Don't forget to vote, comment and share!
Chapter 2
Never Assume Unless Stated
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Magtatanghali na ata at masyado akong napuyat kagabi di ko makalimutan yung nangyari hanggang ngayon ay pabalik-balik parin sa isip ko yung boses niya. Nakakainis at nakakakilig ni hindi ko mawari kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman.
Naiinis ako kasi naaapektohan niya ako ng ganito. Naiinis ako sa sarili ko kasi para akong batang first time na nagkagusto.Meron naman akong mga taong nagustuhan noon pero hindi ganito kalala at kinikilig ako at the same time. Nakakakilig pakinggan yung boses niya parang may pagkahusky na hindi ko ma intindihan pero nakakakilig talaga.
Bumangon na ako at agad kong tiningnan ang cellphone ko nagbabakasakaling may nagtext. Napasimangot naman ako ng makitang wala ni isang nagtext sakin.
kainis sino ba naman kasing nagsabing magtetext siya pagkatapos niya akong tawagan!? eh tinawagan niya lang naman ako para tanungin kung nagustuhan ko ba ang gift niya.. Right! that's it.
Nataranta ako ng biglang tumunog yung phone ko agad ko itong kinuha at sinagot. Hindi na ako nag abalang tingnan kung sino ang tumawag dahil masyado akong excited sagutin yung tawag.
"Hello?" bungad ko. Masyado atang mahinhin ang pagkakasabi ko nakakahiya. ilang segundo na ang lumipas ngunit di parin sumasagot yung kabilang linya.
"Hello?" pag-uulit ko
"Hello ate nakabihis kana ba?" Bungad sakin dahilan kung bakit ako napatingin sa phone ko.
Ilang mura pa ata ang nasabi ko bago ako nakasagot. Si Mia lang pala ang tumawag. May plano kasi kaming magshopping ngayon dahil magbebeach hunting kami nextweek at kailangan namin yung paghandaan.
"Hello ate wag mong sabihing natutulog kapa eh magtatanghali na. Maligo kana at Magbihis kasi nakahanda na naman ang umagahan. Wag mo akong masyadong paghintayin ha" iritadong sabi niya. Suplada talaga tong bunso namin eh
"Oo na! Maliligo na. Para kang si mama eh" Inis na sabi ko at agad pinatay ang tawag at dali-daling tumakbo papunta sa banyo.
"Ate unahin natin yung mga damit natin ha specially swimsuit. Tapos kaila kuya since di naman sasama sila mommy" Sabi ni Mia habang tulak-tulak ang cart. Nandito kami sa isang sikat na mall ngayon at naghahanap kami ng pwede namin suotin magbebeach hunting nga kasi kami at kailangan namin yung paghandaan kasi 1week or 2 ata yun.
Nakapili na ako ng swimsuit na gusto ko. Tatlong swimsuit lang kasi may isa pa akong di ko nagagamit na binili ko last last month. Di masyadong revealing yung swimsuit na nakuha ko pero alam kong bagay na bagay ito sakin. Kulay red, skin tone at black yung kinuha kung swimsuit. Yung dalawa ay two piece yung isa naman ay one piece tube.
Nakapili narin ata si Mia ng sa kaniya. Masyado pang bata yung kapatid ko pero ang tanda-tanda na kung umasta para ngang ako ang bunso saming dalawa eh.
2pm na at naisipan naming maglunch dalawa. Since late breakfast yung kinain namin kanina kaya late narin kaming naglunch. Habang kumakain kami ay panay ang kwento ni Mia sakin ng wattpad story na binabasa niya. Mahilig kasi kaming magbasa kahit ako ay nakahiligan ko rin ang pagbabasa ng mga stories its either book or sa wattpad and other e-book sites.
Natapos na kaming kumain ay tinawagan agad ni Mia si kuya love para tanungin kung may ipapabili siya samin para nextweek pati narin si kuya xander habang ako naman ang tumawag kay kuya axen.
"Hello kuya. Nandito kami sa mall ni Mia may ipapabili ka ba? naghahanda kasi kami para nextweek yung vacation natin" sabi ko agad. Ilang minuto ang lumipas ay hindi parin sumasagot ang kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Choices
RomanceLove is one of the greatest feeling that a person might feel. It is unpredictable and unstoppable. It will make a person's life worth living for but it depends on the person we choose to love. its either they will make us or break us and i never tho...