*PAAAAAAAK!!!*"Hoooy! Sumisenti ka nanaman!" Sigaw ng best friend ko habang nakapamewang.
"Hoooy! Kung makabatok ka wagas ah! Kung hindi lang kita best friend baka isinubsob ko na yang pagmumukha mo dito sa lamesa!" Sigaw ko habang nakahawak sa batok ko. Jusko, napaka bigat pa naman ng kamay niya.
Andito nga pala kami sa isang bistro. Actually pagmamay-ari ito nila bestie.
"Ano, iniisip mo nanaman siya?" Tanong niya
"Hindi no!" Pagsisinungaling ko
"Tsk. Hay nako! Kaya nga minsan ayaw kitang isama dito eh. Lagi nalang ang lalim ng iniisip mo. Past is past. Hinding hindi mo na maibabalik--
"Ang nakaraan?" Singit ko.
"Tumpak! Ang galing galing talaga ni bestie !" Sabi niya sabay palakpak. Nagmukha na siyang sira. Well magtataka pa ba ako sa lakas ng saltik niya.
Ako nga pala si Princess Herjean Buenavista, 17 years old. At ang kasama ko naman ay si Samantha Criz Agustin, childhood friend ko.
Meron pa kaming dalawang barkada. Sina Rhenimaine Montenegro or Maine at si Viani Allianah Gallardo or Yanna.
Kaso wala silang dalawa ngayon kasi nasa bakasyunan sila. Kaya kaming dalawa nalang ni Sam yung kumakanta dito sa bistro. Tulong narin naming dalawa to para dumami yung mga costumer. Saka hindi namin itinuturing trabaho ito. For enjoyment lang kumbaga.
Napatahimik nalang si Sam nung mag change topic ako
"It was almost 3 years right?" Pagpapa alala ko
"Yes, after that accident." Pagsang-ayon niya.
"I don't really know why I'm still hoping." Pagtatapat ko sakaniya
"That he's still alive? Na babalikan ka niya? After all this years? Walang paramdam, ni anino wala." Sabi niya na ikinasakit ng dibdib ko.
"Kaya nga! Kung talagang patay na siya, bakit hindi ko pa nakikita yung kaluluwa niya? Bakit!! Kahit magparamdam man lang siya! Wala!" Yes, may 3rd eye ako.
"Ti-tigil na-ko.. ba-basta magpakita ka lang" Pagmamakaawa ko at tuluyan na ngang umagos ang aking mga luha.
"Sorry Cess? Kung alam ko lang na mangyayari yung accident. Edi sana hindi na natin pinakealaman yung kotse ni Daddy. I'm so sorry." Pagpapatahan niya sakin habang hinahaplos ang likuran ko. Thank God, I have this kind of best friend.
Flashback..
"Uy Princess, Sam!" Tawag samin ni Zack sa labas ng bahay nila Sam.
"Oh, bakit Zack? Anong meron at ang saya mo? Nanalo ka ba sa lotto?" Haay nako.. si Sam talaga
Si Prince Zack Ballesteros nga pala. Siya yung taong pinakamamahal ko.
"Natapos na kasi akong turuan ni Dad na magdrive. Nakuha ko na din yung student's license ko." Kuwento nito na abot tenga ang ngiti. Makikita mo sakanyang mga mata ang saya na nararamdaman niya ngayon. I really love those eyes.
"Really?? Mabuti naman kung ganun Zack" sabi ko at lumapit sakanya
"Uy tamang tama! Kanina ko pa gustong pumunta sa park. Tara mayroong kotse doon sa garahe namin na matagal nang hindi ginagamit ni Daddy. Halika idrive mo yun. Dali!" Pagyayaya ni Sam sabay hila saaming dalawa ni Zack.
Habang nagmamaneho si Zack, hindi nawawala yung takot at kaba na baka may mangyaring hindi maganda samin.
"Wow! Marunong ka na Zack! Ang galing mo!" Puri ni Sam
"Thanks Sam" sabi ni Zack habang nakatuon parin ang atensyon sa daan.
"Uy, magsalita ka naman diyan Cess." Si Sam sabay siko sakin
"Ah oo ang galing mo na nga Zack. Pwede na tayong mamasyal kahit saan. Matutupad na din yung plano nating mag out of town" sabi ko na ikinasaya ni Sam
"Oo promise ko yun eh" si Zack sabay kindat sakin na ikinilig ko naman.
