Chapter 1

7 1 0
                                    

Chapter 1

Graduation day na at kinakabahan na ako kasi ako na ang susunod na pupunta sa stage.

"Smile baby. you look very beautiful today" Mom said.

Nandito silang lahat para sumuporta. Nakangiti ako habang nagpaflash yung camera. Tapos na ang graduation and pauwi na kami sa bahay to celebrate. Hindi ganoon ka rami ang bisita yung mga friends and relatives lang namin na malapit sa amin.

Hindi narin masyadong bongga yung celebration sabi ko kasi kay mommy na wag na masyadong pagandahin total malapit narin naman akong mag 18 at dun nalang ituon lahat para di masyadong magastos

Tumingin ako sa mga basita and they all congratulate me. Dumating narin ang mga Lorenzo, kael's family.  Nandun ang kaniyang mga magulang since magkabusiness partner sila nila mommy kaya siguro pinaunlakan nila ang aming imbitasyon. Nakita ko rin si Mr.Lorenzo, One of the most successful business man in Asia na kaibigan naman ni Daddy. Nandito rin ang kaniyang kuya at ang kaniyang nakababatang kapatid ngunit di ko sya nakita. Di ko alam pero bigla nalang akong nadisappoint para bang nawalan ng saysay ang pagpunta ng buong angkan niya kung hindi naman sya magpapakita.

Lumapit sa mesa namin ang Mga Lorenzo at Agad naman silang sinalubong nila mommy. Napatayo kaming lahat para magbigay galang.

"Congratulations hija" Sabi ni Mrs.Lorenzo ngumiti ako at nagpasalamat.

Sa itsura niya ay di mo aakalaing may mga anak na siya. She looks so stunning with her simple but elegant purple dress. 

Binati rin ako ng kuya niya at ng kaniyang nakakabatang kapatid na lalaki. Puro sila mga lalaki ngunit kahit na magkapatid sila ay meron parin silang pagkakaiba.

Naupo na sa mesa namin ang mga lorenzo at nagsimula na silang kumain habang ako eto lutang na lutang. Di ko alam pero di ko ata ma eenjoy ang party na to.

"Smile princess he's here" Bulong ni kuya  axen na nakangiti.

Sinundan ko sya ng tingin at nakita ko na papalit sa gawi namin ang lalaking kanina ko pa hinahanap.

Damn Szena you're in danger

Napakapormal ng suot niya ngayon na para bang galing sya sa isang business meeting. Super matured siyang tignan pero super gwapo rin naman.

"Dude! Mabuti naman nakahabol ka" Sabit ni kuya axen sabay tapik kay Kael.

"Medyo napahaba kasi yung meeting. Mabuti nalang nakahabol pa ako" Sagot niya sabay tingin sa akin.

"Congratulations Mikael. I hope this time you'll accept my hand and my gift" Seryoso niyang sabi na naglahad ng kamay sakin.

At napatunganga na naman ako. Hindi ko alam na magkakaganito ako sa isang lalaki. Na may lalaki palang makakaapekto sakin ng ganito.

Natauhan ako agad at tinanggap ko ang kaniyang kamay

"Im sorry and Thanks"  I said sa mahinang boses.

Sinamaan ko ng tingin ang kapatid kong si axen at si kuya love na humahagihik at nagpipigil ng tawa. Di ko namalayan na masyado palang OA ang pagkakasabi ko .

Bwesit nakakahiya!!

Ibinigay niya sakin yung gift niya at dumako sa kaniyang mga magulang. nakipagbiruan rin sya kaila mommy at daddy.

Nag excuse ako para makapaglibot libot at para narin makalayo sa kaniya. Di ko kasi ata talaga mapigilan ang sarili ko na di tumitig sa kaniya. Pumunta ako sa dako nila Mia at ng mga kaibigan niya. 

ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon