Kapag ang isang tao nagbitaw ng pangako, umaasa tayo. Kasi yun yung pinanghahawakan natin... pinanghahawakan niyong pangako na kayo lang dalawa hanggang sa huli.
Katagang laging nakatatak sa isipan ko. Pero nuong oras na nawala siya.. naglaho ang mundo ko, kasama ang pangakong iyon na pinanghahawakan ko.
Bakit kaya ganun?
Bakit kailangang mapako ang mga pangako?
Bakit ang pangako niyang mananatili siya ay hindi na matutupad?
Bakit ang pangako niyang kami hanggang sa huli, eh kahit kailan ay hindi na mangyayari?
Ganun ba talaga kapag may pangako sayo, may kalakip din na sakit?
BINABASA MO ANG
I'm still waiting
RomanceAng babaeng hindi nawawalan ng pag-asa kahit alam niyang wala na talaga