04

597 22 3
                                    

TZUYU

"Anong kailangan mo Tzu at napadaan ka dito sa bahay?" Tanong sa akin ni Mina.

"Eh kasi naman si Sana!" Inis kong sabi habang pinapalo yung unan. Sorry pillow,napagbuntungan pa kita ng inis. "Yah! That's my pillow Tzu!" Hinablot niya sakin yung unan at pinalo sa ulo ko.

Nagalit siya dahil pinapalo ko pero pinalo niya rin sa ulo ko hayts.

"Ano nga palang problema kay Sana? Don't tell me nang-aahas nanaman siya ha, dahil hindi kita matutulungan tungkol dun." Ahas? Hindi naman eh, ang weird niya lang sakin yun lang!

"Kasi naman! NagTruth or Dare kami sa bahay nila tapos nag Dare ako..." Bigla naman niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya. "May pinagawa siya sayong hindi kaaya-aya?! Nakuha niya naba ang pagkaVirgin mo?! No please! BATA KAPA TZU!" The fvck? A-anong kinuha?!

Mabilis kong tinabig yung kamay niya sa mga balikat ko, "Hindi yun ang ibig kong sabihin Menguin! Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano, you're being paranoid." Inirapan niya lang ako. "Eh ano ba kasi?"

"NagDare ako, syempre kailangang may ipagawa siya sa akin diba?" Tumango-tango nalang siya. "Ugh! Nakakainis talaga!" Binatukan niya naman ako bigla.

"What?! Ba't kaba nangbabatok Mina? Baka mabobo ako dahil sayo ei" inis na sabi ko at hinimas-himas ang ulo ko. Pag ako hindi nakapagtimpi baka masampolan ko toh.

"Ituloy mo na kasi sasabihin mo, marami pa kong gagawin." Sabi niya sabay irap

"Oo na. Ito na. So ayun nga nagDare ak-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa pagsingit niya.

"Anong DINARE niya sayo?" Naiinip na tanong niya, konti lang talaga pasensya nitong penguin na toh.

"SHE DARE ME TO LOVE HER!" Nagulat naman siya hindi dahil sa pagsigaw ko. Hindi ko alam kung sa sigaw nga o sa sinabi ko haha

"What?"

"I said, SHE.DARE.ME.TO.LOVE.HER!" Pag-uulit ko pero ngayon kada isang word na para maintindihan niya.

"That's weird, hindi ba't si Dahyun ang gusto niya? Why would Sana dare you like that?" Takang tanong nito. Napailing nalang din ako dahil yan rin naman ang tinanong ko kay Sana, pero ang isinasagot niya sa akin ay hindi na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

the dare ↠ satzu.Where stories live. Discover now