What AS I WOKE UP, I still felt that fucking headache from this morning.
Kaso hindi na malala di tulad kaninang umaga na halos kulang nalang mabiyak ang ulo ko sa sakit.
"Sir"napaigtad ako sa gulat ng may bigla nalang nagsalita sa tabi ko.
"Sorry po, nagulat ko yata kayo"salita ulit nito.
Pagtingin ko isang nurse na naman ang nasa tabi ko pero hindi na ito ang nurse na kausap ko kaninang umaga. Then sa pagkakaalala ko ng nurse at kaninang umaga, naalala ko din na si Quinzel ang huli kong kausap bago ako nawalan ng malay.
"Si Quinzel?"tanong ko agad sa nurse sa tabi ko.
"Ah, busy na po si Doktora. May pasyente po siya ngayon"magalang na sagot nito.
Napakunot ang noo ko habang inililibot ang paningin ko sa buong paligid ko. Wala naman na ako sa ER ngayon, mukhang nasa isang pribadong clinic ako. Hindi naman kasi mukhang ward ang kinasasadlakan ko ngayon.
Tuluyan na akong tumayo, ganon nalang ang gulat ko ng makitang madilim na sa labas.
"What time it is?"gulat kong tanong sa nurse.
Tinignan niya muna ang wrist watch niya bago muling tumingin sakin.
"Quarter to eight to ng gabi"sagot nito sakin.
Mariing napapikit nalang ako habang hinahagilap sa bulsa ko ang cellphone ko.
"Sir, heto po ang cell phone niyo. Tumawag mo ang secretary niyo kanina, ininform na po namin na nasa ospital kayo"ani ng nurse ng mapansin niya sigurong may hinahanap ako.
Pagtingin ko sa cell phone ang daming miss call's, mula sa mga magulang, mga kapatid at secretary ko.
Huminga ako ng malalim bago ko dinial ang number ni Mommy. Pero hindi pa man nagriring ang tawag ko agad ko itong pinatay ng makita ko si Quinzel na kakapasok lang sa clinic.
Mukha siyang pagod habang nakatitig sakin.
"Iwanan mo na kami Nurse Camille"utos nito sa nurse na nagbantay sakin.
Paglapit na paglapit niya sakin agad niyang idinukdok ang noo niya sa dibdib ko.
"Is there something wrong?"nag-aalala kong tanong sa kanya.
Umiling lang siya bago niya ako niyakap, madaming beses siyang huminga ng malalim. Halatang pagod siya sa kung ano mang ginawa niya maghapon.
Makalipas ng ilang minutong pagyakap sakin basta nalang niya akong binitawan at bahagya pang itinulak.
"Magbayad ka sa cashier, one hundred thousand ang bill mo sa maghapon mong confinement"masungit na sabi niya habang naglalakad papunta sa table dito sa loob.
Napanganga ako sa gulat habang nakikinig sa kanyang sinabi.
"Sigurado ka sa babayaran ko?"nanlalaki pa ang mata ko habang tinatanong ko siya non.
Sinundan ko pa nga siya sa kinauupuan niya habang natitig pa din ako sa kanya. Habang siya naman busy na sa mga kung anong papel ang nasa ibabaw ng lamesa niya.
"Akala ko ba doctor ka?"nakuha kong itanong habang nakatitig ako sa kapal ng mga papel na nasa harapan niya.
Napataas ang kilay niya ng sulyapan niya ako, nakasalamin na siya ngayon ng mata. Damn, ang hot niyang tignan.
"What the hell are you talking about?"sikmat niya sakin.
Nginuso ko naman ang mga hawak niyang papel, based sa nakikita mga numero and words ang mga ito. I've seen a medical charts before, and technically I know what papers looks like if its for business related matters.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #7: QUINZEL (COMPLETED)
RomanceSEVENTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN King and Quinzel Story Cover by: PANANABELS