atang sineryoso ang mga pinag-iiisip ko kay Eva.

My Rain (ON-GOING) GXGWhere stories live. Discover now