02

720 19 0
                                        

TZUYU

"So, bakit mo nga ako pinapunta dito?" Tanong ko kay Sana habang siya ay kumakain ng cookies. Umiling siya sa akin, ang ganda talaga kausap nito.

Kumuha nalang din ako ng cookies at kumain, maya-maya ay tumingin siya sa akin kaya napatingin rin ako sa kanya "what?" Takang tanong ko. Ngumiti lang siya at tumayo papuntang kusina, ang weird niya ngayon. Nang makabalik siya ay sinabi niya sa akin na maglalaro na daw kami. She's older than me pero kung umasta siya parang mas bata sakin.

"Chewyyy, Truth or Dare?" Tanong niya na may kasamang malawak na ngiti.

"Truth." Bahagya naman siyang nalungkot dahil sa sinagot ko pero maya-maya lang rin ay bumalik narin ang ngiti niya.

"Do you have a crush?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya, crush talaga? Wala naman akong crush except from my childhood friend. Pero hindi ko na alam kung asan siya. Umiling ako bago sumagot, "wala." Para namang nabuhayan ng dugo si Sana dahil sa sinabi ko. So what now? Ano bang nangyayari sa kanya?

"Tanungin mo na ako Tzu" tumango-tango ako bago magtanong.

"Sana, Truth or Dare?"

"Hmm..." Kailangan pa bang pag-isipang mabuti ang isasagot? "Dare!" Ano kayang magandang ipagawa sa kanya. Aha!

"Tell Dahyun that you love her!" Nagulat naman siya dahil sa sinabi ko. "W-what?!" Why? Hindi ba't gusto naman niya si Dahyun? Kaya ba't naman ganyan ang magiging reaksyon niya?

"Yoda, ibahin mo nalang pleaseee."

"Pero bakit? I thought you like dubu?" Umiling siya, "hindi na." For 3 years, sasabihin niya saking hindi na? Akala ko pa naman sila na dahil this past few days, they're sweet to each other. Tas ngayon, ito?

"Paanong?" She placed her pointing finger on my lips to shut me. "Basta hihi." Hindi ko na muli siyang tinanong, nagpaalam muna siya saglit dahil may kukunin daw siya sa kwarto niya.

"Truth or Dare, Tzu?" Tanong niya sa akin nang makabalik siya. "Dare." She smirked and i saw that. Kaya naman naguluhan ako dahil aa ngisi niya, anong iniisip ng ahas na to?

"Kyaaaaaaaah!" Nagulat ako nang bigla siyang magsisigaw, tf? "Yah! Minatozaki Sana" tumigil siya at tumingin sakin.

"Dare right?" Tanong niya uli pero ngayon may kasama nang nakakalokong ngisi. Shit! Anong nangyayari sa kanya? Sinasapian ba siya? Oh no, i think i'm gonna call Jihyo about this.

"Yes."

Lumapit siya sa akin at bumulong, "I dare you to---" ayun lang at iniwan niya akong tulala sa sala.

W-what?!

the dare ↠ satzu.Where stories live. Discover now