Chapter II

11 1 0
                                    

 

 Two Days. Two Days Na kong sunod ng sunod sa utos netong Master Ivan Daw

Nakakapagod. Napapagod na ko Kakasunod Sa Utos Nya. Pero Wala pa Sa Sampu Yung Commands. hays. Ang Dami ko pang gagawin para makuha yung kwintas. ARGH ! Leche talaga to !

tumunog yung cp ko. Master Ivan Calling. . . " oy Tomboy !" Psh. Di Man Lang marunong mag hello.

" Ano Nanaman ?! at ilang beses kong uulitin na nicole ang pangalan Ko ?!"

ang sarap nyang katayin ng buhay.

" Sinisigawan Mo Master mo?"

hala sige, mangunsensya. Hmp. Sarap sampalin ng paulit ulit.

" ano bang kailangan mo?"

Tinimpi ko yung sarili ko. kung di lang dahil sa necklace, di ko gagawin to.

" pumunta ka sa room ko mamaya. may iuutos ako."

inuutusan nya na nga ko. may uutos pa. psh. Bobo -____-"

" yun lang ba ? sige." end call ko agad.

hays. kumukulo talaga yung dugo ko. di ko maexplain yung inis ko sakanya.

Dumating yung math teacher namin. umupo agad ako sa upuan ko, malapit sa bintana.

nagpasulat lang sya ng lesson. sinisipag nanaman ako maging tamad. nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

" pass your notebook."

nagulat ako kay math teacher. Pinasa nila yung mga notebooks nila.

" ang walang complete copy for this whole grading walang 2nd periodical examination"

habang palakad lakad pa sya sa unahan.

Seriously ?! Hala Ka. may mga sulat akong notes pero 2 to 3 pages lang laman ng note ko. lagot kang bata ka ! pano na ko ?ayokong bumagsak no. sa talino kong to, babagsak ako ?

hinanap ko yung notebook ko sa bag. tsk . nawala pa

" ipasa mo to." tapos inabot saken ni tristan yung notebook ko.

" Na-nasulatan na yan."

totoo ? di sya nagbibiro ?

pinasa nya yung kanya. binuklat ko yung notebook ko. haha. punung puno ng sulat. kumpleto.

pano nya kaya yun nagawa. ang bilis nya naman magsulat. tumayo ako para ipasa.

pagbalik ko sa upuan ko . nagthank you ako kay Tristan.

" Thanks."

"H-ha?"

*Wapaaaaaak* "sabi ko thanks!" napahawak na lang sya sa ulo nya. sarap batukan ng paulit ulit neto.

"Ms. Montereal ? nambubully ka nanaman ?" napatingin lahat saken.

" h-hindi po! inayos ko lang po yung buhok ni Nerd, ah Este Tristan Ma'am. Diba? diba ? "

tumingin ako kay Tristan.

" o-opo. inayos lang po ni N-nicole ma'am."

" ah ok." tapos bumalik sya sa pagche check ng notebooks.

Hahaha. akala ko mapapagalitan nanaman ako ng manang na teacher na to.

kahit tito ko yung may ari ng school. pinapagalitan padin nila ko. tss. tinapik ko na lang si tristan sa ulo.

" good boy."

Tumingin naman samin si maricel, naka evil smile. parang sinasabing ' great job'

yan yung bestfriend ko bukod kay jastine na buddy ko. si maricel naman ang Partner in crime ko.

kaso kung kami ni jastine medyo boyish. sya naman girl na girl.

nagbell na. last subject ang math. meaning uwian Na!

dati excited akong mag uwian. pero ngayon parang mamamatay ako sa inis pag naiisip ko na kailangan kong pagsilbihan si Ivan -___-

" oy bee! Sabay na tayo."

lumapit sakin si maricel. " sorry bee. May pupuntahan pa ko "

"kanino? kay master ?"

sumimangot na lang ako.

" Sabay mo na lang si Nerdy boy"

"Ha ?! seryoso ?! yung ganda kong 'to, isasabay mo kay nerd ? thank you na lang. si Jastine na lang isasabay ko." flip hair then walk out. maricel Style.

napakamot sa ulo si tristan. " u-una na ko" psh. lagi na lang syang nauutal. ganyan ba talaga pag nerd?

* Waapaaaak*

nahagip ko nanaman sya sa ulo.

" sige bye." sabay lakad paalis. Nicole's Style. xD

pagdating ko sa room ni ivan , sya na lang yung tao.

" Hoy ?"

" ang tagal mo naman" tapos nakabusangot sya.

" san tayo pupunta? "

hinila nya ko.

"magdedate tayo"

100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon