Isa akong ordinaryong tauhan sa palabas na di alam kung kailan ang wakas. Isang tauhan na di rin ganap ang ginaganapan sa palabas. Wala akong kasiguraduhan at sa pinasok ko di alam kung saan lalabas. That's Indigo Athrix Jackson for you.
Katulad ng mga pinapangarap nyong artista, hindi din mapagkakaila na laging nakakaangat sa iba sa mga nasa paligid. Velvet spiky hair, perfectly-shaped-crystal-blue-colored eyes, a jaw dropping jawline (attracts ladies the most), cherry-red lips, light-skinned and a perfectly toned body... Siya yung loko kong nakakatandang pinsan (na bestfriend ko na rin), Second Year College, Course: Advance technology, heartthrob ng MATH AND TECHNOLOGY UNIVERSITY o MTU. Habulin ng kahit sinong tipikal na babae sa campus, entitled as the "King of Kings".
Riven "KING" Fernandez Athrix.
Paano ko nasabi na nakakaangat ako? Simple lang, matangkad ako, at kahit saan magpunta yan lagi ang napupuna nila. Yan lang eh, wala kasing hitsura. Pero sige sasabihin ko na rin para di na Kayo mabitin. First Year College student, Course: Molecular Physics, Brown-colored hair, green-colored eyes, a pair of dry lips, light-skinned as well, and a "normal" body.
*Indigo's POV
Nakaupo ako sa gilid ng silid kadikit ng mga kurtina sa bintana, na sa aking mga taon sa highschool, madalas kong ipantabon sa aking mukha sa tuwing ako ay matutulog sa klaseng hindi ko alam kung bakit never akong bumagsak kahit na tinutulugan ko na.
"Mr. Jackson!"
Umalingawngaw ang sigaw ng guro naming si Professor Maximus Hiffer na nakagising sa akin.
"Hindi ka ba nahihiya?! Unang araw mo pa Lang dito sa university nireklamo ka na ng professor mo dahil sa pagtulog mo sa klase! Answer the questions on the board!". Dagdag pa nya.
"Which one sir?" Sagot ko kahit na naaalimpungatan pa. "All of them you disrespectful kid!".
What happened next put a shock on my classmates' and my professor's face. Yup I answered all of them, even if I'm asleep in that class I got all the right answers. Dahil hindi nila ako kilala. I am the child prodigy who turned down an invitation from Herald University.
The most advanced school in the world. Why??? Because they did not grant my request. That request is to sleep, at any time.
May professor man o wala dapat pwede akong matulog. At dahil sa sagot na yan I never had the chance to show what I'm capable of. Hindi rin ginawang public ang pangyayaring yan dahil "disgrace" daw.
Eh kung disgrace ang pagtulog, di wag kayo tumulog! Basta ako pag gusto ko tumulog, tutulog ako! Now back to reality tama na ang flashbacks.
"I'm finished Sir."
Tiningnan ko ang blangko nyang mukha na manghang mangha sa pinaggagagawa ko sa board tsaka ko siya nginitian.
"Wh-What equation did you use Mr. Jackson?" He uttered. "Uhmmm, will you believe me if I say it's not written in any textbooks?" I asked with a smirk.
"No." He replied firmly.
"Then try to understand this. In that case you'll be able to know if I'm lying or not. Sir." I said. Ngunit bago pa makapagbalik ng mga salita si Prof. Hiffer, di namin namalayan na naubos na pala oras. Natapos ang klase namin ngunit hindi ang iringan...
BINABASA MO ANG
Love's Anatomy
RomanceI am Indigo Athrix Jackson, an intellectual kid who fell in love with physics, sleeping and a girl. This is my journey in solving irrational equations with different probabilities and outcomes. This is my equation. This is the anatomy of love. note:...