It takes a fifteen-minute walk to reach the coffee shop. Pero syempre tanghaling tapat, nagsakay ako 5 minutes lang narating ko na ito.
Wala masyadong tao dito pag tanghali dahil typical na coffee shop lang ito, but I always feel like home whenever I am inside.
Pagpasok ko palang ay nakita ko na agad siyang nakangiti sa akin. She made my heart beat faster for awhile.
"Hello Indigo." Bati nya sa akin
"Hi Daniel." Sagot ko naman.
"Kamusta ka?"
"Ayus lang Naman ako Daniel. Ikaw ba?"
"Uhm ito. Wala na yung Daniel na nakilala mo. Masaya ka na ba? Masaya bang ipagpalit yung opportunity sa pagtulog mo?" Her calm voice began to tremble.
"Daniel. Hindi kita pinagpalit. It's a must. Kailangan ko tumulog." I said in a cold voice.
"Indigo ipaliwanag mo naman!" Now her eyes are teary.
"Hindi pa ngayon. Hindi mo pa pwede malaman." I coldly said.
"Bakit?" She asked with the same tone I have.
"Dahil hindi ko din alam. At ayaw ko pang malaman. Is there anything you want to ask except this?" Sagot ko naman sa kanya.
"Marami pa. Pero parang ayaw ko ng itanong pa sayo. Saka na lang din. You can leave now." Her sweet voice is back now.
"Sige. Salamat sa pagpapaalala ng nakaraan. It's nice to see you up close again." Sagot ko saka umalis.
*Daniel's POV
Grabe. Hindi ko inakalang ganun ang kahahantungan nun. Ang lamig nya. Ilang taon lang akong nawala nagbago agad siya.
Kailangan ko na naman umuwi sa bahay na paulit ulit na nagbabalik ng mga masasamang ala-ala.
Mga pagmamalupit sa akin ng aking ama, ina, mga kapatid at mga tiyo at tiya. Lahat sila. Ginawa akong alila.
Inilayo ako sa mundo na dapat ay pinaparanas sa isang paslit na tulad ko. Kaya naglayas ako, ngunit labag parin sa loob dahil kahit pinagmamalupitan na ako ay mahal ko parin ang pamilya ko.
Sa paglalayas ko ay nakarating ako sa paaralan kung saan nakilala ko ang unang taong nagpakita ng pagpapahalaga sa tulad ko.
Nagpursigi ako hanggang makasabay ako sa talino nya. Hindi sya ordinaryong bata lang. Ginawa ko ang lahat hanggang maging magkapantay kami.
Nakiusap ako sa guro ko na patirahin ako sa bahay nya at dahil walang anak ay pumayag naman siya.
Ginugol ko ang lahat ng oras ko sa pagbabasa para maabot ko ang talinong meron ka.
Pero di ko talaga kaya ang matematika kung saan ka talaga biniyayaan.
Kaya't pinagtuonan ko na lang ang pagbabasa ng mga librong pilosopiya lohikal at lingwistikal. Hindi lang sa wikang Filipino at Ingles ngunit kasama rin ang French at Japanese.
Dahil sa pagbabasa ng mga akda ni Shakespeare, nalaman ko ang kahulugan ng pagibig sa akin sa murang edad.
Ikaw... Ikaw ang pagibig para sa akin. Pinadama mo ang pagtanggap na hinanap ko sa mga taong nakapalibot sa akin.
Ngunit di ko akalaing magpapaalam ka, tayo sa isa't isa. Akala ko ay tatanggapin mo na ang alok sa iyo, Ng sarili mong mga magulang.
Alam ko naman na gusto mong matulog pero bakit? Bakit mo ko kailangang gawing tanga? Inakala ko na di ka bibitaw pero bakit?
Matapos ko magaral sa H.U. ay bumalik ako dito at hinanap kita at ang pamilya ko pero wala na sila. Umalis na daw sabi ng katiwala ng bahay.
Professional na Sana tayong dalawa pero sinayang mo lang ang pagkakataon na binigay sayo ng mga magulang mo.
At ngayong nakita ka nang muli, nagkaroon na ako ng pagkakataon na sabihin na di magbabago at mahal parin kita, ganyan naman ang pinakita mo sa akin.
Nakakawalang gana.
Matapos ang ilang sandaling pagmumuni-muni ay natulog na ako. Bagong araw na naman bukas. Hindi ko alam kung kaya kitang harapin dahil sa mga sinabi mo pero dahil guro mo ako, isasantabi ko muna ang personal na mga bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
Love's Anatomy
RomanceI am Indigo Athrix Jackson, an intellectual kid who fell in love with physics, sleeping and a girl. This is my journey in solving irrational equations with different probabilities and outcomes. This is my equation. This is the anatomy of love. note:...