Pagkalingon ko sa bintana, may nakita akong isang track na babangga saamin.
"Zack may track!" Sigaw ko na ikina- panic naming tatlo
"Oh my gosh! Zack magpreno ka! Dali!" Sigaw ni Sam at lumapit kay Zack
"Ayaw gumana yung preno!"
"Ano?!!"
"Oh sh*t!!!"
"Oh my gosh! Babangga na satin!!"
"Argggh! Come on!!"
*PEEEEEEEEP PEEEEEEEEP*
*BLAAAAAAAAAAAG*
Ang huli ko nalang nakita ay ang duguang Zack at Sam. Pinilit ko pang bumangon kaso biglang nandilim ang paningin ko.
Pagkamulat ng mga mata ko.. white? Teka nasa heaven na na ako? Eh pano nangyari yun?
Biglang sumagi sa isip ko sina Sam at Zack. Pinilit kong bumangon kasi masakit ang buong katawan ko.
"Oh anak gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni mama habang papalapit sa akin.
"Ma, kumusta po sina Sam at Zack?" Agad na tanong ko
"Uhmm.. si Sam okay na siya. Sugat lang ang natamo niyong dalawa. Kaso si..." Biglang humina ang boses ni mama na siyang ikinakaba ko
"S-si Zack? Si Zack po ma? Kumusta po siya? Diba okay na din po siya? Diba po ma?" Nagsisimula nakong kabahan dahil sa nakikita kong kinikilos ni mama
"Anak" pagsisimula niya at hinawakan ang kamay ko."Sorry anak, kailangan siyang ilipat sa ibang hospital dahil malala yung natamo niya. Hindi nila kayang gamutin si Zack dito"
"H-ha?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi po yan totoo, diba Ma? Diba nagbibiro lang po kayo?" Pero imbes na sumagot ay umiling lang siya.
"Hi-hindi. Hindi yan totoo! Asan po siya? Kailangan ko po siyang puntahan Ma!" Pagmamakaawa ko
"Princess! Kailangan mo munang magpagaling! Hindi mo pa kaya."
"Pero Ma, mas lalong hindi ko kaya pag nawala siya!"
*KNOCK KNOCK*
Nakita ko ang parents ni Zack at tinawag si Mama
Halata sa mga mata nila ang lungkot. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Basta ang alam ko, bigla akong kinabahan.
Pagbalik ni Mama "Princess, anak?"
"Ano po yun Ma?" Kabadong tanong ko
"Uhmm.. lilipad na sina Zack ngayon sa US para dun magpagamot" naluluhang sabi nito
Napatunganga nalang ako at napahahulgol na sa iyak.
"Hindi! Hindi totoo yan! Asan siya?! Pupuntahan ko siya!" Tatayo na sana ako nang bigla akong pinigilan ni mama at niyakap.
"Anak! Tama na. Hayaan nalang muna natin siyang magpagaling. Hindi lang ikaw ang nasasaktan, ako rin anak. Nasasaktan ako na nakikita kitang ganyan. Kaya anak, tahan na? Kung puwede lang na ako ang nakakaramdam ng sakit na nararamdaman mo ngayon, ginawa ko na. Sorry anak, walang magawa si mama?" Patuloy parin ako sa pag-iyak hanggang sa napatahan ako ni mama at nakatulog.
Kinabukasan, nabalitaan ko na lang na pumanaw na si Zack. Doon na nagsimulang maging miserable ang buhay ko.
------------------------
"Oh, tama na ang kuwentuhan. Baka malasing pa kayo." Pagkalingon namin ni Sam, si Ate Faye lang pala at si Kuya Zyron. Ang dalawa kong kapatid.
"Oo nga, magmumukha nanaman kayong zombie pag nagkataon. Hahaha" pang-aasar ni kuya
"Heh! Never! Sa ganda naming to? Duh!" Sabay pang sabi namin ni Sam at binigyan ng killer eyes si Kuya. Tsk. Kahit kailan talaga.
"Hahaha. Oh tama na! Baka magkaroon na naman ng war dito. Mahirap na." Pag-awat ni Ate. "Uwi na tayo. Hatid ka na rin namin sa bahay niyo Sam." Yaya ni Ate.
BINABASA MO ANG
I'm still waiting
RomanceAng babaeng hindi nawawalan ng pag-asa kahit alam niyang wala na talaga