Chapter 1 ❤️

53 3 1
                                    

-Czarina-

Sabi nila love is blind daw, but for me? It is not blind, kasi bakit? Nakikita natin ang imperfections isang tao pero dinidisregard lang natin yun dahil mahal natin sila, kaya hindi bulag ang love tayo lang tong nagbubulagbulagan! Nakita na ngang hindi ka niya mahal umaasa ka pa rin!

Andito ako ngayon sa isang coffee shop kasama ang bestfriend kong si Czar kung saan nandirito rin yung long time love ko, at oo isa ako sa mga taong mag isang umiibig, matagal na din akong umamin sa kanya after nung graduation namin nung high school at hindi ko naman inexpect na parehas pala kami ng school na papasukan ng college at parehas din ng course pero feeling ko sobrang ilang na siya at  kahit malayo siya sa akin umaasa pa rin ako na sana dumating yung time na piliin niyang mahalin ko siya kasi sa araw araw kong efforts na ginagawa sana mapansin at maappreciate niya ako besides di naman niya ako pinipigil, although I know hindi natuturuan ang puso pero I will do my best para ako ang piliin niyang mahalin.

"Hello din babe!" Sabay kiss sa noo nung babae. Hayys. 💔 shit ansakit!


Kanina pa kami nagkwekwentuhan ni Czar ng kung ano ano ng biglang may umagaw ng atensyon ko, isang babaeng maputi na medyo maganda lang ang lumapit sa kay long time love ko,

"Hi babe! " sabi sa kanya ng babaeng kapapasok lang sa coffee shop. Sino naman to!

Psh! Di naman maganda! Pero oo na maganda na, hay may girlfriend na pala siya!

Sana ako na lang siya! Habang nakatitig sa kanila.

"Huyyy! Huyy!" kinakalabit na pala ako nitong si Czar! Hahahaha

Si Czar ang boy bestfriend ko, at ewan ko ba bakit magkaconnect talaga ang pangalan namin, siguro we are meant to be friends talagaaa!

"Oohh! Hahaha bakit na naman makahoy ka!" Sabay palo sa kanya

"Eh paano naman halos matunaw na yung lalaki sa titig mo at halos mamatay na yung babae sa irap mo sa kanya, tell me crush mo ba yung lalaki or nagagandahan ka dun sa babae?"

Napaluwa naman ako sa iniinom kong kape sa sinabi niya, aba't gagawin pakong bi nito!
Binatukan ko nga siya!

"Arayy! Ano ba?!" pagrereklamo niya
"Paano kung ano ano iniisip mo sa akin? Bwisit na to! Diyan ka na nga, pinapauwi nga pala ako ni mommy ng maaga!" sabay hila ng bag ko at umalis, nasasaktan na nga ako kasi may girlfriend na sya nagkaroon pako ng sutil na bestfriend at oo nasasaktan ako sa nakita ko ngayon!

Ganoon naman eh, pag pinili mong magmahal ng taong di ka mahal, ihanda mo nalang sarili mo sa masasakit na bagay na makikita o maririnig mo.

Ihanda mo na din ang puso mo dahil for sure hahahaha double or triple dead pa yan!

Sumakay na ako sa jeep at umuwi mamaya na lang ako iiyak sa kwarto ko! Kahit patulo na ang mga luha ko, and by the way 3 years na akong one sided love.

-Czar-

Andito kami ngayon ng mahal ko este ng bestfriend ko sa coffee shop para magkwentuhan at magbonding, para bago magpasukan eh magkabonding kami. Oo college freshman palang kami, parehas kaming magtatake ng BS Bio hahaha nakakatuwa lang kasi parehas kami ng gusto at oo mahal ko siya kaso one sided di ko magawang sabihin sa kanya kasi alam kong baka magbago ang tingin niya sa akin, baka pati friendship namin maapektuhan, ayoko...

To love or to be loved?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon